Sabihin mo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo, na ikinasi sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya ang sinumang umaasa ng pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang maayos at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo, O Sugo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo, na ikinasi sa akin na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay sinasambang nag-iisang walang katambal sa Kanya. Siya si Allāh. Kaya ang sinumang nangangamba sa pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang umaalinsunod sa batas ng Panginoon niya bilang nagpapakawagas dito para sa Panginoon niya at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم