[Ito ay] upang magparusa si Allāh sa mga lalaking mapagpaimbabaw at mga babaing mapagpaimbabaw, at mga lalaking tagatambal at mga babaing tagatambal, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pumasan nito ang tao ayon sa pagtatakda mula kay Allāh upang magparusa si Allāh sa mga mapagpaimbabaw na lalaki at mga mapagpaimbabaw na babae, at mga tagatambal na lalaki at mga tagatambal na babae dahil sa pagpapaimbabaw nila at pagtatambal nila kay Allāh, at upang tumanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya na nagpahusay sa pagpasan ng ipinagkatiwala sa mga tungkulin. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم