Huwag magpahanga sa iyo ang mga yaman nila ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin Niya sila sa pamamagitan ng mga ito sa Mundo at lumisan ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga tumatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag magpahanga sa iyo -O Sugo- ang mga yaman ng mga mapagpaimbabaw ni ang mga anak nila. Nagnanais lamang si Allāh na pagdusahin Niya sila sa pamamagitan ng mga ito sa pamumuhay sa Mundo, ito ay dahil sa mga mararamdaman nila dito na mga paghihirap sa daan nito, at sa anumang dadapo sa kanila rito kabilang sa mga pagdurusa, at ang lumisan ang mga kaluluwa nila sa mga katawan nila habang sila ay mga tumatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم