Kung sakaling nakikita mo noong nanghilakbot sila ngunit walang lusot at dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, noong nanghilakbot ang mga tagapasinungaling na ito noong napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon kaya walang matatakasan para sa kanila mula roon at walang madudulugang dudulugan nila. Dadaklutin sila mula sa isang pook na malapit na madaling makaabot kaagad-agad. Kung sakaling nakikita mo iyon ay talaga sanang makakikita ka ng isang bagay na kataka-taka.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم