Pagkatapos ay bumaling Siya sa langit habang ito ay usok pa at nagsabi Siya rito at sa lupa: "Pumunta kayong dalawa sa pagtalima o sapilitan." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Pagkatapos ay nagsadya Siya - kaluwalhatian sa Kanya - sa paglikha ng langit habang ito sa araw na iyon ay usok pa at nagsabi Siya rito at sa lupa: "Magpaakay kayo sa utos Ko bilang mga nagkukusang-loob o mga napipilitan: walang paglihis para sa inyong dalawa palayo roon." Nagsabi silang dalawa: "Pupunta kami na mga tumatalima sapagkat walang pagnanais para sa amin higit sa pagnanais Mo, O Panginoon namin."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم