ﯜ
ترجمة معاني سورة محمد
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpalihis sa mga tao palayo sa relihiyon ni Allāh ay magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos at sumampalataya sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niyang si Muḥammad – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa masasagwang gawa nila kaya hindi Niya sila sisisihin dahil sa mga ito at magsasaayos Siya sa mga kalagayan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.
Ang ganting nabanggit na iyon para sa dalawang pangkat ay dahilan sa ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman kay Allāh at sa Sugo Niya ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Kaya nagkaiba ang ganti sa dalawa dahil sa pagkakaiba ng pagsisikap ng dalawa. Gaya ng paglilinaw ni Allāh ng kahatulan Niya sa dalawang pangkat: ang pangkat ng mga mananampalataya at ang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya, gumagawa si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalimbawa sa kanila kaya inuugnay Niya ang katapat sa katapat nito.
Kaya kapag nakipagkita kayo, O mga mananampalataya, sa mga nakikipagdigma na mga tumangging sumampalataya ay tumaga kayo sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tabak ninyo. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa maparami ninyo sa kanila ang napatay at napuksa ninyo ang lakas nila. Kapag naparami ninyo sa kanila ang napatay ay humigpit kayo sa mga pagkagapos sa mga bihag. Kapag nakabihag kayo sa kanila ay nasa inyo ang pagpipilian alinsunod sa hinihiling ng kapakanan sa pagitan ng pagmamagandang-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalayaan sa kanila nang walang kapalit, o pagpapatubos sa kanila kapalit ng salapi o iba pa. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila at pagbihag sa kanila hanggang sa magwakas ang digmaan sa pagyakap sa Islām ng mga tagatangging sumampalataya o pakikipagkasunduan nila. Ang nabanggit na iyon na pagsubok sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga tagatangging sumampalataya at pagpapasalit-salitan ng mga araw na matagumpay at pananaig ng iba sa kanila laban sa iba pa ay kahatulan ni Allāh. Kung sakaling loloobin ni Allāh ang pananaig sa mga tagatangging sumampalataya nang walang paglalaban ay talaga sanang nanaig laban sa kanila subalit isinabatas Niya ang pakikibaka upang subukin ang iba sa kanila laban sa iba pa para subukin Niya ang nakikipaglaban kabilang sa mga mananampalataya at ang hindi nakikipaglaban. Sinusubok Niya ang tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng mananampalataya. Kapag napatay ng mananampalataya ang tatangging sumampalataya ay papasok ang mananampalataya sa Paraiso. Kung napatay ang tatangging sumampalataya ng mananampalataya ay papasok ang tagatangging sumampalataya sa Apoy. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
Magtutuon Siya sa kanila sa pagsunod sa katotohanan sa buhay nilang pangmundo at magsasaayos Siya sa kalagayan nila.
Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon, na nilinaw Niya sa kanila ang mga paglalarawan niyon sa Mundo kaya nakilala nila iyon at ipinakilala Niya sa kanila ang mga antas nila roon sa Kabilang-buhay.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kung tutulong kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pagtulong sa Propeta Niya at Relihiyon Niya at sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya, tutulong Siya sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pananaig sa inyo at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo sa digmaan sa sandali ng pakikipagtagpo sa mga iyon.
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, ukol sa kanila ay ang pagkalugi at ang kapahamakan at magpapawalang-saysay Siya sa gantimpala ng mga gawa nila.
Yaong parusang babagsak sa kanila ay dahilan sa sila ay nasuklam sa ibinaba ni Allāh sa Sugo Niya na Qur'ān dahil sa nilalaman nitong pagtuturo sa kaisahan ni Allāh kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila kaya nalugi sila sa Mundo at sa Kabilang-buhay.
Kaya hindi ba humayo ang mga tagapasinungaling na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga nagpasinungaling kabilang sa nauna sa kanila sapagkat iyon ay isang wakas na nakasasakit? Dumurog si Allāh sa kanila ng mga tahanan nila kaya nagpasawi Siya sa kanila at nagpasawi Siya sa mga anak nila at mga ari-arian nila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa bawat panahon at pook ang mga tulad sa mga kaparusahang iyon.
Ang ganting nabanggit na iyon para sa dalawang pangkat ay dahil si Allāh ang Tagapag-adya sa mga sumampalataya sa Kanya at ang mga tagatangging sumampalataya ay walang tagaadya para sa kanila.
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtatamasa sa Mundo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ninanasa nila at kumakain gaya ng panginginain ng mga hayupan; walang pinahahalagahan para sa kanila kundi ang mga tiyan nila at mga tawag ng laman nila. Ang Apoy sa Araw ng Pagbangon ay pamamalagihan sa kanila na tutuluyan nila.
Kay raming pamayanan kabilang sa mga pamayanan ng mga kalipunang nauna ay higit na matindi sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaysa sa Makkah na nagpalayas sa iyo ang mga mamayan niyon mula roon. Lumipol Kami sa kanila noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa kanila at walang tagaadya para sa kanila na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot Namin noong dumating ito sa kanila. Hindi nagpapahina sa Amin ang pagpapasawi sa mga mamamayan ng Makkah kapag nagnais Kami niyon.
Ang may patotoong malinaw at katwirang maliwanag ba mula sa Panginoon niya, kaya naman ito ay sumasamba sa Kanya ayon sa kabatiran, ay gaya ng mga ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang kasamaan ng gawain nila at sumunod sa idinidikta sa kanila ng mga pithaya nila gaya ng pagsamba sa mga diyus-diyusan, paggawa ng kasalanan, at pagpapasinungaling sa mga sugo?
Ang katangian ng Paraiso - na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ay na magpapapasok Siya sa kanila sa loob niyon. Doon ay may mga ilog ng tubig na hindi nagbabago sa amoy ni sa lasa dahil sa tagal ng pananatili. Doon ay may mga ilog ng gatas na hindi nagbago ang lasa nito. Doon ay may mga ilog ng alak na masarap para sa mga tagainom at may mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay na mula sa mga kasiraan. Ukol sa kanila roon ang lahat ng mga uri ng mga bungang nanaisin nila. Ukol sa kanila higit doon sa kalahatan niyon ay isang pagpapawi mula kay Allāh ng mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Nakapapantay ba ng mga nangyaring ito ay gantimpala nila ang mga mamamalagi sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman, at paiinumin ng tubig na matindi ang pagkainit kaya pagpuputul-putulin nito ang mga bituka ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito?
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nakikinig sa iyo, O Sugo, ayon sa pakikinig na walang pagtanggap na kalakip, bagkus kalakip ng pag-ayaw, hanggang sa kapag nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ni Allāh ng kaalaman: "Ano ang sinabi niya sa pakikipag-usap niya kamakailan?" bilang pagwawalang-bahala mula sa kanila at pag-ayaw. Ang mga iyon ay ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila kaya walang nakararating sa mga ito na kabutihan, at sumunod sa mga pithaya nila kaya bumulag ang mga ito sa kanila sa katotohanan.
Ang mga napatnubayan tungo sa daan ng katotohanan at pagsunod sa inihatid ng Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ay dinagdagan ng Panginoon nila ng kapatnubayan at pagtutuon sa kabutihan, at inudyukan Niya sila ng paggawa ayon sa magsasanggalang sa kanila laban sa Apoy.
Kaya may hinihintay ba ang mga tagatangging sumampalataya maliban pa na dumating sa kanila ang Huling Sandali nang bigla nang walang naunang kaalaman para sa kanila hinggil dito? Dumating na ang mga palatandaan nito, na kabilang sa mga ito ang pagpapadala sa kanya - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at ang pagkabiyak ng buwan. Kaya papaanong ukol sa kanila na magsaalaala sila kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali?
Kaya pakatiyakin mo, O Sugo, na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa kay Allāh, at humiling ka ng kapatawaran para sa mga pagkakasala mo at humiling ka ng kapatawaran mula sa Kanya para sa mga pagkakasala ng mga lalaking mananampalataya at ng mga pagkakasala ng mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagawa ninyo sa maghapon ninyo at tuluyan ninyo sa gabi ninyo. Walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Nagsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh habang mga nagmimithi na magbaba si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang naglalaman ng kahatulan ng pakikipaglaban: "Bakit ba hindi nagpababa si Allāh ng isang kabanata na naroon ang pagbanggit ng pakikipaglaban?" Ngunit nang nagbaba si Allāh ng isang kabanatang tahas sa paglilinaw nito at mga patakaran nito, na naglalaman ng pagbanggit ng pakikipaglaban, makikita mo, O Sugo, ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na tumitingin sa iyo ng pagtingin ng hinimatay dahil sa tindi ng pangamba at pangingilabot sapagkat nagbanta sa kanila si Allāh na ang pagdurusa nila ay sumunod na sa kanila at nalapit na sa kanila dahilan sa pag-urong sa pakikipaglaban at pangamba rito.
Na tumalima sila sa utos ni Allāh at na magsabi sila ng sinasabing nakabubuti, na walang masama rito, ay higit na mabuti para sa kanila. Kaya kapag naisatungkulin ang pakikipaglaban at nagseryoso at kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh sa pananampalataya nila sa Kanya at pagtalima nila sa Kanya, talaga sanang ito ay naging mabuti para sa kanila kaysa sa pagpapaimbabaw at pagsuway sa mga utos ni Allāh.
Nananaig sa kalagayan ninyo kung umayaw kayo sa pananampalataya kay Allāh at pagtalima sa Kanya na kayo ay manggugulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at magpuputul-putol sa mga kaugnayan ng pagkakamag-anak gaya ng kalagayan ninyo sa Panahon ng Kamangmangan.
Ang mga nailarawang iyon sa panggugulo sa lupa at pagpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ay ang mga inilayo ni Allāh sa awa Niya. Nagpabingi Siya sa mga tainga nila palayo sa pagdinig sa katotohanan ayon sa pagdinig ng pagtanggap at pagpapasakop, at bumulag Siya sa mga paningin nila palayo sa pagkakita nito ayon sa pagkakita ng pagsasaalang-alang.
Kaya hindi ba nagbulay-bulay ang mga umaayaw na ito sa Qur’ān at nagnilay-nilay rito sapagkat kung nagbulay-bulay sila rito ay talaga sanang nagturo ito sa kanila sa bawat kabutihan at nagpalayo sa kanila sa bawat kasamaan? Bagkus sa mga puso ng mga ito ay mga pampinid ng mga ito, na hinigpitan ang pagkakasara sa mga ito kaya walang aabot sa mga ito na isang pangaral at walang magpapakinabang sa mga ito na isang paalaala.
Tunay na ang mga bumalik sa mga pinanggalingan nila buhat sa pananampalataya patungo sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw mula ng matapos nailahad sa kanila ang katwiran at luminaw sa kanila ang katapatan ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan, ang demonyo ay ang nang-akit sa kanila sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, nagpadali nito sa kanila, at nagpamithi sa kanila sa pamamagitan ng haba ng pag-asa.
Ang pagliligaw na naganap na iyon sa kanila dahilan sa sila ay nagsabi nang palihim sa mga tagatambal na nasuklam sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya na kasi: "Tatalima kami sa inyo sa ilang bagay gaya ng pagpapahina ng loob sa pakikipaglaban." Si Allāh ay nakaaalam sa inililihim nila at ikinukubli nila. Walang naikukubli sa Kanya na anuman kaya inihahayag ni Allāh ang niloob Niya mula rito sa Sugo Niya - basbasan Niya ang Propeta at pangalagaan.
Kaya papaano mo makikita ang kasasadlakan nilang pagdurusa at kalagayang karumal-dumal na sasapitin nila kapag kumuha sa mga kaluluwa nila ang mga anghel na nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila sa pamamagitan ng mga pangawil na bakal?
Ang pagdurusang iyon ay dahilan sa sila ay sumunod sa lahat ng nagpagalit kay Allāh sa kanila gaya ng kawalang-pananampalataya, pagpapaimbabaw, at pagsalungat kay Allāh at sa Sugo Niya, at nasuklam sila sa nakapagpapalapit sa kanila sa Panginoon Nila at nagpapadapo sa kanila ng pagkalugod Niya gaya ng pananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya kaya nagpawalang-saysay Siya sa mga gawa nila.
Nagpapalagay ba ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na hindi magpapalabas si Allāh sa mga pagkamuhi nila at maglalantad sa mga ito? Talagang magpapalabas nga Siya sa mga ito sa pamamagitan ng pagsusulit sa pamamagitan ng mga pagsubok upang malantad ang tapat sa pananampalataya mula sa sinungaling, mahayag ang mananampalataya, at mabunyag ang mapagpaimbabaw.
Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapakilala sa iyo, O Sugo, ng mga mapagpaimbabaw ay talaga sanang ipinakilala ka Namin sa kanila kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga palatandaan nila at makikilala mo sila ayon sa istilo ng pananalita nila. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo: walang naikukubli sa kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Talagang manunubok nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pakikibaka, pakikipaglaban sa mga kaaway, at pagkapatay hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka kabilang sa inyo sa landas Namin at mga nagtitiis kabilang sa inyo sa pakikipaglaban sa mga kaaway, at manunubok Kami sa inyo para malaman ang tapat sa inyo at ang sinungaling.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, sumagabal sa relihiyon ni Allāh sa pamamagitan ng mga sarili nila at sumagabal doon ang iba pa sa kanila, at sumalungat sa Sugo Niya at nangaway sa Sugo mula ng matapos luminaw na ito ay propeta, hindi sila makapipinsala kay Allāh at nakapipinsala lamang sila sa mga sarili nila. Magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa utos nilang dalawa at pag-iwas ninyo sa sinasaway nilang dalawa, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga gawa ninyo sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagpapakitang-tao.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, naglihis ng mga sarili nila, at naglihis sa mga tao palayo sa relihiyon ni Allāh – pagkatapos ay namatay sa kawalang-pananampalataya nila bago ng pagbabalik-loob – ay hindi magpapalampas si Allāh sa mga pagkakasala nila sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito, bagkus maninisi sa kanila at magpapapasok sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.
Kaya huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, sa pagharap sa kaaway ninyo ni mag-anyaya sa pakikipagpayapaan bago sila mag-anyaya sa inyo tungo roon samantalang kayo ay ang mga nakagapi at ang mga nanaig sa kanila at si Allāh ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at pag-alalay Niya. Hindi Siya magpapakulang sa inyo sa gantimpala sa mga gawa ninyo sa anuman, bagkus magdadagdag Siya sa inyo ng kagandahang-loob mula sa Kanya at ng pagmamabuting-loob.
Ang buhay pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang kaya hindi pinagkakaabalahan ito ng isang nakauunawa kapalit ng paggawa para sa Kabilang-buhay niya. Kung sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala sa mga gawa ninyo nang lubusan, na walang ibinawas, at hindi Siya hihiling mula sa inyo ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito; humihiling lamang Siya mula sa inyo ng isinatungkuling zakāh.
Kung hihiling Siya mula sa inyo ng lahat ng mga yaman ninyo at mamimilit Siya sa paghiling ng mga iyon mula sa inyo, magmamaramot kayo ng mga iyon at magpapalabas naman Siya ng nasa mga puso ninyo na pagkasuklam sa paggugol sa landas Niya kaya itinigil Niya ang paghiling mula sa inyo bilang kabaitan sa inyo.
Kayo nga itong nananawagan upang gumugol kayo ng isang bahagi mula sa mga yaman ninyo sa landas ni Allāh at hindi naman Siya humihiling mula sa inyo ng paggugol ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito, ngunit mayroon sa inyo na nagpipigil ng paggugol na hinihiling dala ng isang pagmamaramot mula sa kanya. Ang sinumang nagmamaramot sa paggugol ng isang bahagi mula sa yaman niya sa landas ni Allāh ay nagmamaramot lamang sa katunayan sa sarili niya sa pamamagitan ng pagkakait dito ng gantimpala sa paggugol. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya naman Siya ay hindi nangangailangan sa paggugol sa inyo samantalang kayo ay ang mga nangangailangan sa Kanya. Kung tatalikod kayo sa Islām patungo sa kawalang-pananampalataya, magpapasawi Siya sa inyo at maghahatid Siya ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos ay hindi sila magiging mga tulad ninyo. bagkus sila ay magiging mga tumatalima sa Kanya.