ﯕ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﭥ
ﰀ
Ha. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
Ang pagbababa ng Qur'ān na ibinaba sa Sugo ni Allāh na si Muḥammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ay mula sa Kanya, ang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, ang Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya.
ang Tagapatawad ng pagkakasala ng mga nagkakasala, ang Tagatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, ang Matindi sa pagpaparusa sa sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala niya, ang May pagmamagandang-loob at pagmamabuting-loob. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya; sa Kanya - tanging sa Kanya - ang panunumbalikan sa Araw ng Pagbangon sapagkat gaganti Siya sa kanila ayon sa naging karapat-dapat sa kanila.
Walang nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at katapatan ng mga sugo Niya kundi ang mga tumangging sumampalataya sa Kanya dahil sa katiwalian ng mga pag-iisip nila. Kaya huwag kang malungkot para sa kanila at huwag manlinlang sa iyo ang taglay nilang kaluwagan sa panustos at mga biyaya sapagkat ang pagpapalugit sa kanila ay isang pagpapain para sa kanila at isang pagpapakana sa kanila.
Nagpasinungaling bago ng mga ito ang mga kababayan ni Noe at nagpasinungaling bago nila ang mga lapian matapos ng mga tao ni Noe sapagkat nagpasinungaling ang liping Thamūd at liping `Ād, ang mga kababayan ni Lot, at ang mga naninirahan sa Madyan. Nagpasinungaling si Paraon. Nagtangka ang bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan sa sugo nito upang dumaklot doon para patayin iyon. Nakipagtalo sila sa pamamagitan ng taglay nilang kabulaanan upang mag-alis sa pamamagitan nito sa katotohanan. Kaya dumaklot Ako sa mga kalipunang iyon sa kabuuan nila kaya magnilay-nilay ka kung papaano na ang parusa Ko sa kanila sapagkat mangyayari ngang ito ay isang parusang matindi!
Gaya ng paghatol ni Allāh ng pagpapasawi sa mga kalipunang nagpapasinungaling na iyon, kinailangan ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya, na sila ay mga maninirahan sa Apoy.
Ang mga anghel na nagpapasan ng Trono ng Panginoon mo, O Sugo, at ang mga nasa paligid nito ay nagpapawalang-kaugnayan sa Panginoon nila sa anumang hindi nababagay sa Kanya, sumasampalataya sa Kanya, at humihiling ng kapatawaran para sa mga sumampalataya sa Kanya, na mga nagsasabi sa panalangin nila: "Panginoon namin, sumaklaw ang kaalaman Mo at ang awa Mo sa bawat bagay kaya magpatawad Ka sa mga nagbalik-loob mula sa mga pagkakasala nila at sumunod sa relihiyon Mo, at mangalaga Ka sa kanila laban sa Apoy na makasaling sa kanila.
Nagsasabi ang mga anghel: "Panginoon namin, at magpapasok Ka sa mga mananampalataya sa mga Hardin ng Kawalang-hanggan na ipinangako Mo sa kanila na magpapasok Ka sa kanila sa mga iyon, at magpapasok Ka kasama sa kanila sa sinumang umayos ang gawa kabilang sa mga magulang nila, mga asawa nila, at mga anak nila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan na walang nakagagapi sa Iyo na isa man, ang Marunong sa pagtatakda Mo at pangangasiwa Mo.
Mangalaga Ka sa kanila sa mga masagwa sa mga gawa nila kaya huwag mo silang pagdusahin dahil sa mga ito. Ang sinumang pinangalagaan Mo sa Araw ng Pagbangon laban sa parusa sa mga masagwa sa mga gawa niya ay kinaawaan Mo nga. Ang pangangalagang iyon laban sa pagdurusa at ang awa sa pamamagitan ng pagpasok sa Paraiso ay ang pagkatamong sukdulan na hindi napapantayan ng [ibang] pagkatamo."
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay tatawagin sa Araw ng Pagbangon kapag papasok sila sa Apoy, mamumuhi sila sa mga sarili nila, at susumpa sa mga ito: "Talagang ang tindi ng pagkasuklam ni Allāh para sa inyo ay higit na mabigat kaysa sa tindi ng pagkasuklam ninyo ng isa't isa sa inyo sa mga sarili ninyo nang kayo noon ay inaanyayahan sa Mundo sa pananampalataya kay Allāh ngunit tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo kasama sa Kanya ng mga diyos."
Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya habang mga umaamin sa mga pagkakasala nila nang hindi nagpapakinabang ang pag-amin nila ni ang pagbabalik-loob nila: "Panginoon namin, nagbigay-kamatayan Ka sa amin nang dalawang ulit yayamang kami noon ay wala at nagpairal Ka sa amin, pagkatapos ay nagbigay-kamatayan Ka sa amin matapos ng pagpapairal na iyon; at nagbigay-buhay Ka sa amin nang dalawang ulit sa pamamagitan ng pagpapairal sa amin mula sa kawalan at sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa amin para sa pagbubuhay na muli. Kaya naman umamin kami sa mga pagkakasala naming nakamit namin. Kaya mayroon bang isang daang tatahakin namin tungo sa paglabas mula sa Apoy para bumalik kami sa buhay [sa Mundo] upang magsaayos sa mga gawa namin?"
Ang pagdurusang pagdurusahan ninyo ay dahilan sa kayo noon, kapag dinalanginan si Allāh nang mag-isa at hindi nagtambal sa Kanya ang isa, tumatanggi kayong sumampalataya sa Kanya at gumagawa kayo sa Kanya ng mga katambal; at kapag sinamba kasama kay Allāh ang isang katambal, sumasampalataya kayo. Kaya ang paghahatol ay ukol kay Allāh nang mag-isa, ang Mataas sa sarili Niya, pagtatakda Niya, at paglupig Niya; ang Malaki na ang bawat bagay ay maliit sa Kanya."
Si Allāh ay ang nagpapakita sa inyo ng mga tanda Niya sa mga abot-tanaw at mga sarili upang magpatunay ang mga ito sa inyo sa kakayahan Niya at kaisahan Niya, at nagbababa para sa inyo mula sa langit ng tubig ng ulan upang ito ay maging isang kadahilanan para sa pagtutustos sa inyo mula sa halaman, mga pananim, at iba pa sa mga ito. Walang napangangaralan sa pamamagitan ng mga tanda ni Allāh kundi ang sinumang nanunumbalik sa Kanya bilang isang nagbabalik-loob na nagpapakadalisay.
Kaya dumalangin kayo kay Allāh, O mga mananampalataya, bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima at panalangin habang hindi mga tagatambal sa Kanya, kahit pa man masuklam ang mga tagatangging sumampalataya roon at magpagalit ito sa kanila.
Siya ay karapat-dapat upang pag-ukulan ng kawagasan sa panalangin at pagtalima sapagkat Siya ay ang Angat sa mga antas, na nakahiwalay sa lahat ng nilikha Niya habang Siya ay ang Panginoon ng Trono. Nagpapababa Siya ng kasi sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya upang mabuhay sila, magpabuhay sila sa iba sa kanila, at upang magpangamba sila sa mga tao hinggil sa Araw ng Pagbangon, na magkikita roon ang mga kauna-unahan at ang mga kahuli-hulihan.
Sa Araw na sila ay mga nakalantad na nakapagtipon na sa nag-iisang larangan, walang maikukubli kay Allāh mula sa kanila na anuman: wala mula sa mga sarili nila ni sa mga gawa nila ni sa mga ganti sa kanila. Itatanong: "Sa kanino ang paghahari sa Araw na ito?" Walang sagot ngayon kundi nag-iisang sagot: "Ang paghahari ay sa kay Allāh, ang Nag-iisa sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya; ang Palagapi na gumapi sa bawat bagay at sumailalim sa Kanya ang bawat bagay."
Sa Araw na ito, gagantihan ang bawat kaluluwa sa nakamit nito na gawa. Kung kabutihan ay kabutihan [ang ganti] at kung kasamaan ay kasamaan [ang ganti]. Walang kawalang-katarungan sa Araw na ito dahil ang Tagahatol ay si Allāh, ang Makatarungan. Tunay na si Allāh ay Mabilis sa pagtutuos sa mga lingkod Niya dahil sa pagkakasaklaw ng kaalaman Niya sa kanila.
Magpangamba ka sa kanila, O Sugo, ng Araw ng Pagbangon, ang Pagbangon [ng mga patay] na nalalapit sapagkat ito ay darating at ang bawat darating ay malapit na. Sa Araw na iyon, ang mga puso dala ng tindi ng hilakbot ng mga ito ay umaangat hanggang sa umabot sa mga lalamunan ng mga may-ari ng mga ito, na magiging mga tahimik: hindi magsasalita ang isa kabilang sa kanila maliban sa sinumang nagpahintulot sa kanya ang Napakamaawain. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway na anumang kaibigan ni kamag-anak ni tagapamagitang tatalimain kapag itinakda para sa kanya na mamagitan.
Si Allāh ay nakaaalam sa anumang sinusulyapan ng mga mata nang pakubli at nakaaalam sa anumang itinatago ng mga dibdib: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Si Allāh ay humahatol ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya lumalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nito ni sa pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito samantalang ang mga sinasamba ng mga tagatambal bukod pa kay Allāh ay hindi humahatol ayon sa anuman dahil ang mga ito ay hindi nagmamay-ari ng anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga layunin nila at mga gawain nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Hindi ba humayo ang mga tagatambal na ito sa lupain para magnilay-nilay sila kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang nagpasinungaling noong wala pa sila? Iyon ay naging isang wakas na masagwa. Ang mga kalipunang iyon noon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas. Nag-iwan ang mga iyon sa lupa ng mga gusali samantalang hindi nag-iwan ang mga ito. Nagpasawi si Allāh sa kanila dahilan sa mga pagkakasala nila. Hindi sila nagkaroon ng tagasanggalang na nagsasanggalang sa kanila laban sa parusa ni Allāh.
Ang pagdurusang iyon na tumama sa kanila ay tumama lamang sa kanila dahil sila noon ay hinahatiran ng mga sugo nila mula kay Allāh ng mga patunay na maliwanag at mga katunayang maningning ngunit tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sila sa mga sugo Niya. Sa kabila ng taglay nilang lakas, dinaklot sila ni Allāh at pinasawi Niya sila. Tunay na Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay Malakas, Matindi sa pagparusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga sugo Niya.
Talaga ngang nagpadala Kami kay Moises, kalakip ng mga tanda Naming maliliwanag at isang patotoong tiyak,
kina Paraon at katuwang nitong si Hāmān, at kay Qārūn, ngunit nagsabi sila: "Si Moises ay isang manggagaway na palasinungaling sa inaangkin niyang siya raw ay isang sugo!"
Kaya noong nagdala siya sa kanila ng patotoong nagpapatunay sa katapatan niya ay nagsabi sina Paraon: "Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at panatilihin ninyo ang mga kababaihan nila bilang paghamak sa kanila." Ngunit walang iba ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pag-uutos ng pagpapakaunti sa bilang ng mga mananampalataya kundi isang nasawing nawawala, na walang bakas doon.
Nagsabi si Paraon: "Pabayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises bilang parusa sa kanya at dumalangin siya sa Panginoon niya na ipagtanggol siya laban sa akin sapagkat ako ay hindi nag-aalintana na dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpaiba siya sa relihiyon ninyong kinaaniban ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagpatay at paninira."
Nagsabi si Moises - sumakanya ang pangangalaga - noong nakaalam siya sa pagbabanta ni Paraon sa kanya: "Tunay na ako ay dumulog at nagpasanggalang sa Panginoon ko at Panginoon ninyo laban sa bawat nagpapakamalaki laban sa katotohanan at pananampalataya rito, na hindi sumasampalataya sa Araw ng Pagtutuos at sa anumang naroon na pagtutuos at parusa."
May nagsabing isang lalaking mananampalataya kay Allāh kabilang sa mag-anak ni Paraon, na nagtatago ng pananampalataya niya sa mga kababayan niya habang nagmamasama sa kanila sa pagtitika nila sa pagpatay kay Moises: "Papatay ba kayo ng isang lalaki na walang sala malibang siya ay nagsabi: 'Ang Panginoon ko ay si Allāh,' gayong nagdala nga siya sa inyo ng mga katwiran at mga patotoong nagpapatunay sa katapatan niya sa pag-aangkin niyang siya ay isinugo mula sa Panginoon niya? Kung itinakdang siya ay isang sinungaling, ang kapinsalaan ng kasinungalingan niya ay babalik sa kanya. Kung siya ay naging isang tapat, tatama sa inyo ang ilan sa ipinangangako niya sa inyo na pagdurusa nang maaga. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na gumagawa-gawa ng kasinungalingan laban sa Kanya at laban sa mga sugo Niya.
O mga kababayan ko, taglay ninyo ang paghahari ngayong araw bilang mga nananaig sa lupain ng Ehipto, ngunit sino ang mag-aadya sa atin laban sa parusa ni Allāh kung dumating ito sa atin dahilan sa pagpatay ninyo kay Moises?" Nagsabi si Paraon: "Ang pananaw ay ang pananaw ko at ang kahatulan ay kahatulan ko. Nagpasya na ako na papatay kay Moises bilang pagtutulak sa kasamaan at kaguluhan. Hindi ako pumapatnubay sa inyo malibang tungo sa tumpak at tama."
Nagsabi ang sumampalataya, habang nagpapayo sa mga kababayan niya: "Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo - kung pinatay ninyo si Moises sa kawalang-katarungan at pangangaway - ng isang pagdurusang tulad ng pagdurusa ng mga lapian na mga nagbuklod laban sa mga sugo nila kabilang sa mga nauna kaya naman nagpasawi sa kanila si Allāh
gaya ng kaugalian ng mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga sugo tulad ng mga kababayan nina Noe, `Ād, Thamūd, at ng mga dumating kabilang sa matapos nila sapagkat nagpasawi sa kanila si Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila sa mga sugo nila. Hindi si Allāh nagnanais ng kawalang-katarungan para sa mga lingkod [Niya]. Pagdurusahin Niya lamang sila dahil sa mga pagkakasala nila bilang ganting karampatan.
O mga kababayan ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa Araw ng Pagbangon, sa Araw na iyon na mananawagan ang mga tao sa isa't isa sa kanila dahilan sa pagkakamag-anak o impluwensiya dala ng isang pagpapalagay mula sa kanila na ang gawaing ito ay magpapakinabang sa kanila sa katayuang kakila-kilabot na ito.
[Iyon ay] sa Araw na tatalikod kayo habang mga tumatakas dala ng pangamba sa Apoy Walang ukol sa inyo na isang tagapagtanggol na magtatanggol sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh. Ang sinumang itinatwa ni Allāh at hindi itinuon sa pananampalataya ay walang ukol sa kanya na anumang tagapatnubay na magpapatnubay sa kanya dahil ang kapatnubayan sa pagkakatuon ay nasa kamay ni Allāh - tanging sa Kanya.
Talaga ngang nagdala sa inyo si Yusuf noong wala pa si Moises ng mga patotoong maliwanag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nanatili kayo sa isang pagdududa at pagpapasinungaling sa dinala niya sa inyo, hanggang sa nang pinapanaw siya ay nadagdagan kayo ng pagdududa at pag-aalinlangan at nagsabi kayo: "Hindi magpapadala si Allāh noong matapos niya ng isang sugo." Tulad ng pagkaligaw ninyong ito palayo sa katotohanan, magpapaligaw si Allāh sa bawat sinumang lumalampas sa mga hangganan Niya, na nagdududa sa kaisahan Niya.
Ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh upang magpabula sila sa mga ito nang walang katwiran ni patotoong pumunta sa kanila ay lumaki ang pakikipagtalo nila sa pagkamuhi sa ganang kay Allāh at sa ganang mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya. Kung paanong nagpasak si Allāh sa mga puso ng mga nakikipag-alitang ito hinggil sa mga tanda Niya para sa pagpapabula sa mga ito, magpapasak si Allāh sa bawat puso ng isang nagpapakamalaki sa paglayo sa katotohanan, na palasiil, kaya hindi ito mapapatnubayan sa katumpakan at hindi magagabayan sa kabutihan.
Nagsabi si Paraon sa katuwang niyang si Hāmān: "O Hāmān, magpatayo ka para sa akin ng isang mataas na gusali, sa pag-asang aabot ako sa mga daan:
Sa pag-asang umabot ako sa mga daan tungo sa mga langit, na magpaparating sa mga iyon para makatingin ako sa sinasamba ni Moises, na naghahaka-haka na si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay isang sinungaling sa anumang inaangkin niya." Gayon pinaganda para kay Paraon ang kapangitan ng gawain niya nang humiling siya ng hiniling niya kay Hāmān, pinalihis siya palayo sa daan ng katotohanan patungo sa daan ng pagkaligaw. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon - para pangibabawin ang kabulaanan niyang sinusunod niya at pabulaanan ang katotohanang dinala ni Moises - kundi sa pagkalugi dahil ang kauuwian nito ay ang kabiguan, ang pagpapabigo sa pagpupunyagi niya, at ang kalumbayang hindi mapuputol magpakailanman.
Nagsabi ang lalaking sumampalataya kabilang sa mag-anak ni Paraon, habang nagpapayo sa mga kababayan niya at gumagabay sa kanila tungo sa daan ng katotohanan: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa akin, papatnubay ako sa inyo at gagabay ako sa inyo tungo sa landas ng katumpakan at kapatnubayan tungo sa katotohanan."
O mga kalipi ko, itong pangmundong buhay ay isang pagtatamasa lamang ng mga sarap na mapuputol kaya huwag kayong linlangin ng anumang naritong tinatamasang naaalis. Tunay na ang Kabilang-buhay kalakip ng naroong ginhawang mamamalaging hindi mapuputol ay ang tahanan ng pamamalagi at pananatili kaya gumawa kayo para roon sa pamamagitan ng pagtalima kay Allāh at mangilag kayo sa pagpapaka-abala sa buhay ninyong pangmundo sa halip ng paggawa para sa Kabilang-buhay.
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawain ay hindi parurusahan maliban ng tulad sa ginawa niya at hindi magdaragdag sa kanya ng parusa. Ang sinumang gumawa ng maayos na gawain, na naghahangad roon ng kasiyahan ni Allāh, lalaki man ang gumagawa o babae habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang kapuri-puring iyon ay papasok sa Hardin sa Araw ng Pagbangon. Magtutustos sa kanila si Allāh mula sa inilagak Niya roon na mga bunga at ginhawang mananatiling hindi mapuputol magpakailanman nang walang pagtutuos.
O mga kababayan ko, anong mayroon ako na nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa kaligtasan mula sa pagkalugi sa buhay na pangmundo at pangkabilang-buhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh at gawang maayos samantalang nag-aanyaya kayo sa akin tungo sa pagpasok sa Apoy dahil nag-aanyaya kayo ng kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagsuway sa Kanya?
Nag-aanyaya kayo sa akin sa kabulaanan ninyo sa pag-asang tumanggi akong sumampalataya kay Allāh at sumamba ako kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya nang wala sa aking kaalaman hinggil sa katumpakan ng pagsamba roon kasama kay Allāh, samantalang ako ay nag-aanyaya sa inyo tungo sa pananampalataya kay Allāh, Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, ang Mapagpatawad na sukdulan ang kapatawaran sa mga lingkod Niya.
Katotohanang tunay na ang ipinaaanyaya ninyo sa akin sa pananampalataya rito at pagtalima rito ay walang ukol ditong isang pag-aanyaya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay at hindi ito tumutugon sa sinumang dumalangin dito, na ang panunumbalikan sa amin sa kalahatan ay kay Allāh - tanging sa Kanya, at na ang mga tagamalabis sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay ang mga kasamahan ng Apoy, na mananatili sa pagpasok doon sa Araw ng Pagbangon.
Ngunit tumanggi sila sa payo niya kaya nagsabi siya: "Makaaalaala kayo sa inihain ko sa inyo na payo. Manghihinayang kayo sa hindi pagtanggap nito. Ipinagkakatiwala ko ang mga nauukol sa akin sa kabuuan nito kay Allāh - tanging sa Kanya; tunay na si Allāh ay napagkukublihan ng anuman sa mga gawain ng mga lingkod [Niya]."
Kaya iningatan siya ni Allāh sa kasagwaan ng pakana nila nang nagnais sila ng pagpatay sa kanya. Pumaligid sa mga kampon ni Paraon ang pagdurusa ng pagkalunod sapagkat nilunod siya ni Allāh sampu ng mga kawal niya sa kabuuan nila sa Mundo.
Matapos ng kamatayan nila, isasalang sila sa Apoy sa mga libingan nila sa simula ng maghapon at wakas nito. Sa Araw ng Pagbangon ay sasabihin: "Magpapasok kayo sa mga tagasunod ni Paraon sa pinakamatindi sa pagdurusa at pinakamabigat dito dahil sa taglay nila noon na kawalang-pananampalataya, pagpapasinungaling, at pagbalakid sa landas ni Allāh."
Banggitin mo, O Sugo, kapag mag-aalitan ang mga tagasunod at ang mga sinusunod kabilang sa mga kasamahan sa Apoy kaya magsasabi ang mga tagasunod na mahihina sa mga sinunod na nagpapakamalaki: "Tunay na kami para sa inyo ay naging mga tagasunod sa pagkaligaw sa Mundo. Kaya ba kayo ay mga makasasapat para sa amin sa isang ganti mula sa pagdurusa sa Apoy sa pamamagitan ng pagbabata nito para sa amin?"
Magsasabi ang mga sinunod na nagmalaki: "Tunay na tayo - magkapantay kung tayo man noon ay mga tagasunod o mga sinusunod - ay nasa Apoy at hindi magbabata ang isa sa atin ng isang bahagi ng pagdurusa ng iba. Tunay na si Allāh ay humatol na sa pagitan ng mga mga lingkod [Niya] kaya nagbigay Siya sa bawat isa ng naging karapat-dapat dito na pagdurusa."
Magsasabi pa ang mga pinagdurusa sa Apoy, kabilang sa mga tagsunod at mga sinunod, sa mga anghel na itinalaga sa Apoy noong nalagutan na sila ng pag-asa sa paglabas mula sa Apoy at pagbabalik sa buhay pangmundo upang magbalik-loob: "Dumalangin kayo sa Panginoon ninyo na magpagaan Siya para sa amin ng iisang araw mula sa namamalaging pagdurusang ito."
Magsasabi ang mga tanod ng Impiyerno bilang tugon sa mga tagatangging sumampalataya: "Hindi ba nangyaring naghahatid sa inyo ang mga sugo ninyo ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Oo; sila noon ay naghahatid sa amin ng mga patotoo at mga patunay na maliwanag." Magsasabi ang mga tanod bilang pang-uuyam sa kanila: "Kaya dumalangin kayo mismo, ngunit kami ay hindi namamagitan para sa mga tagatangging sumampalataya." Walang [kahahantungan] ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi sa kawalang-saysay at pagkasayang dahil sa hindi pagtanggap nito mula sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
Tunay na Kami ay talagang nag-aadya sa mga sumampalataya sa Amin at sa mga sugo sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa katwiran nila at ng pag-alalay sa kanila laban sa mga kaaway nila, at mag-aadya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng pagpapasok sa kanila sa Paraiso at sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga kaalitan nila sa Mundo sa pamamagitan ng pagpapasok sa mga iyon sa Apoy matapos na sumaksi ang mga propeta, ang mga anghel, at ang mga mananampalataya sa pagkaganap ng pagpapaabot [ng mensahe] at pagpapasinungaling ng mga kalipunan [sa mga propeta].
[Iyon ay] sa Araw na hindi magpapakinabang sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ang dahi-dahilan nila sa kawalang-katarungan nila. Ukol sa kanila sa Araw na iyon ay ang pagtataboy mula sa awa ni Allāh, at ukol sa kanila ay ang kasagwaan ng tahanan sa Kabilang-buhay dahil sa daranasin nilang pagdurusang masakit.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng kaalamang napapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga anak ni Israel tungo sa katotohanan. Gumawa Kami sa Torah bilang isang kasulatang minamana sa mga anak ni Israel, na minamana ng isang salinlahi matapos ng isang salinlahi
bilang isang kapatnubayan tungo sa daan ng katotohanan at isang pagpapaalaala para sa mga may matinong pag-iisip.
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa dinaranas mong pagpapasinungaling ng mga kababayan mo at pananakit nila; tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pag-alalay ay katotohanang walang mapag-aalinlanganan dito. Humiling ka ng kapatawaran sa pagkakasala mo at magluwalhati ka kalakip ng pagpupuri sa Panginoon mo sa simula ng maghapon at wakas nito.
Tunay na ang mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh sa pagsisikap para sa pagpapabula rito nang walang isang katwiran ni isang patotoo ay walang nag-uudyok sa kanila roon kundi ang pagnanais ng pagmamataas at pagpapakamalaki laban sa katotohanan. Hindi sila aabot sa ninanais nilang pagmamataas laban doon. Kaya magpasanggalang ka, O Sugo, kay Allāh. Tunay na Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga gawa nila: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Talagang ang pagkakalikha sa mga langit at lupa, dahil sa laki ng mga ito at pagkalawak ng mga ito, ay higit na mabigat kaysa sa pagkalikha sa mga tao. Kaya naman ang lumikha sa mga ito sa kabila ng laki ng mga ito ay nakakakaya sa pagpapabangon sa mga patay mula sa mga libingan nila bilang mga buhay upang tumuos sa kanila at gumanti sa kanila, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam kaya hindi sila nagsasaalang-alang dito at hindi gumagawa rito bilang isang patunay sa pagbubuhay na muli sa kabila ng kaliwanagan nito.
Hindi nagkakapantay ang hindi nakakikita at ang nakakikita. Hindi nagkakapantay ang mga sumampalataya kay Allāh, nagpatotoo sa mga sugo Niya, at nagpaganda sa mga gawa nila sa nagpapasagwa sa gawa nila dahil sa paniniwalang tiwali at mga pagsuway. Hindi kayo nagsasaalaala kundi ng kakaunti yayamang kung sakaling nagsaalaala kayo ay talaga sanang nalaman ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pangkat upang magsikap kayo na kayo ay maging kabilang sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos dala ng pagkaibig sa kaluguran ni Allāh.
Tunay na ang Huling Sandali na magbubuhay na muli si Allāh sa mga patay para sa pagtutuos at pagganti ay talagang darating nang walang pasubali, na walang pagdududa hinggil dito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa pagdating nito, at dahil doon ay hindi sila naghahanda para rito.
Nagsabi ang Panginoon ninyo, O mga tao: "Pakaisahin ninyo Ako sa pagsamba at paghiling, sasagot Ako sa inyo sa panalangin ninyo, magpapaumanhin Ako sa inyo, at maaawa Ako sa inyo." Tunay na ang mga nagpapakadakila sa [pag-ayaw sa] pagbubukod-tangi sa Akin sa pagsamba ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Impiyerno na mga nanliliit na mga hamak.
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi upang tumahan kayo roon at makapagpahinga kayo roon, at gumawa ng maghapon bilang nagtatanglaw at nagliliwanag upang magtrabaho kayo roon. Tunay na si Allāh ay talagang may kabutihang-loob sa mga tao nang naglubus-lubos Siya sa kanila ng nakahayag sa mga biyaya Niya at nakakubli sa mga ito, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nagpapasalamat sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - sa ibiniyaya Niya sa kanila mula sa mga ito.
Gayon si Allāh na nagmabuting-loob sa inyo sa pamamagitan ng mga biyaya Niya. Siya ay ang Tagalikha ng bawat bagay sapagkat walang tagalikha na iba pa sa Kanya at walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya. Kaya papaanong bumabaling kayo palayo sa pagsamba sa Kanya patungo sa pagsamba sa iba pa sa Kanya kabilang sa hindi nakapagdudulot ng pakinabang ni pinsala?
Kung paanong bumaling ang mga ito palayo sa pananampalataya kay Allāh at pagsamba sa Kanya - tanging sa Kanya - ay bumabaling naman palayo ang sinumang nagkakaila sa mga tanda ni Allāh, na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya sa bawat panahon at pook, kaya hindi ito napapatnubayan sa katotohanan ni naitutuon sa pagkagabay.
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo, O mga tao, ng lupa bilang isang kontinenteng inilaan para sa pamamalagi ninyo rito, gumawa sa langit bilang isang matibay ang pagkakagawa sa ibabaw ninyo na pinipigilan sa pagbagsak, nagbigay-anyo sa inyo sa mga sinapupunan ng mga ina ninyo at nagpaganda sa mga anyo ninyo, at nagtustos sa inyo ng ipinahihintulot sa mga pagkain at mga itinuturing na kaaya-aya sa mga ito. Gayon ang nagbiyaya sa inyo ng mga biyayang ito, si Allāh, ang Panginoon ninyo. Kaya mapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito sapagkat walang panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya.
Siya ay ang Buhay na hindi namamatay. Walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Kaya dumalangin kayo sa Kanya ng panalangin ng pagsamba at paghiling bilang mga naglalayon ng kaluguran Niya, Siya'y nag-iisa, at huwag kayong magtambal kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya kabilang sa mga nilikha Niya. Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha.
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh na sumamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, kabilang sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala, nang dumating sa akin ang mga patotoo at ang mga patunay na maliwanag sa kabulaanan ng pagsamba sa mga ito, at inutusan ni Allāh na magpaakay sa Kanya - tanging sa Kanya - sa pamamagitan ng pagsamba sapagkat Siya ay ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito: walang Panginoon para sa mga ito na iba pa sa Kanya.
Siya ay ang lumikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos ay gumawa sa paglikha sa inyo matapos niya mula sa isang patak, pagkatapos matapos ng patak ay mula sa isang dugong namuo, pagkatapos matapos niyon ay nagpalabas Siya sa inyo mula sa mga tiyan ng mga ina ninyo bilang mga batang maliliit, pagkatapos ay upang sumapit kayo sa gulang ng kalakasan ng katawan, pagkatapos ay upang lumaki kayo hanggang sa kayo ay maging mga matanda – mayroon sa inyo na namamatay bago pa niyon – at upang umabot kayo sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman ni Allāh, na hindi kayo nakababawas doon at hindi kayo nakadaragdag doon, at nang sa gayon kayo ay makinabang sa mga katwiran at mga patotoong ito sa kakayahan Niya at kaisahan Niya.
Siya - tanging Siya kaluwalhatian sa Kanya - ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-buhay at Siya - tanging Siya - ay ang nasa kamay Niya ang pagbibigay-kamatayan; at kapag nagtadhana Siya ng isang bagay ay nagsasabi lamang Siya sa bagay na iyon na mangyari at mangyayari.
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga nakikipag-alitan hinggil sa mga tanda ni Allāh habang mga nagpapasinungaling sa mga ito sa kabila ng kaliwanagan ng mga ito? Talagang magugulat ka sa kalagayan nila habang sila ay umaayaw sa katotohanan sa kabila ng kaliwanagan nito.
[Sila] ang mga nagpasinungaling sa Qur'ān at sa ipinadala Namin sa mga sugo Namin na katotohanan. Malalaman ng mga tagapasinungaling na ito ang kahihinatnan ng pagpapasinungaling nila at makikita nila ang kasagwaan ng wakas.
Malalaman nila ang kahihinatnan nito kapag ang mga posas ay nasa mga leeg nila at ang mga tanikala ay nasa mga paa nila habang humihila sa kanila ang mga bantay ng pagdurusa.
Hahatak ang mga iyon sa kanila sa tubig na mainit na tumindi ang pagkulo nito. Pagkatapos sa Apoy ay paniningasin sila.
Pagkatapos ay sasabihin sa kanila bilang pagpula sa kanila at panunumbat: "Nasaan na ang mga diyos na hinaka-haka na itinambal ninyo sa pamamagitan ng pagsamba sa mga iyon
bukod kay Allāh kabilang sa mga diyus-diyusan ninyo na hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala? Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Nalingid sila sa amin kaya hindi kami nakakikita sa kanila; bagkus hindi kami dati sumasamba sa Mundo sa anumang nagiging karapat-dapat sa pagsamba." Gaya ng pagpapaligaw sa mga ito nagpapaligaw si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya palayo sa katotohanan sa bawat panahon at lugar.
Sasabihin sa kanila: "Ang pagdurusang iyon na daranasin ninyo ay dahilan sa pagkatuwa ninyo sa taglay ninyong shirk at dahil sa pagpapakalawak ninyo sa pagkatuwa.
Pumasok kayo sa mga pinto ng Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman, at pumangit ang pananatilihan ng mga nagpapakamalaki sa katotohanan!"
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pananakit ng mga kababayan mo at pagpapasinungaling nila; tunay na ang pangako ni Allāh ng pag-aadya sa iyo ay totoong walang mapag-aalinlanganan dito. Kaya alinman: magpapakita nga Kami sa iyo sa buhay mo ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa gaya ng nangyari sa Araw ng Badr o magpapapanaw nga Kami sa iyo bago niyon. Sa Amin - tanging sa Amin - sila panunumbalikin sa Araw ng pagbangon, at gaganti Kami sa kanila sa mga gawa nila para papasukin Namin sila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.
Talaga ngang nagpadala Kami ng mga sugong marami noong wala ka pa, O Sugo, sa mga kalipunan nila ngunit nagpasinungaling ang mga iyon sa kanila at nanakit ang mga iyon sa kanila ngunit nagtiis sila sa pagpapasinungaling sa kanila at pananakit sa kanila. Mayroon sa mga sugong ito na nagsalaysay Kami sa iyo ng ulat tungkol sa kanila at mayroon sa kanilang hindi Kami nagsalaysay sa iyo ng ulat tungkol sa kanila. Hindi natutumpak para sa isang sugo na maghatid ito sa mga kababayan nito ng isang tanda mula sa Panginoon nito malibang ayon sa kalooban Niya - kaluwalhatian sa Kanya. Kaya ang pagmumungkahi ng mga tagatangging sumampalataya sa mga kalipunan nila ng paglalahad [ng isang sugo] ng mga tanda ay isang kawalang-katarungan. Kaya kapag dumating ang utos ni Allāh ng pagpapawagi o pagpapahiwalay sa pagitan ng mga sugo at mga kababayan nila ay magpapahiwalay Siya sa pagitan nila ayon sa katarungan. Kaya pasasawiin ang mga tagatangging sumampalataya, ililigtas ang mga sugo, malulugi sa gayong katayuang magpapahiwalay roon sa mga tao ang mga alagad ng kabulaanan ng mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kasawian dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng mga kamelyo, mga baka, at mga tupa upang sumakay kayo sa ilan sa mga ito at kumain kayo ng karne ng ilan sa mga ito.
Ukol sa inyo sa mga nilikhang ito ay mga pakinabang na sari-sari, na nagpapabagu-bago sa bawat panahon. Natatamo para sa inyo sa pamamagitan ng mga ito ang naiibigan ninyo na mga pangangailangan sa mga sarili ninyo. Ang pinakalitaw sa mga ito ay ang pagpapalipat-lipat sa katihan at karagatan.
Nagpapakita Siya sa inyo - kaluwalhatian sa Kanya - ng mga tanda Niyang nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya. Kaya sa alin sa mga tanda ni Allāh hindi kayo kumikilala matapos na napagtibay sa inyo na ang mga ito ay mga tanda Niya?
Kaya hindi ba humayo ang mga tagapasinungaling na ito sa lupain para magmasid sila kung papaano naging ang wakas ng mga kalipunang nagpapasinungaling kabilang sa nauna sa kanila para magsaalang-alang sila sa pamamagitan ng mga iyon? Dati ang mga kalipunang iyon ay higit na marami kaysa sa kanila sa mga yaman, higit na mabigat sa kanila sa lakas, at higit na matindi sa mga impluwensiya sa lupain ngunit walang naipakinabang sa kanila ang dati nilang nakakamit na lakas noong dumating sa kanila ang nagpapasawing pagdurusang dulot ni Allāh.
Kaya noong nagdala sa kanila ang mga sugo sa kanila ng mga patotoong maliwanag ay nagpasinungaling sila sa mga ito at nalugod sila sa pagkapit sa taglay nilang kaalamang sumasalungat sa inihatid sa kanila ng mga sugo sa kanila. Bumaba sa kanila ang dati nilang tinutuya na pagdurusang dating ipinangangamba sa kanila ng mga sugo sa kanila.
Kaya noong nakita nila ang pagdurusang dulot Namin ay nagsabi sila habang mga umaamin nang walang ipinakikinabang sa kanila ang pag-amin: "Sumampalataya kami kay Allāh – tanging sa Kanya – at tumanggi kaming sumampalataya sa anumang dati naming sinasamba bukod pa sa Kanya, na mga katambal at mga diyus-diyusan."
Ngunit hindi nangyaring ang pananampalataya nila - nang nakita nila ang pagdurusang dulot Namin na bumababa sa kanila - ay magpapakinabang sa kanila. [Ito] ang kalakaran ni Allāh na naganap sa mga lingkod Niya: na hindi magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila kapag nakikita na nila ang pagdurusa. Nalugi ang mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng pagbaba ng pagdurusa sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kasawian dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at kawalan ng pagbabalik-loob bago ng pagkakita ng pagdurusa.