Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na pinag-aaralan nila. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago mo ng anumang tagapagbabala.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi Kami nagbigay sa kanila ng anumang mga kasulatan na babasahin nila upang magturo sa kanila na ang Qur'ān na ito ay kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad. Hindi Kami nagsugo sa kanila bago ng pagsusugo sa iyo, O Sugo, ng anumang sugo na nagpapangamba sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم