ﰑ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﮱﯓ
ﰀ
Sumumpa si Allāh sa mga kabayong tumatakbo hanggang sa may naririnig na tunog sa paghinga nito dahil sa tindi ng pagtakbo,
ﯕﯖ
ﰁ
sumumpa Siya sa mga kabayong nagpapaningas ng apoy sa pamamagitan ng mga kuko ng mga ito kapag sumaling ang mga kabayo sa pamamagitan ng mga paa ng mga ito sa mga bato dahil sa tindi ng pagsalpok ng mga kuko sa mga bato,
ﯘﯙ
ﰂ
sumumpa Siya sa mga kabayong nanlulusob sa mga kaaway sa oras ng bukang liwayway,
saka nagpagalaw, dahil sa pagtakbo ng mga ito, ng mga alikabok,
saka pumagitna sa pamamagitan ng mga mangangabayo ng mga ito sa isang pangkat;
tunay na ang tao ay talagang mapagkait sa kabutihang ninanais mula sa kanya ng Panginoon niya.
At tunay na siya, sa pagkakait niya ng kabutihan, ay talagang isang tagasaksi; hindi siya makakakaya sa pagkakaila niyon dahil sa kaliwanagan niyon.
Tunay na siya, dahil sa pagkalabis ng pagkaibig niya sa yaman, ay nagmamaramot nito.
Kaya hindi ba nakaaalam ang taong ito na nalilinlang ng buhay pangmundo - kapag bumuhay si Allāh ng nasa mga libingan na mga patay at nagpalabas Siya sa kanila mula sa lupa para sa pagtutuos at pagganti - na ang usapin ay hindi magiging gaya ng dati nilang hinahaka-haka.
at pinalantad at nilinaw ang nasa mga dibdib na mga layunin, mga paniniwala, at iba pa sa mga ito,
tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa pumapatungkol sa mga lingkod Niya. Gaganti Siya sa kanila roon.