Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit at lupa ni sa paglikha sa mga sarili nila, at hindi Ako noon gagawa sa mga tagapagpaligaw bilang mga tagakatig.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Itong mga ginawa ninyo bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin ay mga aliping mga tulad ninyo. Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit ni sa paglikha sa lupa nang nilikha Ko ang mga ito. Bagkus hindi sila noon mga umiiral. Hindi Ko pinasaksi ang iba sa kanila sa paglikha sa iba pa, sapagkat Ako ay ang Namumukod-tangi sa paglikha at pangangasiwa. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagpaligaw kabilang sa mga demonyo ng tao at jinn bilang mga katulong sapagkat Ako ay walang-pangangailangan sa mga katulong.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم