Tungkol sa `Ād, nagmalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan at nagsabi sila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Hindi ba sila nagsaalang-alang na si Allāh na lumikha sa kanila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay sa mga tanda Namin nagkakaila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tungkol sa `Ād na mga kababayan ni Hūd, kalakip ng kawalang-pananampalataya nila kay Allāh ay nagpakamalaki sila sa lupain ayon sa hindi karapatan, lumabag sila sa katarungan sa nakapaligid sa kanila, at nagsabi sila habang sila ay nadadaya ng lakas nila: "Sino ang higit na matindi kaysa sa amin sa lakas?" Walang isang higit na matindi sa kanila sa lakas ayon sa pagkakahaka-haka nila kaya tumugon si Allāh sa kanila: "Kaya ba hindi nakaaalam ang mga ito at nakasasaksi na si Allāh na lumikha sa kanila at naglagak sa kanila ng lakas na ikinalabis-labis nila ay higit na matindi kaysa sa kanila sa lakas? Sila dati ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na dinala ni Hūd - sumakanya ang pangangalaga."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم