Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at nangunyapit sa Kanya, papasukin Niya sila sa awa mula sa Kanya at kabutihang-loob, at papatnubayan Niya sila tungo sa Kanya sa isang tuwid na landasin.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at kumapit sa Qur'ān na pinababa Niya sa Propeta nila, maaawa sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso, magdaragdag Siya sa kanila ng gantimpala at ng pag-angat sa mga antas, at magtatama Siya sa kanila para sa pagtahak sa daang tuwid na walang pagkabaluktot doon, ang daang nagpaparating tungo sa mga hardin ng Eden.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم