Ang anumang ibinigay ninyo na patubo upang makadagdag sa mga yaman ng mga tao ay hindi makadaragdag sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo na zakāh habang nagnanais kayo [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga pinag-iibayo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang anumang iniaabot ninyo na mga salapi sa isa sa mga tao sa paghahangad na isauli sa inyo nang may karagdagan ay hindi lalago ang pabuya nito sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo mula sa mga salapi ninyo dahil sa pangangailangan ng sinumang magbabayad nito habang nagnanais naman kayo dahil doon [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh: hindi kayo nagnanais ng [magandang] kalagayan ni gantimpala mula sa mga tao, [kayo] yaong mga pag-iibayuhin para sa kanila ang pabuya sa ganang kay Allāh.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم