Pagkatapos ay nagbaba si Allāh ng kapanatagan Niya sa Sugo Niya at sa mga mananampalataya. Nagbaba Siya ng mga kawal na hindi ninyo nakita. Pinagdusa Niya ang mga tumangging sumampalataya. Iyon ay ang ganti sa mga tumatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pagkatapos ng pagtakas ninyo sa mga kalaban ninyo ay nagbaba si Allāh ng kapanatagan Niya sa Sugo Niya at nagbaba nito sa mga mananampalataya kaya naging matatag sila sa pakikipaglaban at nagbaba Siya ng mga anghel na hindi ninyo sila nakikita. Pinagdusa Niya ang mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng nakamit nilang pagpatay at pagkabihag at pagkuha ng mga yaman at pagbihag sa mga bata, ang ganting iyon na iginanti sa kanila ay ganti para sa mga tumangging sumampalatayang nagpasinungaling sa sugo nila at umaayaw sa naihatid niya
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم