ترجمة سورة الضحى

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
ترجمة معاني سورة الضحى باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم .
من تأليف: مركز تفسير للدراسات القرآنية .

Sumumpa si Allāh sa unang bahagi ng maghapon,
sumumpa Siya sa gabi kapag bumalot dumilim at namahinga ang mga tao roon sa pagkilos;
hindi nag-iwan sa iyo, O Sugo, ang Panginoon mo at hindi Siya namuhi sa iyo gaya ng sinasabi ng mga tagatambal noong natigil ang pagkakasi.
Talagang ang tahanang pangkabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Mundo dahil sa taglay niyong Kaginhawahang mamamalagi, na hindi mapuputol.
Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo ng gantimpalang masagana para sa iyo at para sa kalipunan mo upang malugod ka sa ibinigay Niya sa iyo at ibinigay Niya sa kalipunan mo.
Talaga ngang nakatagpo Siya sa iyo na isang batang namatayan ka ng ama mo kaya gumawa Siya para sa iyo ng isang kanlungan kung saan dumamay sa iyo ang lolo mong si `Abdulmuṭṭalib, pagkatapos ay ang tiyuhin mong si Abū Ṭālib.
Nakatagpo Siya sa iyo na hindi nakababatid kung ano ang aklat ni ang pananampalataya kaya nagturo Siya sa iyo mula roon na hindi mo dati nalalaman.
Nakatagpo Siya sa iyo na isang maralita kaya nagpasapat Siya sa iyo.
Kaya huwag kang magpasagwa sa pakikitungo sa sinumang nawalan ng ama niya sa pagkabata at huwag kang mang-aba sa kanya.
Huwag kang mang-udlot sa nanghihinging nangangailangan.
Magpasalamat ka sa mga biyaya ni Allāh sa iyo at magsaysay ka hinggil dito.
Icon