Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya sa inyo mula sa alabok, pagkatapos biglang kayo ay mga taong lumalaganap.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kabilang sa mga dakilang tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ay na lumikha Siya sa inyo, O mga tao, mula sa alabok nang nilikha Niya ang ama ninyo mula sa putik, pagkatapos biglang kayo ay mga taong nagdadamihan sa pamamagitan ng pag-aanak at lumalaganap sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم