Nagsabi ang mga binigyan ng kaalaman at pananampalataya: "Talaga ngang namalagi kayo sa pagtatakda ni Allāh hanggang sa Araw ng Pagkabuhay, at ito ay ang Araw ng Pagkabuhay subalit kayo dati ay hindi nakaaalam.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi ang mga binigyan ni Allāh ng kaalaman kabilang sa mga propeta at mga anghel: "Talaga ngang nanatili kayo ayon sa itinakda ni Allāh sa nauna sa kaalaman Niya mula sa araw ng paglikha sa inyo hanggang sa Araw ng pagbuhay sa inyo na ikinaila ninyo, subalit kayo dati ay hindi nakaaalam na ang pagkabuhay na muli ay magaganap kaya naman tumanggi kayong sumampalataya rito."
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم