Kabilang sa nasa paligid ninyo kabilang sa mga Arabeng disyerto ay mga mapagpanggap sa pananampalataya at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah. Namihasa sila sa pagpapanggap. Hindi ka nakaaalam sa kanila; Kami ay nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin Namin sila nang dalawang ulit, pagkatapos ay itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kabilang sa mga malapit sa Madīnah kabilang sa mga naninirahan sa ilang ay may mga mapagpanggap sa pananampalataya at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah ay may mga mapagpanggap sa pananampalataya. Nagpanatili sila ng pagpapanggap at nanatili sila rito. Hindi ka nakaaalam sa kanila, O Sugo; si Allāh ay ang nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin sila ni Allāh nang dalawang ulit: isang ulit sa Mundo sa pamamagitan ng pagkakalantad ng pagpapanggap nila, pagkapatay sa kanila, at pagkabihag sa kanila; at isang ulit sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan, pagkatapos sa Araw ng Pagkabuhay ay itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan sa pinakamababang palapag ng Apoy.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم