Nakakikita ang mga binigyan ng kaalaman na ang ibinaba sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan at nagpapatnubay ito tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sumasaksi ang mga maalam sa mga Kasamahan [ng Sugo] at ang sinumang sumampalataya kabilang sa mga maalam sa mga May Kasulatan na ang ibinaba ni Allāh sa iyo na pagkasi ay ang katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito, na gumagabay patungo sa daan ng Makapangyarihan na walang nakadadaig na isa man, Pinapupurihan sa Mundo at Kabilang-buhay.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم