Ang mga pamayanang iyon, nagpahamak Kami sa kanila noong lumabag sila sa katarungan at gumawa Kami para sa pagpapahamak sa kanila ng isang tipanan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Yaong mga pamayanang tumatangging sumampalataya na malapit sa inyo gaya ng mga pamayanan ng mga kalipi nina Hūd, Ṣāliḥ, at Shu`ayb ay nilipol Namin sila nang lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Gumawa Kami para sa pagpapahamak sa kanila ng isang panahong itinakda.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم