Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang awa mula sa Amin noong matapos ng kariwaraang sumaling sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin at hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung pinanumbalik ako sa Panginoon ko, tunay na ukol sa akin sa ganang Kanya ay talagang pinakamaganda." Talagang magbabalita nga Kami sa mga tumangging sumampalataya ng ginawa nila at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang magaspang.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya mula sa Amin ng isang kalusugan, isang pagkayaman, at isang kagalingan matapos ng isang pagsubok at isang karamdaman ay talagang magsasabi nga siya: "Ito ay ukol sa akin dahil ako ay nababagay rito at karapat-dapat. Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay sasapit. Talagang kung ipagpapalagay man na ang Huling Sandali ay sasapit, tunay na ukol sa akin sa ganang kay Allāh ang pagkayaman at ang yaman sapagkat kung paanong nagbiyaya Siya sa akin sa Mundo dahil sa pagkakarapat-dapat ko roon magbibiyaya rin Siya sa akin sa Kabilang-buhay. Talagang magpapabatid nga Kami sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng ginawa nilang kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng isang pagdurusang labis sa katindihan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم