Kaya humayo silang dalawa hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang bata ay pinatay nito iyon. Nagsabi siya: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang dalisay nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na kapuot-puot."
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya humayo silang dalawa matapos ng pagbaba nila mula sa daong para maglakad sa baybayin. Nakakita silang dalawa ng isang batang lalaking hindi pa tumuntong sa pagbibinata, na naglalaro kasama ng mga batang lalaki. Pinatay iyon ni Al-Khiḍr kaya nagsabi rito si Moises: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang inosente na hindi pa tumuntong sa pagbibinata nang walang anumang pagkakasala? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na kinapupuotan!"
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم