Sabihin mo: "Sino itong magsasanggalang sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang kasagwaan o nagnais Siya sa inyo ng isang awa?" Hindi sila nakatatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng isang tagatangkilik ni isang mapag-adya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Sino itong magtatanggol sa inyo laban kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng kinasusuklaman ninyo na kamatayan o pagkapatay, o nagnais Siya sa inyo ng inaasahan ninyo na pagkaligtas at kabutihan?" Walang isang magtatanggol sa inyo laban doon. Walang matatagpuan ang mga mapagpaimbabaw na ito para sa kanila ng bukod pa kay Allāh na isang tagatangkilik na tatangkilik sa kapakanan nila ni isang mapag-adya na magpipigil sa kanila mula sa parusa ni Allāh sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم