Nagpasinungaling bago nila ang mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Namin at sinabihan nilang baliw at ipinagtabuyan siya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagpasinungaling bago ng mga tagapasinungaling na ito sa paanyaya mo, O Sugo, ang mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Naming si Noe - sumakanya ang pangangalaga - noong nagpadala Kami sa kanya sa kanila. Nagsabi sila tungkol sa kanya na siya ay baliw at ipinagtabuyan siya. Bumulyaw sila sa kanya ng sari-saring panlalait, pang-iinsulto, at pagbabanta kapag hindi siya huminto sa pag-aanyaya sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم