ﯛ
ترجمة معاني سورة الأحقاف
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
ﮑ
ﰀ
Ḥā. Mīm.
Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Hindi Kami lumikha sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito malibang ayon sa katotohanan at sa taning na tinukoy. Ang mga tumangging sumampalataya, hinggil sa ibinabala sa kanila, ay mga umaayaw.
Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo sa dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh? Magpakita kayo sa akin kung ano ang nilikha nila mula sa lupa, o kung mayroon silang pakikitambal sa [pagkakalikha ng] mga langit. Maghatid kayo sa akin ng isang aklat noong wala pa ito o ng isang bakas mula sa kaalaman, kung nangyaring kayo ay mga tapat."
Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa bukod pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagbangon samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?
Kapag tinipon ang mga tao, ang mga [dinalanginang] ito para sa kanila ay magiging mga kaaway at ang mga ito sa pagsamba sa mga ito ay magiging mga tagatanggi [sa pagkilala].
Kapag binibigkas sa kanila ang mga tanda Namin bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya hinggil sa katotohanan noong dumating ito sa kanila: "Ito ay isang panggagaway na malinaw."
O nagsasabi sila: "Gumawa-gawa siya nito." Sabihin mo: "Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na nakaaalam sa anumang sinusuong ninyo. Nakasapat na Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain."
Sabihin mo: "Ako ay hindi isang nauna mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo. Wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang tagababalang malinaw."
Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung nangyaring ito ay mula sa ganang kay Allāh at tumanggi kayong sumampalataya rito at may sumaksi na isang tagasaksi mula sa mga anak ni Israel sa tulad nito kaya sumampalataya siya samantalang nagmalaki kayo?" Tunay na si Allāh ay hindi pumapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Kung sakaling nangyaring [ang Qur’ān na] ito ay kabutihan, hindi sana sila nakauna sa amin dito." Yayamang hindi sila napatnubayan sa pamamagitan nito ay magsasabi sila: "Ito ay isang panlilinlang na luma."
Noong wala pa ito ang Kasulatan ni Moises ay bilang isang gabay at isang awa. Ito ay Aklat na nagpapatotoo, na nasa wikang Arabe upang magbabala sa mga lumabag sa katarungan at bilang isang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda.
Tunay na ang mga nagsabi: "Ang Panginoon namin ay si Allāh," pagkatapos ay nagpakatatag sila, ay walang pangamba sa kanila at hindi sila malulungkot.
Ang mga iyon ay ang mga mananahan sa Paraiso bilang mga mananatili roon bilang isang ganti sa dati nilang ginagawa.
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya ng paggawa ng maganda. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang pagdadalang-tao sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. [Lumaki siya] hanggang sa nang umabot siya sa ganap na gulang niya at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, na gumawa ako ng maayos na kalulugdan Mo, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko. Tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo at tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim."
Ang mga iyon ay tatanggap Kami buhat sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at magpapalampas Kami sa mga masagwang gawa nila [upang mapabilang] sa mga maninirahan sa Paraiso bilang pangako ng katapatan na sa kanila noon ay ipinangangako.
Ang nagsabi sa mga magulang niya: "Nakasusuya kayong dalawa! Nangangako ba kayong dalawa sa akin na palalabasin ako [sa libingan] gayong lumipas na ang mga [ibang] salinlahi noong wala pa ako?" samantalang silang dalawa ay nagpapasaklolo kay Allāh, [na nagsasabi]: "Kapighatian sa iyo! Sumampalataya ka! Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo." Ngunit nagsasabi naman siya: "Walang iba ito kundi mga alamat ng mga sinauna."
Ang mga iyon ay ang mga nagindapat sa kanila ang hatol sa mga kalipunang lumipas na noong wala pa sila, kabilang sa mga jinn at mga tao. Tunay na sila ay magiging mga lugi.
Para sa lahat ay mga antas dahil sa anumang ginawa nila, at upang tumumbas Siya sa kanila sa mga gawa nila habang hindi sila nilalabag sa katarungan.
Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyong pangmundo at nagtamasa kayo sa rito. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo noon ay nagpapakasuwail."
Bumanggit ka sa kapatid ng `Ād noong nagbabala siya sa mga kalipi niya sa Al-Aḥqāf. Lumipas na ang mga tagababala noong wala pa siya at noong wala na siya, [na nagsasabi]: "Huwag kayong sumamba malibang kay Allāh; tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan."
Nagsabi sila: "Dumating ka ba sa amin upang magpalihis ka sa amin palayo sa mga diyos namin? Kaya maglahad ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin, kung ikaw ay naging kabilang sa mga tapat."
Nagsabi siya: "Ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh lamang. Nagpapaabot ako sa inyo ng ipinasugo sa akin. Subalit ako ay nakakikita sa inyo bilang mga taong nagpapakamangmang."
Kaya noong nakakita sila niyon na isang [ulap na] nakaharang sa mga lambak nila ay nagsabi sila: "Ito ay isang ulap na magpapaulan sa atin." Bagkus iyon ay ang minadali ninyo: hanging sa loob nito ay isang pagdurusang masakit.
Wawasak ito sa bawat bagay ayon sa utos ng Panginoon nito kaya sila ay magiging walang nakikita kundi ang mga tirahan nila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin.
At talaga ngang nagbigay-kakayahan Kami sa kanila sa hindi Kami nagbigay-kakayahan sa inyo. Gumawa Kami para sa kanila ng pandinig, mga paningin, at mga puso ngunit hindi nakapagdulot sa kanila ang pandinig nila ni ang mga paningin nila ni ang mga puso nila ng anuman yayamang sila dati ay nagkakaila sa mga tanda ni Allāh. Papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya.
Talaga ngang nagpasawi Kami sa nasa paligid ninyo na mga pamayanan at nagsarisari Kami ng mga tanda nang sa gayon sila ay manunumbalik.
Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang ipinanlalapit na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa.
At [Banggitin] noong nagbaling Kami tungo sa iyo ng isang pangkat ng mga jinn na nakikinig sa Qur’ān, at noong dumalo sila roon ay nagsabi sila: "Tumahimik kayo [upang makinig]." Kaya noong natapos ito ay umuwi sila sa mga kalahi nila bilang mga tagababala.
Nagsabi sila: "O mga kalahi namin, tunay na kami ay nakapakinig sa isang Aklat na ibinaba noong wala na si Moises, na nagpapatotoo sa nauna rito, na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at tungo sa isang daang tuwid.
O mga kalahi namin, sumagot kayo sa tagaanyaya ni Allāh at sumampalataya kayo rito, magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magsasanggalang Siya sa inyo laban sa isang pagdurusang masakit.
Ang sinumang hindi sumagot sa tagaanyaya ni Allāh ay hindi makapagpapawalang-kakayahan [sa Kanya] sa lupa at hindi ito magkakaroon bukod pa sa Kanya ng mga katangkilik. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Hindi ba nila napag-alaman na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa at hindi napata sa paglikha sa mga ito ay nakakakaya na magbigay-buhay sa mga patay? Oo; tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya [ay sasabihin]: "Hindi ba ito ang katotohanan?" Magsasabi sila: "Opo; sumpa man sa Panginoon namin." Magsasabi Siya: "Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya."
Kaya magtiis ka kung paanong nagtiis ang mga may pagtitika kabilang sa mga sugo, at huwag kang magmadali para sa kanila. Para bang sila, sa araw na makikita nila ang ipinangangako sa kanila, ay hindi namalagi kundi isang yugto mula sa maghapon. Isang pagpapaabot [ito] kaya walang pasasawiin kundi ang mga taong suwail.