Kabilang sa mga tanda Niya na nagpapadala Siya ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak upang magpalasap Siya sa inyo mula sa awa Niya, upang maglayag ang mga daong ayon sa utos Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kabilang sa mga tanda Niyang dakila na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na nagpapadala Siya ng mga hangin upang magbalita ng nakagagalak sa mga tao hinggil sa paglapit ng pagbaba ng ulan, upang magpalasap Siya sa inyo, O mga tao, mula sa awa Niya sa magaganap matapos ng ulan na pagtaba ng lupa at kaginhawahan, upang maglayag ang mga daong sa dagat ayon sa kalooban Niya, at upang maghanap kayo ng kagandahang-loob Niya sa pamamagitan ng pangangalakal sa dagat, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa inyo para magdagdag Siya sa inyo sa mga ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم