Walang pumigil sa mga tao na sumampalataya sila noong dumating sa kanila ang patnubay at humingi ng kapatawaran sa Panginoon nila malibang dumating sa kanila ang kalakaran ng mga sinauna o dumating sa kanila ang pagdurusa nang harapan.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi humadlang sa pagitan ng mga tagatangging sumampalatayang nagmamatigas at ng pananampalataya sa inihatid niMuḥammad -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - mula sa Panginoon niya at hindi humadlang sa pagitan nila at ng paghiling ng kapatawaran mula kay Allāh para sa pagkakasala nila ang kakulangan ng paglilinaw, sapagkat nailahad sa kanila ang mga paghahalimbawa sa Qur'ān at dumating sa kanila ang mga katwirang maliwanag. Pumigil lamang sa kanila ang paghiling nila - dahil sa kasutilan - ng pagpapabagsak sa kanila ng parusa sa mga kalipunang nauna at ang pagkakita sa parusa na ipinangako sa kanila.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم