ترجمة سورة الحديد

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة الحديد باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Nagpawalang-kapintasan kay Allāh at nagbanal sa Kanya ang anumang nasa mga langit at lupa na mga nilikha. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya at pagtatakda Niya.
Sa Kanya - ukol sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya sa sinumang niloloob Niya na bigyang-buhay, at nagbibigay-kamatayan Siya sa sinumang niloloob Niya na bigyang-kamatayan. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
Siya ay ang Una na walang anuman nauna sa Kanya at ang Huli na walang anuman matapos Niya, at ang Nakatataas na walang nasa ibabaw Niya na anuman at ang Nakalalalim na walang nasa ibaba Niya na anuman. Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang nakalulusot sa Kanya na anuman.
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw. Sinimulan ito sa araw ng Linggo at nagwakas ito sa araw ng Biyernes, gayong Siya ay nakakakaya sa paglikha sa mga ito sa isang kisap mata. Pagkatapos ay pumaitaas Siya at umangat Siya - kaluwalhatian sa Kanya - sa trono ayon sa kataasang nababagay sa Kanya -kaluwalhatian sa Kanya. Nakaaalam Siya sa anumang pumapasok sa lupa na ulan, binhi, at iba pa, at anumang lumalabas mula rito na halaman, mga mina, at iba pa, anumang bumababa mula sa langit na ulan, kasi, at iba pa, at anumang pumapanik doon na mga anghel, gawain ng mga tao, at mga kaluluwa nila. Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo, O mga tao, sa pamamagitan ng kaalaman Niya: walang naikukubli sa Kanya mula sa inyo na anuman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang naikukubli sa inyo mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga ito.
Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Sa Kanya - tanging sa Kanya - panunumbalikin ang mga usapin para magtuos sa mga nilikha sa Araw ng Pagbangon at gumanti sa kanila sa mga gawa nila.
Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya dumarating ang dilim at natutulog ang mga tao, at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya dumarating ang tanglaw at humahayo ang mga tao sa mga gawain nila. Siya ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Sumampalataya kayo kay Allāh at sumampalataya kayo sa Sugo Niya at gumugol kayo mula sa yamang ginawa Niya kayo na mga pinag-iiwanan doon: gumawa kayo rito ng alinsunod sa isinabatas Niya para sa inyo. Kaya ang mga sumampalataya kabilang sa inyo at nagkaloob ng mga yaman nila sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan sa piling Niya, ang paraiso.
Aling bagay ang humahadlang sa inyo sa pananampalataya kay Allāh samantalang ang Sugo ay nag-aanyaya sa inyo tungo kay Allāh sa pag-asang sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo - kaluwalhatian sa Kanya, at tinanggap na ni Allāh mula sa inyo ang pangako na sumampalataya kayo sa Kanya ng nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga likod ng mga ama ninyo, kung kayo nga ay mga mananampalataya?
Siya ay ang nagbababa sa Lingkod Niyang si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ng mga maliwanag na tanda, upang ilabas Niya kayo mula sa mga kadiliman ng kawalang-pananampalataya at kamangmangan tungo sa liwanag ng pananampalataya at kaalaman. Tunay na si Allāh sa inyo ay talagang Mahabagin, Maawain nang nagsugo Siya sa inyo ng Sugo Niya bilang tagapatnubay at tagabalita ng nakagagalak.
At aling bagay ang humahadlang sa inyo sa paggugol sa landas ni Allāh samantalang sa kay Allāh ang pagpapamana sa mga langit at lupa. Ang sinumang gumugol ng yaman niya sa landas ni Allāh sa paghahangad ng lugod ni Allāh mula ng bago ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya para sa pag-aadya sa Islām ay hindi nakapapantay kabilang sa inyo sa sinumang gumugol matapos ng pagsakop [sa Makkah] at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Ang mga gumugugol mula ng bago ng pagsakop at ang mga nakikipaglabang iyon sa landas ni Allāh ay higit na dakila sa kalagayan kaysa sa mga gumugol ng mga yaman nila sa landas Niya matapos ng pagsakop sa Makkah at nakipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya. Nangako nga si Allāh sa bawat isa sa dalawang pangkat ng Paraiso. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa gawa ninyo at gaganti sa inyo sa mga ito.
Sino itong magkakaloob ng yaman niya dala ng kasiyahan ng sarili niya para sa kaluguran ng mukha ni Allāh para magbigay sa kanya si Allāh ng pinag-ibayong gantimpala sa ipinagkaloob niya mula sa yaman niya? Ukol sa kanya sa Araw ng Pagbangon ay gantimpalang marangal, ang Paraiso.
Sa Araw na makakikita ka sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya habang nangunguna sa kanila ang liwanag nila sa harapan nila at sa mga kanan nila. Sasabihin sa kanila sa Araw na iyon: "Ang balitang nakagagalak sa inyo sa Araw na ito ay ang mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito, ang mga ilog habang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman." Ang ganting iyon ay ang pagkatamong sukdulan na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.
Sa araw na magsasabi ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw sa mga sumampalataya: "Maghintay kayo sa amin sa pag-asang makakuha kami mula sa liwanag ninyo, na tutulong sa amin sa pagtawid sa landasin!" Sasabihin sa mga mapagpaimbabaw bilang pangungutya sa kanila: "Manumbalik kayo sa likuran ninyo at maghanap kayo ng isang liwanag na ipanliliwanag ninyo." Kaya maglalagay sa pagitan nila ng isang pader. Ang pader na iyon ay may isang pinto, na sa loob nito mula sa nalalapit sa mga mananampalataya ay naroon ang awa at sa labas nito mula sa nalalapit sa mga mapagpaimbabaw ay naroon ang pagdurusa.
Mananawagan ang mga mapagpaimbabaw sa mga mananampalataya, na mga nagsasabi: "Hindi ba kami noon ay kasama sa inyo sa Islām at pagtalima?" Magsasabi sa kanila ang mga Muslim: "Oo, kayo noon ay kasama sa amin; subalit kayo ay nagpahamak sa mga sarili ninyo dahil sa pagpapaimbabaw kaya nagpasawi kayo sa mga ito, nag-abang sa mga mananampalataya na madaig sila para magpahayag kayo ng kawalang-pananampalataya ninyo, nagduda kayo sa pag-aadya ni Allāh sa mga mananampalataya at sa pagbubuhay matapos ng kamatayan, at dumaya sa inyo ang mga sinungaling na ambisyon hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay nasa [kalagayang] iyon, at luminlang sa inyo kay Allāh ang demonyo."
Kaya sa Araw na iyon ay hindi kukuha mula sa inyo, O mga mapagpaimbabaw, ng isang pantubos laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ni kukuha ng isang pantubos mula sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng hayagan. Ang kahahantungan ninyo ay ang kahahantungan ng mga tagatangging sumampalataya: ang Apoy. Ito ay ang higit na nauukol sa inyo at kayo ay higit na nauukol roon. Kay saklap ang kahahantungan!
Hindi ba sumapit para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya na lumambot ang mga puso nila at pumanatag ang mga ito para sa pag-alaala kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - at sa bumaba mula sa Qur'ān na pangako at banta, at hindi sila maging tulad ng mga nabigyan ng Torah kabilang sa mga Hudyo at mga nabigyan ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano sa katigasan ng mga puso. Ngunit humaba ang panahon sa pagitan ng mga ito at ng pagpapadala ng mga propeta nila kaya tumigas dahilan doon ang mga puso ng mga ito. Marami sa mga ito ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh - pagkataas-taas Siya - patungo sa pagsuway sa Kanya!
Alamin ninyo na si Allāh ay nagbibigay-buhay sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito matapos na pagkatuyo nito. Nilinaw na para sa inyo, O mga tao, ang mga patunay at ang mga patotoo sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya sa pag-asang makapag-uunawa kayo para malaman ninyo na ang nagbigay-buhay sa lupa matapos ng pagkamatay nito ay nakakakaya sa pagbubuhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at nakakakaya sa paggawa sa puso ninyo na maging malambot matapos ng katigasan ng mga ito.
Tunay na ang mga lalaking nagkakawanggawa ng ilan sa mga yaman nila at ang mga babaing nagkakawanggawa ng ilan sa mga yaman nila, at ang mga gumugugol nito dala ng kasiyahan ng mga sarili nila nang walang panunumbat ni pamiminsala ay magpapaibayo Siya para sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila. Ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ukol sa kanila sa kabila niyon ay isang gantimpalang marangal sa ganang kay Allāh, ang Paraiso.
Ang mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa mga sugo Niya nang walang pagtatangi-tangi sa pagitan nila, ang mga iyon ang mga mapagpatotoo. Ang mga martir sa ganang Panginoon nila, ukol sa kanila ang gantimpala nilang marangal na inihanda para sa kanila at ukol sa kanila ang liwanag nila na sisinag sa harapan nila at sa mga kanan nila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at nagpasinungaling sa mga tanda Niyang ibinaba sa Sugo Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Impiyerno. Papasok sila roon sa Araw ng Pagbangon bilang mga mananatili roon magpakailanman; hindi sila lalabas mula roon.
Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro na naglalaro sa pamamagitan nito ang mga katawan, isang paglilibang na naglilibang sa pamamagitan nito ang mga puso, isang gayak na nagpapaganda kayo sa pamamagitan nito, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo dahil sa naritong pagmamay-ari at kasiyahan, at isang pagpapahambugan sa dami ng mga yaman at dami ng mga anak lamang. Ito ay gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga magsasaka ang halaman nito. Pagkatapos ay hindi nagtagal ang halamang luntiang ito at natuyo kaya makikita mo ito, o nakakikita, na matapos ng pagiging luntian nito ay naging naninilaw. Pagkatapos ay ginawa ito na pira-pirasong nagkadurug-durog. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi para sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, at isang kaluguran mula sa Kanya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang kasiyahang naglalaho: walang pananatili para rito. Kaya ang sinumang pumili sa kasiyahan nitong naglalaho higit sa ginhawa ng Kabilang-buhay, siya ay isang luging nadaya.
Makipag-unahan kayo, O mga tao, tungo sa mga gawang maayos na magtatamo kayo sa pamamagitan ng mga ito ng isang kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo dahil sa pagbabalik-loob at iba pa rito kabilang sa mga pampapalapit-loob [kay Allāh], at upang magtamo kayo sa pamamagitan ng mga ito ng isang paraiso na ang luwang nito ay tulad ng luwang [sa pagitan] ng langit at lupa. Ang paraisong ito ay inihanda ni Allāh para sa mga sumampalataya sa Kanya at sumampalataya sa mga sugo Niya. Ang ganting iyon ay ang kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay may kabutihang-loob na sukdulan sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
Walang tumama sa mga tao na anumang sakuna sa lupa gaya ng tagtuyot at iba pa rito, ni tumama sa kanila na anumang sakuna sa mga sarili nila malibang ito ay nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan mula ng bago pa Kami lumikha ng mga nilikha. Tunay na iyon kay Allāh ay magaan.
Iyon ay upang hindi kayo malungkot, O mga tao, sa anumang nakaalpas sa inyo at upang hindi kayo matuwa sa anumang ibinigay Niya sa inyo na mga biyaya ayon sa pagkatuwa ng kawalan ng utang na loob. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat nagpapakamalaki na hambog sa mga tao dahil sa ibinigay sa kanya ni Allāh.
Ang mga nagmamaramot ng kinakailangan sa kanila na ipagkaloob at nag-uutos sa iba sa kanila ng pagmamaramot ay mga lugi. Ang sinumang tatalikod sa pagtalima kay Allāh ay hindi makapipinsala kay Allāh at makapipinsala lamang sa sarili niya. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya hindi Siya nangangailangan sa pagtalima ng mga lingkod Niya, ang Pinapupurihan sa bawat kalagayan.
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo Namin kalakip ang mga katwirang maliwanag at ang mga patotoong hayag. Nagpababa Kami kasama sa kanila ng mga kasulatan, at nagpababa Kami kasama sa kanila ng Timbangan upang magpanatili ang mga tao ng katarungan. Nagpababa Kami ng bakal, na taglay nito ay kapangyarihang matindi sapagkat mula rito niyayari ang mga sandata, at taglay nito ay mga kapakinabangan para sa mga tao sa mga ginagawa nila at mga gawain nila. Ito ay upang maglantad si Allāh ayon sa kaalamang maglalantad para sa mga tao kung sino ang tutulong sa Kanya mula sa mga lingkod Niya nang lingid. Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na anuman at hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman.
Talaga ngang nagsugo Kami kina Noe at Abraham - sumakanilang dalawa ang pangangalaga - at naglagay Kami sa mga supling nilang dalawa ng pagkapropeta at mga kasulatang ibinaba, kaya kabilang sa mga supling nilang dalawa ay napapatnubayan tungo sa landasing tuwid, naitutuon [doon], at marami kabilang sa kanila ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh.
Pagkatapos ay pinasundan Namin ang mga sugo Namin kaya nagpadala Kami sa kanila nang sunud-sunod sa mga kalipunan nila. Pinasundan Namin si Hesus na anak ni Maria at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumampalataya sa kanya at sumunod sa kanya ng habag at awa, kaya sila noon ay mga nagmamahalan, mga nag-aawaan sa isa't isa sa kanila. Nagpauso sila ng pagpapakalabis-labis sa relihiyon nila kaya iniwan nila ang ilan sa ipinahintulot ni Allāh para sa kanila gaya ng pag-aasawa at mga minamasarap samantalang hindi Siya humiling sa kanila niyon. Nag-obliga lamang sila nito sa mga sarili bilang isang pagpapauso mula sa kanila sa relihiyon. Humiling lamang [sa kanila] ng pagsunod sa kaluguran ni Allāh ngunit hindi nila ginawa. Kaya nagbigay Siya sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng gantimpala nila, ngunit marami sa kanila ay mga lumabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa inihatid ng Sugo Niyang si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at sumampalataya kayo sa Sugo Niya; magbibigay Siya sa inyo ng dalawang bahagi mula sa gantimpala at pabuya sa pananampalataya ninyo kay Muḥammad - sumakanya ang basbas at ang pangangalaga - at pananampalataya ninyo sa mga sugong nauna, maglalagay Siya para sa inyo ng isang liwanag na mapapatnubayan kayo sa pamamagitan nito sa buhay ninyong pangmundo at maliliwanagan kayo sa pamamagitan nito sa landasing tuwid sa Araw ng Pagbangon, at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala ninyo kaya magtatakip Siya sa mga ito at hindi Siya maninisi sa inyo dahil sa mga ito. Si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - ay Mapagpatawad sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Nilinaw nga Namin para sa inyo ang kabutihang-loob Naming sukdulan sa pamamagitan ng inihanda Namin para sa inyo, O mga mananampalataya, na gantimpalang pinag-ibayo upang makaalam ang mga May Kasulatan na mga nauna kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano na sila ay hindi makakakaya ng anuman mula sa kabutihang-loob ni Allāh: na magkaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at magkakait sila nito sa sinumang niloloob nila, at upang malaman nila na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - na ibinibigay Niya sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan na natatangi dito ang sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya.
Icon