Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at magsasabi Kami: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo," at malalaman nila na ang katotohanan ay kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling. Magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyong kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," at mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم