Ang mga [taong] ang mga mata nila dati ay nasa takip palayo sa pag-aalaala sa akin at sila dati ay hindi nakakakayang makarinig.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Palilitawin iyon para sa mga tagatangging sumampalataya, na sila noon sa mundo ay mga bulag sa pag-alaala kay Allāh dahil sa taglay ng mga mata nila na tabing na humahadlang doon, at sila noon ay hindi nakakakayang makarinig sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagkarinig ng pagtanggap.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم