Tungkol sa pader, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaking ulila sa lungsod. Sa ilalim nito ay may kayamanan ukol sa kanilang dalawa. Ang ama nilang dalawa ay matuwid. Kaya nagnais ang Panginoon mo na tumuntong silang dalawa sa kahustuhang gulang nilang dalawa at ilabas nilang dalawa ang kayamanan nila bilang awa mula sa Panginoon mo. Hindi ko ginawa iyon dala ng pagkukusa ko. Iyon ay ang pagpapakahulugan sa hindi mo nakayang matiis.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tungkol sa bakod na inayos ko at minasama mo sa akin ang pag-ayos niyon, iyon ay pag-aari ng dalawang batang lalaki sa lungsod na pinuntahan natin, na namatay na ang ama nilang dalawa. Sa ilalim ng bakod ay may kayamanang nakalibing para sa kanilang dalawa. Ang ama ng dalawang batang ito noon ay maayos. Kaya nagnais ang Panginoon mo, O Moises, na tumuntong silang dalawa sa gulang ng kasapatang isip, lumaki silang dalawa, at ilabas nilang dalawa ang yaman nilang dalawang nakalibing sa ilalim ng bakod yayamang kung sakaling bumagsak ang bakod sa sandaling iyon ay talagang malalantad ang kayamanan nilang dalawa at sasailalim sa pagkawala. Ang pakanang ito ay isang awa mula sa Panginoon mo sa kanila. Ang anumang ginawa ko mula sa pagpupunyagi ko, iyon ang paliwanag sa hindi mo nakayang matiis.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم