Talagang kung nagtanong ka sa kanila kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig at nagbigay-buhay sa pamamagitan nito sa lupa noong matapos ng pagkamatay nito ay talagang magsasabi nga silang si Allāh. Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh," ngunit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakapag-uunawa.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal kung sino ang nagbaba mula sa langit ng tubig, na nagpatubo sa pamamagitan nito sa lupa matapos na ito dati ay tuyot, ay talagang magsasabi nga silang ang nagpababa ng ulan mula sa langit at nagpatubo sa pamamagitan nito sa lupa ay si Allāh. Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran laban sa inyo," ngunit ang resulta ay na ang karamihan sa kanila ay hindi nakapag-uunawa yayamang kung sakaling sila dati ay nakapag-uunawa, talaga sanang hindi sila nagtambal kay Allāh ng mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang ni nakapipinsala.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم