Kapag nagbiyaya Kami sa tao ay umaayaw siya at naglalayo siya ng sarili niya. Kapag sumaling sa kanya ang kasamaan, [siya ay] may panalanging malawak].
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyaya ng kalusugan, kagalingan, at tulad nito ay nalilingat ito sa pag-alaala sa Kanya at pagtalima sa Kanya, at nagtatalikod ng sarili nito dala ng pagpapakamalaki. Kapag may sumaling dito na isang karamdaman, karalitaan, at tulad niyan, ito ay may panalanging marami kay Allāh, na nagrereklamo ito sa Kanya sa anumang sumaling dito upang alisin Niya rito. Ito ay hindi nagpapasalamat sa Panginoon nito kapag nagbiyaya Siya rito at hindi nagtitiis sa pagsubok kapag sinubok Niya ito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم