ﮡ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Nalalapit para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila ay nasa pagkalingat na mga umaayaw.
Walang pumupunta sa kanila na isang paalaala mula sa Panginoon nila malibang nakikinig sila rito habang sila ay naglalaro,
habang nalilibang ang mga puso nila. Naglihim ng pagtatapatan ang mga lumabag sa katarungan: "Walang iba ito kundi isang tao tulad ninyo. Pupunta ba kayo sa panggagaway samantalang kayo ay nakikita?"
Nagsabi siya: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa sinasabi sa langit at lupa, at Siya ay ang Madinigin, ang Maalam."
Bagkus sinabi nila: "Mga pagkakalahuk-lahok ng maling panaginip [ito], bagkus ginawa-gawa niya ito, bagkus siya ay isang manunula, kaya magdala siya sa atin ng isang tanda gaya ng sa isinugo sa mga sinauna."
Walang sumampalataya bago nila na anumang pamayanan na ipinahamak Namin. Kaya sila ba ay sasampalataya?
Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkasi Kami sa kanila. Kaya magtanong kayo sa mga may paalaala kung nangyaring kayo ay hindi nakaaalam.
Hindi Kami gumawa sa kanila bilang mga katawang hindi kumakain ng pagkain at hindi nangyaring sila ay mga pinanatiling-buhay.
Pagkatapos ay tumupad Kami sa kanila ng pangako, at nagligtas Kami sa kanila at sinumang niloob Namin at nagpahamak Kami sa mga tagapagmalabis.
Talaga ngang nagbaba Kami sa inyo ng isang Aklat na dito ay may pagbanggit sa inyo. Kaya hindi ba kayo nakauunawa?
Kay rami ng winasak Namin na pamayanan na ito noon ay tagalabag sa katarungan at nagpalitaw Kami matapos nito ng mga taong iba pa.
Kaya noong nakadama sila ng parusa Namin, biglang sila mula roon ay tumatakas.
[Sinabi:] "Huwag kayong tumakas. Bumalik kayo sa pinaluho kayo roon at sa mga tirahan ninyo nang sa gayon kayo ay tatanungin."
Magsasabi sila: "O kapighatian sa amin; tunay na kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."
Kaya hindi tumigil yaong pahayag nila hanggang sa gumawa Kami sa kanila bilang ginapas na mga lipol.
Hindi Kami lumikha sa langit at lupa at anumang nasa pagitan ng dalawang ito bilang mga naglalaro.
Kung sakaling nagnais Kaming gumawa ng isang paglilibang ay talaga sanang gumawa Kami nito mula sa nasa Amin, kung nangyaring Kami ay gagawa [niyon].
Bagkus, nagbabalibag Kami ng katotohanan sa kabulaanan at nadurog nito iyon kaya biglaang iyon ay pumaparam. Ukol sa inyo ang kapighatian mula sa inilalarawan ninyo.
Sa Kanya ang sinumang nasa mga langit at lupa. Ang mga nasa piling Niya ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba sa Kanya at hindi sila napapagal.
Nagluluwalhati sila sa araw at gabi; hindi sila nananamlay.
O gumawa ba sila ng mga diyos mula sa lupa, na sila ay nagpapabuhay [sa patay]?
Kung sakaling nangyaring sa mga [langit at lupa na] ito ay may mga diyos maliban kay Allāh, talaga sanang nagulo ang mga ito. Kaya kaluwalhatian kay Allāh, ang Panginoon ng Trono, higit sa mga inilalarawan nila.
Hindi Siya tinatanong tungkol sa ginagawa Niya samantalang sila ay tatanungin.
O gumawa ba sila bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Sabihin mo: "Magbigay kayo ng patunay ninyo." Ito ay paalaala sa sinumang kasama sa akin at paalaala sa sinumang nauna sa akin. Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam sa katotohanan, kaya sila ay mga tagaayaw."
Hindi Kami nagsugo noong bago mo ng anumang sugo malibang nagkasi Kami sa kanya na walang Diyos kundi Ako kaya sumamba kayo sa Akin.
Nagsabi sila: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak." Kaluwalhatian sa Kanya; bagkus mga lingkod na pinarangalan [sila].
Hindi sila nakauuna sa Kanya sa pagsabi samantalang sila sa utos Niya ay gumagawa.
Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapamamagitan maliban para sa sinumang kinalugdan Niya. Sila, dahil sa takot sa Kanya, ay mga nababagabag.
Ang sinumang nagsasabi kabilang sa kanila: "Tunay na ako ay diyos bukod pa sa Kanya," iyon ay gagantihan naman ng Impiyerno. Gayon Kami gaganti sa mga tagalabag sa katarungan.
Hindi ba nakabatid ang mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa dati ay magkasanib, pagkadaka ay nagpawatak-watak Kami sa mga ito? Gumawa Kami mula sa tubig ng bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sasampalataya?
Gumawa Kami sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw ito kasama sa kanila at naglagay Kami rito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang sa gayon sila ay mapatnubayan.
Gumawa Kami ng langit bilang isang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga tagaayaw.
Siya ang lumikha ng gabi at maghapon, at ng araw at buwan – lahat, sa isang ligiran, ay lumalangoy.
Hindi Kami gumawa para sa isang tao noong bago mo pa ng pananatili. Kaya kung namatay ka, sila ba ay ang mga mananatili?
Bawat kaluluwa ay makalalasap ng kamatayan. Susubok Kami sa inyo sa pamamagitan ng kasamaan at kabutihan bilang tukso, at sa Amin kayo magbabalik.
Kapag nakita ka ng mga tumangging sumampalataya ay wala silang ginagawa sa iyo kundi pangungutya, [na nagsasabi]: "Ito ba ang bumabanggit sa mga diyos ninyo?" samantalang sila, sa pagbanggit sa Pinakamaawain, sila ay mga tagatangging sumampalataya.
Nilikha ang tao mula sa pagmamadali. Magpapakita Ako sa inyo ng mga tanda Ko kaya huwag kayong magmadali sa Akin.
Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga nagpapakatotoo?"
Kung sakaling nakaaalam ang mga tumangging sumampalataya kapag hindi nila napipigilan sa mga mukha nila ang apoy ni sa mga likod nila at sila ay hindi maiaadya.
Bagkus pupunta ito sa kanila nang biglaan at gugulantang ito sa kanila kaya hindi sila makakakaya sa pagtataboy nito at hindi sila palulugitan.
Talaga ngang nangutya sa mga sugo noong wala ka pa kaya pumaligid sa mga nanuya kabilang sa kanila ang dating dahil doon ay nangungutya sila.
Sabihin mo: "Sino ang nag-iingat sa inyo sa gabi at maghapon laban sa Napakamaawain?" Bagkus sila, sa pag-aalaala sa Panginoon nila, ay mga tagaayaw.
O mayroon ba silang mga diyos na nagtatanggol sa kanila bukod pa sa Amin? Hindi sila nakakakaya sa pag-adya sa mga sarili nila at hindi sila laban sa Amin maipagsasanggalang.
Bagkus nagpatamasa Kami sa mga ito at sa mga magulang nila hanggang sa humaba sa kanila ang buhay. Kaya hindi ba nila nababatid na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Kaya sila ba ang mga tagapanaig?"
Sabihin mo: "Nagbibigay-babala lamang ako sa inyo sa pamamagitan ng pagkakasi." Hindi nakaririnig ang mga bingi ng panalangin kapag binigyang-babala sila."
Talagang kung nasaling sila ng isang singaw ng pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay talagang magsasabi sila: "O kapighatian sa amin! Tunay na kami dati ay mga tagalabag sa katarungan."
Maglalagay Kami ng mga timbangang makatarungan sa Araw ng Pagbangon, kaya hindi lalabag sa katarungan sa isang kaluluwa sa anuman. Kung ito man ay kasimbigat ng buto ng mustasa ay magtatanghal Kami nito. Nakasapat na Kami bilang Tagapagtuos.
Talaga ngang nagbigay Kami kina Moises at Aaron ng Pamantayan, isang tanglaw, at isang paalaala para sa mga tagapangilag sa pagkakasala,
na natatakot sa Panginoon nila sa lingid samantalang sila sa Huling Sandali ay mga nababagabag.
Ito ay isang paalaalang pinagpala na ibinaba Namin. Kaya kayo ba rito ay mga tagapagkaila?
Talaga ngang nagbigay Kami kay Abraham ng gabay noon pa, at Kami noon sa kanya ay nakaaalam.
[Banggitin] noong nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niya: "Ano ang mga estatwang ito na kayo sa mga ito ay mga namimintuho?"
Nagsabi sila: "Nakatagpo Kami sa mga magulang namin na sa mga ito ay mga tagasamba."
Nagsabi siya: "Talaga ngang nangyaring kayo at ang mga ninuno ninyo ay nasa isang pagkaligaw na malinaw."
Nagsabi sila: "Naghatid ka ba sa amin ng katotohanan o ikaw ay kabilang sa mga tagapaglaro?"
Nagsabi siya: "Bagkus ang Panginoon ninyo ay ang Panginoon ng mga langit at lupa, na lumalang sa mga ito, at ako ayon doon ay kabilang sa mga tagasaksi.
Sumpa man kay Allāh, talagang magpapakana nga ako laban sa mga diyus-diyusan ninyo matapos na tumalikod kayo na mga lumilisan."
Kaya gumawa siya sa mga ito na mga pira-piraso maliban sa malaki para sa mga ito, nang sa gayon sila dito ay babalik.
Nagsabi sila: "Sino ang gumawa nito sa mga diyos natin? Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Nagsabi sila: "Nakarinig kami ng isang binatang bumabanggit sa kanila, na tinatawag siyang Abraham."
Nagsabi sila: "Kaya maglahad kayo sa kanya sa mga mata ng mga tao nang sa gayon sila ay sasaksi."
Nagsabi sila: "Ikaw ba ay gumawa nito sa mga diyos namin, o Abraham?"
Nagsabi siya: "Bagkus ginawa iyan ng malaki nilang ito kaya magtanong kayo sa kanila kung sila ay makabibigkas."
Kaya nanumbalik sila sa mga sarili nila at nagsabi sila: "Tunay na kayo ay ang mga tagalabag sa katarungan."
Pagkatapos ay bumalik sila sa katigasan ng mga ulo nila: "Talaga ngang nalaman mong ang mga ito ay hindi nakabibigkas."
Nagsabi siya: "Kaya sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa hindi nagpapakinabang sa inyo ng anuman at hindi nakapipinsala sa inyo?
Kaabahan ay ukol sa inyo at ukol sa anumang sinasamba ninyo bukod kay Allāh! Kaya hindi ba kayo nakauunawa?"
Nagsabi sila: "Sunugin ninyo siya at iadya ninyo ang mga diyos ninyo kung kayo ay mga gagawa."
Nagsabi Kami: "O apoy, maging kalamigan at kaligtasan ka kay Abraham."
Nagnais sila sa kanya ng isang pakana ngunit gumawa Kami sa kanila bilang ang mga pinakalugi.
Nagligtas Kami sa kanya at kay Lot patungo sa lupaing nagpala Kami roon para sa mga nilalang.
Nagkaloob Kami para sa kanya kina Isaac at Jacob bilang karagdagan. Bawat isa ay ginawa Naming mga maayos.
Gumawa Kami sa kanila bilang mga tagapanguna na pumapatnubay sa pamamagitan ng utos Namin. Nagkasi Kami sa kanila sa paggawa ng mga mabuti, pagpapanatili sa mga dasal, at pagbibigay ng zakāh. Laging sila sa Amin ay mga tagasamba.
Kay Lot ay nagbigay Kami ng paghahatol at kaalaman at nagligtas Kami sa kanya mula sa pamayanang gumagawa noon ng mga karima-rimarim. Tunay na sila ay laging mga tao ng kasagwaan, na mga suwail.
Nagpapasok Kami sa kanya sa awa Namin. Tunay na siya ay kabilang sa mga maayos.
[Bumanggit ka] kay Noe, noong nanawagan siya noong una kaya tumugon Kami sa kanya at nagligtas Kami sa kanya at sa mag-anak niya mula sa dalamhating sukdulan.
Nag-adya Kami sa kanya mula sa mga taong nagpasinungaling sa mga tanda Namin. Tunay na sila noon ay mga tao ng kasagwaan kaya lumunod Kami sa kanila nang magkakasama.
[Bumanggit ka] kina David at Solomon noong humahatol silang dalawa kaugnay sa sakahan noong naglipana roon ang mga tupa ng mga tao [sa gabi] at laging Kami sa paghahatol nila ay tagasaksi.
Nagpaintindi Kami nito kay Solomon. Sa bawat isa ay nagbigay Kami ng paghahatol at kaalaman. Pinaglingkod Namin kasama kay David ang mga bundok, na nagluluwalhati, at ang mga ibon. Kami noon ay gumagawa [niyon].
Nagturo Kami sa kanya ng pagyari ng mga kutamaya para sa inyo upang magsanggalang sa inyo laban sa digmaan ninyo kaya kayo ba ay mga tagapagpasalamat?
[Pinaglingkod] kay Solomon ang hangin habang humihihip, na dumadaloy ayon sa utos niya patungo sa lupaing nagpala Kami roon. Laging Kami sa bawat bagay ay nakaaalam.
Mayroon sa mga demonyo na sumisisid para sa kanya at gumagawa ng gawaing iba pa roon. Kami noon sa kanila ay tagapag-ingat.
[Bumanggit ka] kay Job noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Tunay na ako ay dinapuan ng kapinsalaan, at Ikaw ay ang pinakamaawain ng mga naaawa."
Kaya tumugon Kami sa kanya at pumawi Kami sa anumang taglay niyang kapinsalaan. Nagbigay Kami sa kanya ng mag-anak niya at ng tulad nila kasama nila bilang isang awa mula sa ganang Amin at bilang isang paalaala sa mga tagasamba.
[Bumanggit ka] kina Ismael, Enoc, at Dhulkifl. Lahat ay kabilang sa mga tagapagtiis.
Nagpapasok Kami sa kanila sa awa Namin. Tunay na sila ay kabilang sa mga maayos.
[Bumanggit ka] sa May Isda noong umalis siya habang nagagalit at nag-akala siya na hindi Kami makakakaya sa kanya, ngunit nanawagan siya sa loob ng mga kadiliman, na [nagsasabi]: "Walang Diyos kundi Ikaw; kaluwalhatian sa Iyo! Tunay na ako noon ay kabilang sa mga tagalabag sa katarungan."
Kaya tumugon Kami sa kanya at nagpaligtas Kami sa kanya mula sa hapis. Gayon Kami nagliligtas sa mga mananampalataya.
[Bumanggit ka] kay Zacarias noong nanawagan siya sa Panginoon niya: "Panginoon ko, huwag Mo akong pabayaang namumukod. Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpamana."
Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya. Tunay na sila ay nagmamadali noon sa mga kabutihan, dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot, at laging sila sa Amin ay mga tagapagpakumbaba.
[Bumanggit ka] sa [babaing] nag-ingat sa kalinisang-puri niya kaya umihip Kami sa kanya mula sa espiritu Namin at gumawa Kami sa kanya at anak niya bilang tanda para sa mga nilalang.
Tunay na itong kalipunan ninyo ay kalipunang nag-iisa at Ako ay Panginoon ninyo kaya sumamba kayo sa Akin.
Nagkaputul-putol sila sa lagay nila sa pagitan nila. Lahat ay sa Amin mga babalik.
Kaya ang sinumang gumagawa ng mga maayos habang siya ay mananampalataya, walang pagtanggi para sa pagsisikap niya at tunay na Kami rito ay magtatala.
May ipinagbabawal sa isang pamayanan na ipinahamak Namin, na sila ay hindi babalik
hanggang sa kapag binuksan ang Gog at ang Magog habang sila mula sa bawat bakulod ay magmamatulin,
at nalapit ang pangakong totoo ay biglang nandidilat ang mga paningin ng mga tumangging sumampalataya: "O kapighatian sa amin! Kami nga noon ay nasa isang pagkalingat mula dito; bagkus Kami noon ay mga tagalabag sa katarungan."
Tunay na kayo at ang sinasamba ninyo bukod kay Allāh ay mga panggatong ng Impiyerno, na kayo ay doon mga papasok.
Kung sakaling nangyaring ang mga ito ay mga diyos, hindi sana sila pumasok doon. Lahat doon ay mga mananatili.
Ukol sa kanila roon ay singhal at sila roon ay hindi nakaririnig.
Tunay na ang mga nauna sa kanila mula sa Amin ang pinakamaganda, ang mga iyon buhat doon ay mga inilayo.
Hindi sila makaririnig ng huni nito samantalang sila sa ninanasa ng mga sarili nila ay mga mamamalagi.
Hindi magpapalungkot sa kanila ang panghihilakbot na pinakamalaki at makikipagkita sa kanila ang mga anghel, [na nagsasabi]: "Ito ay ang Araw ninyong noon ay ipinangangako sa inyo,
sa Araw na magbabalumbon Kami sa langit gaya ng pagbabalumbon ng pahina para sa mga talaan. Kung papaano Kaming nagpasimula ng unang paglikha ay mag-uulit Kami niyon. Isang pangakong ukol sa Amin, tunay na Kami ay laging magsasagawa.
Talaga ngang nagsulat Kami sa Salmo matapos ng pagbanggit na ang lupa ay mamanahin ng mga lingkod Kong maayos.
Tunay na sa [Qur’ān na] ito ay talagang may ipinaaabot para sa mga taong sumasamba.
Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang isang awa sa mga nilalang.
Sabihin mo: "Ikinasi lamang sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang. Kaya kayo ba ay mga magpapasakop?"
Ngunit kung tatalikod sila ay sabihin mo: "Nagpahayag ako sa inyo nang magkatulad at hindi ako nakaaalam kung malapit na ba o malayo pa ang ipinangangako sa inyo.
Tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad kabilang sa sinasabi at nakaaalam sa anumang itinatago ninyo.
Hindi ako nakaaalam; marahil ito ay isang tukso para sa inyo at isang pagtatamasa hanggang sa isang panahon."
Nagsabi [ang Sugo]: "Panginoon ko, humatol Ka ayon sa katotohanan. Ang Panginoon namin, ang Napakamaawain, ay ang Pinatutulong laban sa inilalarawan ninyo."