[Ginawa Niya itong] matuwid upang magbabala ng isang parusang matindi mula sa Kanya, magbalita ng nakagagalak sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga maayos, na ukol sa kanila ay isang pabuyang maganda
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Bagkus ginawa ni Allāh ito bilang tuwid, na walang salungatan dito at walang pagkakaiba-iba, upang magpangamba sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang malakas mula sa ganang Kanya na naghihintay sa kanila, at upang magpabatid sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga gawaing maayos, ng balitang magpapatuwa sa kanila na ukol sa kanila ay isang gantimpalang maganda, na hindi napapantayan ng anumang gantimpala.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم