Ninanais nila na apulain ang liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi si Allāh kung hindi Niya malubos ang liwanag Niya, kahit pa nasuklam ang mga tumatangging sumampalataya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga tagatangging sumampalataya na ito at iba pa sa kanila kabilang sa nasa isa sa mga kapaniwalaan ng kawalang-pananampalataya ay nagnanais sa mga paninirang-puri nilang ito at pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na magbigay-wakas sa Islām, magpabula rito, at magpabula sa nasaad dito na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at sa katotohanan ng inihatid ng Sugo Niya. Igigiit ni Allāh na mabuo ang relihiyon Niya, maipangibabaw ito, at maitaas ito sa iba pa rito, kahit pa nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya sa pagbuo sa relihiyon Niya, pagpapangibabaw rito, pagtataas dito sapagkat tunay na si Allāh ay maglulubos dito, magpapangibabaw rito, at magtataas dito. Kapag nagnais si Allāh ng isang bagay, nawawalang-saysay ang pagnanais ng iba pa sa Kanya.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم