[Banggitin] noong nagsabi ang mga disipulo: "O Hesus na anak na Maria, makakaya ba ng Panginoon mo na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" ay nagsabi siya: "Mangilag kayong magkasala kay Allāh kung kayo ay mga mananampalataya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Banggitin mo noong nagsabi ang mga disipulo: "O Hesus na anak ni Maria, makakaya ba ng Panginoon mo, kapag dumalangin ka sa Kanya, na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" Kaya sumagot si Hesus - sumakanya ang pangangalaga - sa pamamagitan ng pag-utos sa kanila ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at ng pag-iwan ng paghiling ng hiningi nila yayamang baka may dulot itong isang tukso sa kanila at nagsabi siya sa kanila: "Manalig kayo sa Panginoon ninyo sa paghiling ng panustos kung kayo ay mga mananampalataya."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم