ترجمة سورة قريش

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة قريش باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Alang-alang sa pagpapahirati sa Quraysh at pagkahirati nila -
sa paglalakbay sa taglamig patungo sa Yemen at sa paglalakbay sa tag-init patungo sa Sirya habang mga natitiwasay.
ay sambahin nila si Allāh na Panginoon ng Bahay na Pinakababanal - tanging Siya - na nagpadali para sa kanila ng paglalakbay na ito, at huwag silang magtambal sa Kanya ng isa man.
na nagpakain sa kanila mula sa pagkagutom at nagpatiwasay sa kanila mula sa pangamba dahil sa inilagay Niya sa mga puso ng mga Arabe na paggalang sa lugar ng Ka`bah at paggalang sa mga naninirahan doon.
Icon