Sabihin mo: "Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa hindi nakapagdudulot para sa inyo ng isang pinsala ni pakinabang." Si Allāh ay ang Madinigin, ang Maalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, o Sugo, habang nangangatwiran sa kanila kaugnay sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh: "Sumasamba ba kayo sa hindi nagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi nagtutulak palayo sa inyo ng pinsala gayong ito ay walang-kakayahan samantalang si Allāh ay malaya sa kawalang-kakayahan? Si Allāh, tanging Siya, ay ang madinigin sa mga sinasabi ninyo kaya naman walang nakalulusot sa Kanya sa mga ito na anuman, ang maalam sa mga ginagawa ninyo kaya walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم