سورة عبس

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

Salin ng Sura Siya'y Nangunot-Noo sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

الناشر

مركز تفسير للدراسات القرآنية

Verse 1
Nagpasimangot ang Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ng mukha niya at umayaw
Verse 2
dahil sa pagdating ni `Abdullāh bin Ummi Maktūm, na nagpapagabay sa kanya. Ito ay isang bulag. Dumating ito sa Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - habang abala naman ang Sugo sa mga pinakamalaki sa mga tagatambal dahil sa pag-asa sa kapatnubayan nila.
Verse 3
At ano ang magpapaalam sa iyo, o Sugo, na sa gayon ang bulag na ito ay magpapakadalisay sa mga pagkakasala niya,
Verse 4
o mapangangaralan ng maririnig niya mula sa iyon na mga pangaral para makinabang siya sa mga ito?
Verse 5
Tungkol sa nag-akalang nakasasapat sa sarili niya dahil sa taglay niyang yaman para manampalataya pa sa dinala mo,
Verse 7
May aling bagay na dadapo sa iyo kapag hindi siya nagpakadalisay sa mga pagkakasala niya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob kay Allāh?
Verse 8
At tungkol naman sa dumating sa iyo na nagpupunyagi sa paghahanap ng kabutihan
Verse 9
habang siya ay natatakot sa Panginoon niya,
Verse 10
ikaw ay nagpakaabala palayo sa kanya sa iba sa kanya kabilang sa mga pinakamalaking tao ng mga tagatambal.
Verse 11
Ang usapin ay hindi gayon. Tanging ang mga [talatang] ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala para sa sinumang tatanggap.
Verse 12
kaya ang sinumang lumuob na mag-alaala kay Allāh ay mag-aalaala sa Kanya at mapangangaralan ng nasa Qur’an na ito.
Verse 13
Ang Qur'ān na ito ay nasa mga pahinang marangal sa ganang mga anghel,
Verse 14
na inangat sa isang lugar na mataas, na dinalisay na hindi dinadapuan ng karumihan ni kasalaulaan.
Verse 15
Ang mga ito ay nasa mga kamay ng mga sugo kabilang sa mga anghel,
Verse 16
na mararangal sa ganang Panginoon nila, na mararami sa paggawa ng kabutihan at mga pagtalima.
Verse 17
Sumpain ang taong tagatangging sumampalataya; anong tindi ng kawalang-pananampalataya nito kay Allāh!
Verse 18
Mula sa aling bagay lumikha rito si Allāh upang magpakamalaki ito sa lupa at tumangging sumampalataya ito sa Kanya?
Verse 19
Mula sa likidong kakaunti lumikha Siya rito, at nagtakda Siya sa paglikha nito sa isang yugto matapos na isang yugto.
Verse 20
Pagkatapos ay nagpadali Siya para rito - matapos ng mga yugtong ito - ng paglabas mula sa tiyan ng ina nito.
Verse 21
Pagkatapos, matapos na nagtakda Siya para rito ng haba ng buhay ay nagbigay-kamatayan Siya rito, at gumawa Siya para rito ng isang libingan na mananatili ito roon hanggang sa buhayin ito.
Verse 22
Pagkatapos kapag niloob Niya ay bubuhay Siya rito para sa pagtutuos at pagganti.
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguni-guni ng tagatangging sumampalataya na ito raw ay nagsagawa ng tungkulin na kailangan dito para sa Panginoon nito sapagkat ito ay hindi nagsagawa ng inobliga ni Allāh dito na mga tungkulin.
Verse 24
Kaya tumingin ang taong tagatangging sumampalataya kay Allāh sa pagkain nito na kinakain nito kung papaanong natamo nito -
Verse 25
sapagkat ang pinanggalingan nito ay ang ulan na bumababa mula sa langit nang may kalakasan at kasaganahan,
Verse 26
pagkatapos ay bumasag Kami sa lupa kaya nabiyak ito para sa halaman,
Verse 27
at nagpatubo Kami rito ng mga butil ng trigo, mais, at iba sa mga ito.
Verse 28
Nagpatubo Kami rito ng ubas at halamang sariwa upang maging kumpay para sa mga hayop ninyo.
Verse 29
Nagpatubo Kami rito ng oliba at datiles.
Verse 30
Nagpatubo Kami rito ng mga patanimang marami ang mga puno.
Verse 31
Nagpatubo Kami rito ng prutas at nagpatubo Kami rito ng kinakain ng mga hayop ninyo.
Verse 32
Para sa pakikinabang ninyo at pakikinabang ng mga hayop ninyo.
Verse 33
Ngunit kapag dumating ang sigaw na malakas na dadagundong sa mga tainga, ang ikalawang pag-ihip [sa tambuli]
Verse 35
at tatakas siya mula sa ina niya at ama niya,
Verse 36
at tatakas siya mula sa asawa niya at mga anak niya.
Para sa bawat isa kabilang sa kanila ay isang mag-aabala sa kanya palayo sa iba pa dahil sa tindi ng mga dalamhati sa Araw na iyon.
Verse 38
Ang mga mukha ng mga maligaya sa Araw na iyon na tumatanglaw,
Verse 39
na tumatawa na natutuwa dahil sa inihanda ni Allāh para sa kanila na awa Niya.
Verse 40
At ang mga mukha ng mga malumbay sa Araw na iyon ay may alabok sa mga ito.
Verse 41
May lulukob sa mga ito ng isang dilim.
Verse 42
Ang mga nailarawang iyon sa kalagayang iyon ay ang mga nagsawa sa kawalang-pananampalataya at kasamaang-loob.
تقدم القراءة