Nagsabi ito: "Ito ay ang paghihiwalay sa pagitan natin. Magbabalita ako sa iyo ng pagpapakahulugan ng hindi mo nakayang matiis.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Ang pagtutol na ito sa hindi ko pagkuha ng isang upa sa pagtutuwid ko ng bakod ay punto ng paghihiwalay sa pagitan natin. Magpapabatid ako sa iyo ng pakahulugan ng hindi mo nakayang tiisin kabilang sa nasaksihan mo sa akin na isinagawa ko.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم