Nagtalaga Kami para sa kanila ng mga kapisan at ipang-aakit ng mga ito para sa kanila ang nasa harapan nila at ang nasa likuran nila [na kasalanan]. Nagindapat sa kanila ang hatol sa mga kalipunang nagdaan na noong wala pa sila, kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila noon ay mga lugi.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Naglaan Kami para sa mga tagatangging sumampalataya na ito ng mga kapisan kabilang sa mga demonyo na didikit sa kanila. Magpapaganda ang mga ito para sa kanila ng mga gawain nila sa Mundo at magpapaganda ang mga ito para sa kanila ng nasa hinaharap nila kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay. Kaya naman magpapalimot ang mga ito sa kanila sa pagsasaalaala niyon at paggawa para roon. Kakailanganin sa kanila ang pagdurusa sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan na noong bago pa nila kabilang sa jinn at tao. Tunay na sila noon ay mga lugi yayamang nagpalugi sila sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagpasok nila sa Apoy.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم