Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: "Huwag kayong makinig sa Qur’an na ito at mag-ingat kayo [sa pagbigkas] dito, nang sa gayon kayo ay mananaig.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga nagtatagubilinan sa pagitan nila noong nawalang-kakayahan sila sa pagharap sa katwiran sa pamamagitan ng katwiran: "Huwag kayong makinig sa Qur’an na ito na binibigkas sa inyo ni Muḥammad at huwag kayong magpaakay sa nilalaman nito. Sumigaw kayo at magtaas kayo ng mga tinig ninyo sa sandali ng pagbigkas niya nito, nang sa gayon sa pamamagitan niyon ay manalo kayo sa kanya at itigil niya ang pagbigkas niyan at ang pag-aanyaya tungo riyan para makapagpahinga kayo riyan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم