ﮗ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
Alif. Lām. Rā’. Nauna ang pagtalakay sa mga katapat ng mga ito sa Kabanatang Baqarah. Ang Qur'ān ay isang aklat na hinusayan ang mga talata nito sa pagsasaayos at kahulugan kaya hindi ka nakakikita sa mga ito ng kasiraan ni kakulangan. Pagkatapos ay nilinaw ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, ipinag-uutos at sinasaway, pangako at banta, mga salaysay, at ipa pa roon mula sa ganang Marunong sa pangangasiwa Niya at pagbabatas Niya, Tagabatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at sa anumang nagsasaayos sa kanila.
Ang nilalaman nitong mga talatang ibinaba kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay ang pagsaway sa mga lingkod na sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya: "Tunay na ako, O mga tao, ay nananakot para sa inyo sa pagdurusa mula kay Allāh kung tumanggi kayong sumampalataya sa Kanya at sumuway kayo sa Kanya, at tagapagbalita ng nakagagalak sa inyo hinggil sa gantimpala Niya kung sumampalataya kayo sa Kanya at gumawa kayo ayon sa batas Niya."
Humiling kayo, O mga tao, ng kapatawaran sa mga pagkakasala ninyo mula sa Panginoon ninyo. Bumalik kayo sa Kanya kalakip ng pagsisisi sa anumang nagkulang kayo sa panig Niya, pagtatamasain Niya kayo sa buhay ninyo sa Mundo ng isang tinatamasang maganda hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning ninyong itinakda at magbibigay Siya sa bawat may kabutihang-loob sa pagtalima at paggawa ng ganti sa kabutihang-loob nito nang lubusang walang ibinawas. Kung aayaw kayo sa pagsampalataya sa inihatid ko mula sa Panginoon ko, tunay na ako ay nangangamba para sa inyo ng pagdurusa sa isang araw na matindi ang mga hilakbot, ang Araw ng Pagbangon.
Tungo kay Allāh - tanging sa Kanya - ang pagbabalikan ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon. Siya - napakamaluwalhati Niya - sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman kaya hindi Siya napanghihina ng pagbibigay-buhay sa inyo at pagtutuos sa inyo matapos ng kamatayan ninyo at pagbubuhay sa inyo."
Pansinin, tunay na ang mga tagapagtambal na ito ay nagbabaluktot ng mga dibdib nila upang itago ang nasa loob ng mga ito na pagdududa tungkol kay Allāh dala ng isang kamangmangan sa Kanya mula sa kanila. Pansinin, kapag nagtatalukbong sila ng mga ulo nila sa pamamagitan ng mga kasuutan nila ay nalalaman ni Allāh ang itinatago nila at ang inilalantad nila. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang ikinukubli ng mga dibdib.
Walang anumang nilikhang gumagalaw sa balat ng lupa maging anuman ito malibang gumagarantiya si Allāh sa pagtustos dito bilang pagmamagandang-loob mula sa Kanya. Nalalaman Niya - napakamaluwalhati Niya - ang lugar ng tinutuluyan nito sa lupa at nalalaman Niya ang kalalagyan ng kamatayan nito kung saan mamamatay ito. Ang mga hayop pati na ang pagtustos sa mga ito pati na ang mga kinalalagyang tinutuluyan ng mga ito pati na ang mga kinalalagyan ng kamatayan ng mga ito ay nasa isang aklat na maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.
Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito at lumikha sa anumang nasa loob ng mga ito sa anim na araw – at ang Trono Niya, bago ng paglikha sa mga ito, ay nasa ibabaw ng tubig - upang subukin Niya kayo, O mga tao, kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa paggawa ng ikinalulugod Niya at kung alin sa inyo ang pinakamasagwa sa paggawa ng ikinaiinis Niya para gumantimpala Siya sa bawat isa ng karapat-dapat dito. Talagang kung nagsabi ka, O Sugo: "Tunay na kayo, O mga tao, ay mga bubuhayin matapos ng kamatayan ninyo upang tuusin kayo" ay talagang magsasabi nga ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagkaila sa pagbubuhay: "Walang iba ang Qur'ān na ito na binibigkas ninyo kundi isang panggagaway na maliwanag sapagkat ito ay bulaang maliwanag ang kabulaanan."
Talagang kung ipinagpaliban Namin sa mga tagapagtambal ang nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa buhay sa Mundo hanggang sa isang yugto ng mga araw na nabibilang ay talagang magsasabi nga sila habang mga nagmamadali sa kanya na nangungutya: "Aling bagay ang pumipigil ng pagdurusa sa atin?" Pansinin, tunay na ang pagdurusang nagiging karapat-dapat sila ay may yugto sa ganang kay Allāh. Sa araw na darating ito sa kanila ay hindi sila makatatagpo ng isang tagapaglihis na maglilihis nito palayo sa kanila, bagkus magaganap ito sa kanila at papaligid sa kanila ang pagdurusang minamadali nila noon bilang pangungutya at panunuya.
Talagang kung nagbigay Kami sa tao mula sa Amin ng isang biyaya gaya ng biyaya ng kalusugan at yaman, pagkatapos ay tinanggal Namin sa kanya ang biyayang iyon, tunay na siya ay talagang madalas ang kawalang-pag-asa sa awa ni Allāh at mabigat ang pagtangging magpasalamat sa mga biyaya Niya. Nalilimutan niya ang mga ito kapag tinanggal ni Allāh sa kanya.
Talagang kung nagpalasap Kami sa kanya ng isang kaluwagan sa panustos at kalusugan matapos ng isang karalitaan at isang karamdamang dumapo sa kanya ay talagang magsasabi nga siya: "Umalis ang kasagwaan buhat sa akin at naglaho ang pinsala." Hindi siya nagpasalamat kay Allāh doon. Tunay na siya ay talagang labis ang saya, labis ang pagmamataas sa mga tao at ang paghahambog sa ibiniyaya ni Allāh sa kanya.
Maliban sa mga nagtiis sa mga kasamaang-palad at mga pagtalima laban sa mga pagsuway at gumawa ng mga gawang maayos sapagkat mayroon silang iba pang kalagayan yayamang hindi sila dinadapuan ng kawalang-pag-asa ni ng kawalang-pasasalamat sa mga biyaya ni Allāh ni ng pagmamataas sa mga tao. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay magkakaroon ng kapatawaran mula sa Panginoon nila para sa mga pagkakasala nila at magkakaroon ng ganting malaki sa Kabilang-buhay.
Kaya baka ikaw, O Sugo, dahil sa nakaharap mo na kawalang-pananampalataya nila, at pagmumungkahi nila ng mga talata ay mag-iiwan sa pagpapaabot sa ilan sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh ang pagpapaabot niyon kabilang sa nakabibigat sa kanila ang pagsasagawa niyon, at pinaninikipan ng dibdib mo sa pagpapaabot niyon upang hindi sila magsabi: "Bakit ba hindi nagbaba sa kanya ng isang kayamanang magpapayaman sa kanya o may dumating kasama niya na isang anghel na magpapatotoo sa kanya?" Ngunit huwag mong iwan ang ilan sa isiniwalat sa iyo alang-alang doon sapagkat Ikaw ay walang iba kundi isang tagapagbabala: nagpapaabot ka ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh ang pagpapaabot niyon. Hindi tungkulin sa iyo ang pagsasagawa sa iminumungkahi nilang mga talata. Si Allāh sa bawat bagay ay Mapag-ingat.
Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal: "Kinatha-katha ni Muḥammad ang Qur'ān at hindi ito isang pagsisiwalat mula kay Allāh." Sabihin mo, O Sugo, na naghahamon sa kanila: "Kaya magdala kayo ng sampung sūrah tulad ng Qur'ān na ito bilang mga kinatha-katha, na hindi kayo naoobliga sa mga ito ng katapatan tulad ng Qur'ān na ipinagpalagay ninyong kinatha-katha, at tawagin ninyo ang sinumang nakaya ninyong tawagin upang magpatulong kayo sa kanya para roon kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na ang Qur'ān ay kinatha-katha."
Kaya kung hindi sila naglahad ng hiniling ninyo mula sa kanila dahil sa kawalan ng kakayahan nila roon, alamin ninyo, O mga mananampalataya, ayon sa kaalamang tiyak na ang Qur'ān ay ibinaba lamang ni Allāh sa Sugo Niya nang may kaalaman Niya at hindi kinatha-katha, at alamin ninyo na walang sinasamba ayon sa katotohanan kundi si Allāh. Kaya kayo ba ay mga nagpapaakay sa Kanya matapos ng mga kapani-paniwalang katwirang ito?
Ang sinumang nagnanais dahil sa gawa niya ng buhay sa mundo at ng tinatamasa ritong naglalaho at hindi nagnanais dahil doon ng Kabilang-buhay, magbibigay Kami sa kanila ng gantimpala sa mga gawa nila sa Mundo na kalusugan, katiwasayan, at kaluwagan sa panustos habang hindi sila binabawasan sa anuman sa gantimpala sa gawa nila.
Ang mga nailarawang iyon sa layuning kasisi-sising ito ay walang ukol sa kanilang gantimpala sa Araw ng Pagbangon kundi ang Apoy upang pasukin nila. Nawala sa kanila ang gantimpala ng mga gawa nila. Ang mga gawa nila ay walang-saysay dahil ang mga ito ay hindi naunahan ng isang pananampalataya ni ng isang layuning tumpak sapagkat hindi sila nagnais dahil sa mga ito ng ikalulugod ni Allāh at ng tahanan sa Kabilang-buhay.
Hindi nagkakapantay [iyon at] si Propeta Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na may kasamang isang patotoo mula sa Panginoon niya - na pagkataas-taas. Sumusunod sa kanya ang isang tagasaksi mula sa Panginoon niya, si Anghel Gabriel, at sumasaksi sa kanya noon pa man sa pagkapropeta niya ang Torah na ibinaba kay Moises - sumakanya ang pangangalaga - bilang huwaran ng mga tao at awa sa kanila. Siya at ang sinumang sumampalataya kasama niya ay hindi nakapapantay ng mga tagatangging sumampalatayang iyan na mga nag-aapuhap sa kaligawan. Ang mga iyon ay sumasampalataya sa Qur'ān at kay Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na ibinaba ito sa Kanya. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa kanya kabilang sa mga tagasunod ng mga kapaniwalaan, ang Apoy ay ipinangakong hahantungan nito sa Araw ng Pagbangon. Kaya huwag kang maging, O Sugo, nasa isang pag-aalinlangan sa Qur'ān at sa ipinangakong hahantungan nila sapagkat ito ay ang totoo na walang pagdududa hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa kabila ng pagkakatagni-tagni ng mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag.
Walang isang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa sinumang kumatha-katha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal o anak sa kanya? Ang mga nagkatha-katha ng kasinungalingan laban kay Allāh na iyon ay ilalahad sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon upang tanungin sila tungkol sa mga gawain nila at magsasabi ang mga saksi laban sa kanila kabilang sa mga anghel na isinugo: "Ang mga ito ay ang mga nagsinungaling laban kay Allāh sa pamamagitan ng iniugnay nila sa Kanya na katambal at anak." Pansinin, itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagsisinungaling laban kay Allāh.
Ang mga pumipigil sa mga tao sa tuwid na landas ni Allāh at humihiling para sa landas Niya ng kabaluktutan palayo sa pagkamatuwid upang hindi ito tahakin ng isa man habang sila ay tumatangging sumampalataya sa pagkabuhay matapos ng kamatayan at nagkakaila rito.
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay hindi mga nakakakayang makatakas sa lupa mula sa pagdurusa mula kay Allāh kapag bumaba ito sa kanila at hindi sila nagkaroon ng mga kakampi at mga tagatulong bukod pa kay Allāh na pumipigil sa parusa ni Allāh sa kanila. Daragdagan sa kanila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon dahilan sa paglihis nila ng mga sarili nila at paglihis nila ng iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh. Hindi sila noon sa Mundo nakakakaya ng pagdinig sa totoo at patnubay at ng pakikinig ng pagtanggap, at hindi sila noon nakakikita sa mga tanda ni Allāh sa Sansinukob ayon sa pagkakitang nagdudulot ng mahihita sa kanila dahil sa matinding pag-ayaw nila sa totoo.
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan sa pamamagitan ng paggawa ng mga katambal kasama kay Allāh. Umalis sa kanila ang dati nilang kinatha-kathang mga katambal at mga tagapamagitan.
Totoong tunay na sila sa Araw ng Pagbangon ay ang mga pinakalugi sa pakikipagpalitan yayamang pinili nila ang kawalang-pananampalataya kapalit ng pananampalataya, ang Mundo kapalit ng Kabilang-buhay, at ang pagdurusa kapalit ng awa.
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, gumawa ng mga gawang maayos, at nagpasailalim at nagpakumbaba sa Panginoon nila, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Paraiso; sila ay doon mga mananatili magpakailanman.
Ang paghahalintulad sa dalawang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya at mga mananampalataya ay ang paghahalintulad ng bulag na hindi nakakikita at bingi na hindi nakaririnig. Ito ay ang paghahalintulad sa pangkat ng mga tagatangging sumampalataya na hindi nakaririnig sa totoo ayon sa pagdinig ng pagtanggap at hindi nakakikita nito ayon sa pagkakitang magpapakinabang sa kanila. Ang paghahalintulad naman sa nakakikita na nakaririnig ay ang paghahalintulad nito sa pangkat ng mga mananampalataya na pinagsama ang pagkadinig at ang pagkakita. Nagkakapantay ba ang dalawang pangkat sa kalagayan at katangian? Hindi ba kayo magsasaalang-alang sa kawalan ng pagkakapantay ng dalawa?
Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe - sumakanya ang pangangalaga - bilang isang sugo sa kalipi niya kaya nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay isang tagapagbabala para sa inyo laban sa pagdurusa mula kay Allāh, na malinaw para sa inyo ang ipinasugo sa akin sa inyo.
Nag-aanyaya ako tungo sa pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya - kaya huwag kayong sumamba maliban sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na nakasasakit."
Kaya nagsabi ang mga maharlika at ang mga pinuno na mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga tao niya: "Hindi kami tutugon sa paanyaya mo dahil walang pagkatangi sa iyo higit sa amin. Ikaw ay tao tulad namin. Wala kaming nakikita sa iyo na sumunod sa iyo kundi mga napakababa sa amin kaugnay sa lumitaw sa amin sa pagtingin namin at dahil wala kayong kahigitan sa kamaharlikaan, yaman, at impluwensiya upang maging karapat-dapat sa inyo na sundin namin kayo, bagkus ipinagpapalagay namin na kayo ay mga nagsisinungaling sa inaanyaya ninyo."
Nagsabi sa kanila si Noe: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang patotoo mula sa Panginoon ko, na sumasaksi sa katapatan ko, nag-oobliga sa inyo ng pagpapatotoo sa akin, at nagbigay Siya sa akin ng awa mula sa ganang Kanya: ang pagkapropeta at ang pasugo, ngunit naikubli ito sa inyo dahil sa kamangmangan ninyo rito, mamumuwersa ba Kami sa inyo sa pananampalataya rito at ipapasok sa mga puso ninyo nang sapilitan? Hindi namin nakakakaya iyon sapagkat ang nagtutuon sa pananampalataya ay si Allāh.
O mga kalipi ko, hindi ako humihingi sa inyo dahil dito ng yaman; walang iba ang pabuya ko kundi nasa kay Allāh. Ako ay hindi magtataboy sa mga sumampalataya. Tunay na sila ay makikipagtagpo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon, at gagantihan Niya sila sa pananampalataya nila. Subalit ako ay nakakikita sa inyo na hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan ng pag-aakay na ito noong hinihingi pa ninyo na itaboy ang mga mahihinang mananampalataya.
O mga kalipi ko, sino ang magtutulak palayo sa akin ng pagdurusa mula kay Allāh kung itinaboy ko ang mga mananampalatayang ito dala ng paglabag sa katarungan, nang walang pagkakasala? Hindi ba kayo nag-aalaala at nagpupunyagi ng anumang higit na maayos para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang?
Hindi ako nagsasabi sa inyo, O mga kalipi ko, na taglay ko ang mga imbakan ni Allāh na nasa loob ng mga ito ang panustos Niya, na gugugulin ko ang mga ito sa inyo kung sumampalataya kayo. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay nakaaalam sa Lingid. Hindi ako nagsasabi sa inyo na tunay na ako ay kabilang sa mga anghel; bagkus ako ay isang tao tulad ninyo. Hindi ako nagsasabi tungkol sa mga maralitang nilalait ng mga mata ninyo at minamaliit ninyo na hindi magbibigay sa kanila si Allāh ng isang pagtutuon at patnubay. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga layunin nila at mga kalagayan nila. Tunay na ako, kung nag-angkin niyon, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga nagiging karapat-dapat sa pagdurusa mula kay Allāh."
Nagsabi sila bilang pangyayamot at pagmamalaki: "O Noe, nakipag-alitan ka na sa amin, nakipagdebate ka sa amin, at dinalasan mo ang pakikipag-alitan sa amin at pakikipagdebate sa amin kaya magdala ka sa amin ng ipinangangako mo sa amin na pagdurusa kung ikaw ay kabilang sa mga tapat kaugnay ng inaangkin mo."
Nagsabi sa kanila si Noe: "Ako ay hindi magdadala sa inyo ng pagdurusa. Magdadala lamang sa inyo nito si Allāh kung niloob Niya, at kayo ay hindi mga makakakaya sa pagtakas sa pagdurusa mula kay Allāh kung nagnais Siya sa inyo ng isang pagdurusa.
Hindi magpapakinabang sa inyo ang payo ko at ang pagpapaalaala ko sa inyo kung nangyaring si Allāh ay nagnanais na magpaligaw sa inyo palayo sa landasing matuwid at magpabigo sa inyo sa pagkapatnubay dahilan sa pagmamatigas ninyo. Siya ay ang Panginoon ninyo sapagkat Siya ang nagmamay-ari sa nauukol sa inyo kaya nagpapaligaw Siya sa inyo kung niloob Niya. Tungo sa Kanya - tanging sa Kanya - magbabalik kayo sa Araw ng Pagbangon para gantihan kayo sa mga gawa ninyo.
Ang kadahilanan ng kawalang-pananampalataya ng mga tao ni Noe ay na sila ay nagpapalagay na siya ay kumatha-katha laban kay Allāh nitong relihiyon na inihatid niya. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung kumatha-katha ako nito ay sa akin - tanging sa akin - ang parusa sa kasalanan ko at hindi ako magpapasan ng anuman sa kasalanan ng pagpapasinungaling ninyo sapagkat ako ay walang-kinalaman doon."
Nagsiwalat si Allāh kay Noe: "Walang sasampalataya kabilang sa mga tao mo, O Noe, kundi ang sinumang sumampalataya na noon pa, kaya huwag kang malungkot, O Noe, dahilan sa anumang dati nilang ginagawang pagpapasinungaling at pangungutya sa loob ng mahabang yugtong iyon.
Yumari ka ng arko sa pamamagitan ng pagtingin mula sa Amin na naiingatan mula sa Amin at sa pamamagitan ng pagsisiwalat Namin sa pagtuturo sa iyo kung papaano kang yayari nito. Huwag kang makipag-usap sa Akin, na humihiling ng pagpapalugit sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya; tunay na sila ay mga malulunod - walang pasubali - sa gunaw bilang isang parusa sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.
Sumunod si Noe sa utos ng Panginoon niya. Nagsimula siyang yumari ng arko. Sa tuwing napadaan sa kanya ang mga malaking tao sa mga tao niya at mga pinapanginoon nila ay nangungutya sila sa kanya dahil sa isinasagawa niyang pagyari ng arko samantalang sa lupain niya ay walang tubig ni mga ilog. Noong naulit-ulit ang pangungutya nila sa kanya ay nagsabi siya: "Kung nangungutya kayo, O pamunuan, sa amin ngayong araw kapag yumayari kami ng arko, tunay na kami ay mangungutya sa inyo dahil sa kamangmangan ninyo sa kahahantungan ng lagay ninyo na pagkalunod.
Malalaman ninyo kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusa sa mundo na mang-aaba at manghahamak sa kanya at bababa sa kanya sa Araw ng Pagbangon ang isang pagdurusang mananatiling hindi napuputol.
Natapos ni Noe ang pagyari sa arkong ipinag-utos sa kanya ni Allāh ang pagyari nito, hanggang sa - nang dumating ang pasya Namin sa pagpapahamak sa kanila at sumambulat ang tubig mula sa pugon na dati silang naghuhurno roon, bilang pagbibigay-alam sa simula ng gunaw - nagsabi Kami kay Noe - sumakanya ang pangangalaga: "Maglulan ka sa arko ng bawat uri ng hayop sa ibabaw ng lupa na dalawang magkapares: lalaki at babae. Maglulan ka ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang kahatulan na siya ay malulunod dahil sa kanyang pagiging hindi sumampalataya. Maglulan ka ng sinumang sumampalataya kabilang sa mga tao mo. Walang sumampalataya kasama niya kundi kakaunting bilang sa hinaba-haba ng yugtong nanatili siya roon sa pag-aanyaya niya sa kanila sa pananampalataya kay Allāh."
Nagsabi si Noe sa sinumang sumampalataya kabilang sa mag-anak niya at mga tao niya: "Sumakay kayo sa arko. Sa ngalan ni Allāh ay mangyayari ang paglalayag nito at sa ngalan niya ay mangyayari ang pagdaong nito. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya sa mga mananampalataya na iniligtas Niya sila mula sa kapahamakan."
Ang arko ay naglalayag lulan ang sinumang nasa loob nito na mga tao at mga iba pa sa kanila sa mga dambuhalang alon na tulad ng mga bundok. Dahil sa damdamin ng pagkaama, nanawagan si Noe - sumakanya ang pangangalaga - sa anak niyang tumatangging sumampalataya habang ito ay nakabukod malayo sa ama nito at mga tao nito sa isang lugar: "O anak ko, sumakay ka kasama namin sa arko upang maligtas ka sa pagkalunod. Huwag kang maging kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at dadapo sa iyo ang dumapo sa kanila na kapahamakan at pagkalunod."
Nagsabi ang anak ni Noe kay Noe: "Dudulog ako sa isang bundok na mataas upang magsanggalang ito sa akin laban sa pag-abot ng tubig sa akin." Nagsabi si Noe sa anak niya: "Walang tagapagsanggalang sa araw na ito laban sa parusa ni Allāh sa pamamagitan ng pagkalunod sa gunaw kundi si Allāh na maaawa sa pamamagitan ng awa Niya sa sinumang niloloob Niya - napakamaluwalhati Niya - sapagkat tunay na Siya ay magsasanggalang laban sa pagkalunod." Nagpahiwalay ang mga alon sa pagitan ni Noe at ng anak niyang tumatangging sumampalataya kaya ito ay naging kabilang sa mga nalunod sa gunaw dahil sa kawalang-pananampalataya nito.
Nagsabi si Allāh sa lupa matapos ng pagwawakas ng gunaw: "O lupa, inumin mo ang nasa ibabaw mo na tubig ng gunaw." Nagsabi Siya sa langit: "O langit, pigilin mo at huwag mong ipadala ang ulan." Nabawasan ang tubig hanggang sa natuyo ang lupa. Ipinahamak ni Allāh ang mga tagatangging sumampalataya. Huminto ang arko sa ibabaw ng bundok ng Jūdīy. Sinabi: "Kalayuan sa awa at kapahamakan ay ukol sa mga taong lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa kawalang-pananampalataya."
Nanawagan si Noe - sumakanya ang pangangalaga - sa Panginoon niya habang nagpapasaklolo sa Kanya at nagsabi: "O Panginoon ko, tunay na ang anak ko ay kabilang sa mag-anak ko na nangako Ka sa akin ng pagliligtas nila. Tunay na ang pangako Mo ay ang tapat na walang pagkakaiba rito. Ikaw ay ang pinakamakatarungan sa mga tagahatol at pinakamaalam sa kanila."
Nagsabi si Allāh kay Noe: "O Noe, tunay na ang anak mo na hiniling mo sa akin ang pagliligtas sa kanya ay hindi kabilang sa mag-anak mo na nangako Ako sa iyo ng pagliligtas nila dahil siya ay isang tagatangging sumampalataya. Tunay na ang paghiling mo, O Noe, ay isang gawaing hindi naaangkop sa iyo at hindi nababagay para sa sinumang nasa katayuan mo. Kaya huwag kang humiling sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon. Tunay na Ako ay nagbibigay-babala sa iyo na baka ikaw ay maging kabilang sa mga mangmang para humiling ka sa Akin ng sumasalungat sa kaalaman Ko at karunungan Ko."
Nagsabi si Noe - sumakanya ang pangangalaga: "Panginoon ko, tunay na ako ay dumudulog sa Iyo at nagpapatanggol sa Iyo laban sa paghiling ko sa Iyo ng walang kaalaman para sa akin hinggil doon. Kung hindi Ka magpapatawad sa akin sa pagkakasala ko at maaawa sa akin sa pamamagitan ng awa Mo, ako ay magiging kabilang sa mga lugi na nagpalugi sa mga bahagi nila sa Kabilang-buhay."
Nagsabi si Allāh kay Noe - sumakanya ang pangangalaga: "O Noe, bumaba ka mula sa arko sa lupa nang may kaligtasan, katiwasayan, at mga biyayang marami mula kay Allāh sa iyo at sa mga supling ng mga kasama mo sa arko kabilang sa mga mananampalataya, na darating matapos mo. Mayroong mga ibang kalipunang kabilang sa mga supling nila na mga tagatangging sumampalataya na pagtatamasain Namin sa buhay na ito sa mundo. Magbibigay Kami sa kanila ng ikabubuhay nila, pagkatapos ay magtatamo sila mula sa Amin sa Kabilang-buhay ng isang pagdurusang nagpapasakit."
Itong kasaysayan ni Noe ay kabilang sa mga ulat ng Lingid. Hindi ka dati, O Sugo, nakaaalam nito. Ang mga tao mo dati ay hindi nakaaalam ng mga ito bago ng pagsisiwalat na ito na isiniwalat ni Allāh sa iyo. Kaya magtiis ka sa pananakit ng mga tao mo at pagpapasinungaling nila kung paanong nagtiis si Noe - sumakanya ang pangangalaga. Tunay na ang pagwawagi at ang pananaig ay ukol sa mga sumusunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya.
Nagsugo Kami sa [liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd - sumakanya ang pangangalaga. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya at huwag kayong magtambal kasama Niya ng isa man; walang ukol sa inyong sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya - napakamaluwalhati Niya. Walang iba kayo sa pag-aangkin ninyong mayroon Siyang katambal kundi mga nagsisinungaling."
O mga kalipi ko, hindi ako humihiling sa inyo ng gantimpala dahil nagpapaabot ako sa inyo mula sa Panginoon ko at nag-aanyaya ako sa inyo tungo sa Kanya. Walang iba ang gantimpala ko kundi nasa kay Allāh na lumikha sa akin. Kaya hindi ba kayo nakauunawa niyon at tutugon sa ipinaaanyaya ko?
O mga kalipi ko, humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo - at ang pinakamalaki sa mga ito ay ang shirk - maggagantimpala Siya sa inyo roon sa pamamagitan ng pagpapababa ng maraming ulan at magdaragdag Siya sa inyo ng kapangyarihan sa [dating] kapangyarihan ninyo sa pamamagitan ng pagpaparami sa mga supling at mga yaman. Huwag kayong umayaw sa ipinaaanyaya ko sa inyo para kayo maging mga salarin dahil sa pag-ayaw ninyo sa paanyaya ko, sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh, at pagpapasinungaling ninyo sa inihatid ko.
Nagsabi ang mga kalipi niya: "O Hūd, hindi ka nagdala sa amin ng isang katwirang hayag na magsasanhi sa amin na maniwala sa iyo. Hindi kami mga mag-iiwan sa pagsamba sa mga diyos namin alang-alang sa sabi mong salat sa katwiran at hindi kami mga maniniwala sa iyo sa inaangkin mo na ikaw ay isang sugo."
54-55. Wala kaming sinasabi malibang pinadapuan ka ng ilan sa mga diyos namin ng isang kabaliwan dahil dati kang sumasaway sa amin sa pagsamba sa kanila. Nagsabi si Hūd: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh at sumaksi kayo mismo na ako ay walang-kinalaman sa pagsamba sa mga diyos ninyong sinasamba ninyo sa halip kay Allāh. Kaya manlansi kayo laban sa akin, kayo at ang mga diyos ninyong inaakala ninyong ang mga ito ay nagpadapo sa akin ng kabaliwan, pagkatapos ay huwag kayong magpalugit sa akin.
54-55. Wala kaming sinasabi malibang pinadapuan ka ng ilan sa mga diyos namin ng isang kabaliwan dahil dati kang sumasaway sa amin sa pagsamba sa kanila. Nagsabi si Hūd: "Tunay na ako ay nagpapasaksi kay Allāh at sumaksi kayo mismo na ako ay walang-kinalaman sa pagsamba sa mga diyos ninyong sinasamba sa halip kay Allāh. Kaya manlansi kayo laban sa akin, kayo at ang mga diyos ninyong inaakala ninyong ang mga ito ay nagpadapo sa akin ng kabaliwan, pagkatapos ay huwag kayong magpalugit sa akin.
Tunay na ako ay nanalig kay Allāh - tanging sa Kanya - at sumalig sa Kanya sa nauukol sa akin sapagkat Siya ay ang Panginoon ko at ang Panginoon ninyo. Walang anumang nilikhang umuusad sa balat ng lupa malibang ito ay sumasailalim kay Allāh sa ilalim ng paghahari Niya at kapamahalaan Niya habang ibinabaling Niya ito kung papaano Niyang niloloob. Tunay na ang Panginoon ko ay nasa totoo at katarungan kaya hindi kayo maghahari sa akin dahil ako ay nasa totoo samantalang kayo ay nasa kabulaanan.
Ngunit kung aayaw kayo at tatalikod kayo sa inihatid ko ay walang tungkulin sa akin kundi ang pagpapaabot sa inyo at naipaabot ko na sa inyo ang lahat ng ipinasugo sa akin ni Allāh at ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot ko. Nailahad na sa inyo ang katwiran. Ipahahamak kayo ng Panginoon ko. Magdadala Siya ng mga taong iba pa sa inyo na hahalili sa inyo. Hindi kayo makapipinsala kay Allāh ng pinsalang malaki ni maliit dahil sa pagpapasinungaling ninyo at pag-aayaw ninyo. Dahil Siya ay walang pangangailangan sa Kanyang mga lingkod. Katotohanang ang aking panginoon sa lahat ng bagay ay nakamamasid. Pag-iingatan Niya ako laban sa kasagwaang ipinapakana ninyo laban sa akin."
Noong dumating ang pasya Namin ng pagpapahamak sa kanila, pinaligtas Namin si Hūd at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng awa mula sa Amin na dumapo sa kanila. Pinaligtas Namin sila mula sa isang pagdurusang matindi na ipinarusa Namin sa mga kalipi niyang mga tumatangging sumampalataya.
Iyon ay [liping] `Ād na tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, ang Panginoon nila, sumuway sa sugo nilang si Hūd, at tumalima sa utos ng bawat nagmamalaki sa katotohanan, na tagapagmalabis na hindi tumatanggap nito ni nagpapasakop dito.
Nasundan sila sa buhay na ito sa Mundo ng kadustaan at pagtaboy mula sa awa ni Allāh, at gayon din sa Araw ng Pagbangon. Sila ay mga inilayo sa awa ni Allāh. Iyon ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh - pagkataas-taas Niya. Pansinin, nagpalayo sa kanila si Allāh sa bawat kabutihan at inilapit Niya sila sa bawat kasamaan.
Nagsugo si Allāh sa liping Thamūd ng kapatid nilang si Ṣāliḥ. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya; wala na kayong anumang sinasambang karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Siya ay lumikha sa inyo mula sa alabok ng lupa sa pamamagitan ng paglikha sa ama ninyong si Adan mula rito at gumawa sa inyo bilang mga tumatahan dito, kaya humiling kayo ng kapatawaran mula sa Kanya, pagkatapos ay bumalik kayo sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan sa mga pagsuway. Tunay na ang Panginoon ko ay Malapit sa sinumang nag-ukol ng kawagasan sa Kanya sa pagsamba, Tagatugon sa sinumang dumalangin sa Kanya."
Nagsabi sa kanya ang mga kalipi niya: "O Ṣāliḥ, ikaw nga dati sa atin ay nagtataglay ng kalagayang mataas bago ng pag-aanyaya mong ito sapagkat kami nga dati ay umaasang ikaw ay maging nakauunawa na may pagpapayo at pagsangguni. Sumasaway ka ba sa amin, O Ṣāliḥ, sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin? Tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya mo sa amin na pagsamba kay Allāh - tanging sa Kanya - at nagsasanhi sa aming magparatang sa iyo ng pagsisinungaling laban kay Allāh."
Nagsabi si Ṣāliḥ bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin. Kung nangyaring ako ay nasa isang katwirang malinaw mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa, ang pagkapropeta, sino ang magsasanggalang sa akin laban sa parusa Niya kung ako ay sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagpapaabot sa ipinag-utos Niya sa akin ang pagpapaabot niyon sa inyo? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa pagpapaligaw at pagkalayo sa pagkalugod Niya."
O mga kalipi ko, ito ay dumalagang kamelyo ni Allāh; para sa inyo ay isang palatandaan sa katapatan ko. Kaya iwanan ninyo ito na nanginginain sa lupain ni Allāh at huwag kayong manghimasok rito sa pamamagitan ng anumang pananakit sapagkat magtatamo kayo ng isang pagdurusang malapit sa oras ng pagkatay ninyo rito.
Ngunit kinatay nila ito bilang pagpapakasidhi sa pagpapasinungaling kaya nagsabi si Ṣāliḥ: "Magtamasa kayo sa buhay sa lupain ninyo sa loob ng tatlong araw mula sa pagkatay ninyo rito. Pagkatapos ay darating sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh. Ang pagdating ng kaparusahan mula sa Kanya matapos niyon ay isang pangakong magaganap nang walang pasubaling hindi mapasisinungalingan, bagkus iyan ay pangako ng katapatan."
Kaya noong dumating ang pasya Namin ng pagpapahamak sa kanila, pinaligtas Namin si Ṣāliḥ at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng awa mula sa Amin at pinaligtas Namin sila mula sa pagkahamak sa araw na iyon at sa kaabahan niyon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Malakas, ang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man. Dahil doon, ipinahamak Niya ang mga kalipunang nagpapasinungaling.
Dinaklot ng isang matinding nakapupuksang tunog ang liping Thamūd kaya namatay sila dahil sa tindi nito. Sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok.
Para bang hindi sila namalagi sa bayan nila sa biyaya at kaalwanan ng pamumuhay. Pansinin, tunay na ang [liping] Thamūd ay tumangging sumampalataya kay Allāh, ang Panginoon nila. Hindi sila matitigil sa pagiging mga inilayo mula sa awa ni Allāh.
Talaga ngang dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaking tao kay Abraham - sumakanya ang pangangalaga - bilang mga nagbabalita ng nakagagalak sa kanya at sa maybahay niya hinggil kay Isaac, pagkatapos ay kay Jacob. Kaya nagsabi ang mga anghel: "Kapayapaan!" Kaya gumanti sa kanila si Abraham sa pagsabi niya: "Kapayapaan." Umalis siya na nagmamadali at dinalhan sila ng isang guyang inihaw upang kumain mula rito dala ng isang pag-aakala mula sa kanya na sila ay mga lalaking tao.
Ngunit noong nakita ni Abraham na ang mga kamay nila ay hindi umaabot doon sa [inihaw na] guya at na sila ay hindi kumakain mula roon, ipinagtaka niya iyon sa kanila at nagkubli siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila. Noong nakita ng mga anghel ang pangamba niya sa kanila ay nagsabi sila: "Huwag kang mangamba sa amin. Kami ay ipinadala ni Allāh sa mga tao ni Lot upang pagdusahin sila."
Ang maybahay ni Abraham na si Sarah ay nakatayo. Nagpabatid Kami ng ikatutuwa nito, at na ito ay manganganak kay Isaac. Magkakaroon naman si Isaac ng Anak, si Jacob. Kaya natawa ito at nagalak sa narinig nito.
Nagsabi si Sarah noong nagbalita sa kanya ang mga anghel ng nakagagalak na balitang iyon habang nagtataka: "Papaano akong manganganak samantalang ako ay isang matandang walang pag-asang manganak at itong asawa ko ay umabot na sa edad ng katandaan? Tunay na ang pagsisilang ng anak sa kalagayang ito ay isang bagay na nakapagtataka na hindi umaayon sa kaugalian."
Nagsabi ang mga anghel kay Sarah noong nagtaka siya sa nagagalak na balita: "Nagtataka ka ba sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya? Sa tulad mo ay hindi naikukubli na si Allāh ay nakakakaya ng tulad nito. Ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya ay sumainyo, O mga tao ng bahay ni Abraham. Tunay na Siya ay Kapuri-puri sa mga katangian Niya at mga gawain Niya, May karingalan at kaangatan."
Kaya noong umalis kay Abraham - sumakanya ang pangangalaga - ang pangambang dumapo sa kanya mula sa mga panauhin niya na hindi kumain ng pagkain niya, matapos ng pagkaalam niya na sila ay mga anghel, at dumating sa kanya ang balitang nakatutuwa na ipanganganak sa kanya si Isaac, pagkatapos ay si Jacob, nagsimula siyang nakipagtalo sa mga sugo Namin kaugnay sa lagay ng mga kababayan ni Lot nang sa gayon sila ay magpaliban sa mga iyon ng parusa at nang sa gayon sila ay magligtas kina Lot at mag-anak nito.
Tunay na si Abraham ay matimpiin: naiibigan niya ang pagpapaliban ng kaparusahan, madalas ang pagsusumamo sa Panginoon niya, madalas ang panalangin, nagbabalik-loob sa Panginoon.
Nagsabi ang mga anghel: "O Abraham, umayaw ka sa pakikipagtalong ito tungkol sa mga kababayan ni Lot! Tunay na dumating na ang pasya ng Panginoon mo ng pagpapataw ng pagdurusang itinakda Niya sa kanila. Tunay na ang mga kababayan ni Lot ay pupuntahan ng isang pagdurusang mabigat na hindi mapipigil ng isang pagtatalo ni ng isang panalangin."
Noong dumating ang mga anghel kay Lot na nasa anyong mga lalaking tao, ikinasama ng loob niya ang pagdating nila at sumikip ang dibdib niya dahilan sa pangamba sa kanila para sa mga kababayan niyang pumapatol sa mga lalaki sa pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot: "Ito ay isang araw na matindi," dahil sa pag-aakala niyang ang mga kababayan niya ay mananaig sa kanya sa mga panauhin niya.
Pumunta kay Lot ang mga kababayan niya, na nagmamadaling naglalayon ng paggawa ng kahalayan sa mga panauhin niya at bago pa niyon dati nang kaugalian nila ang pagpatol sa mga lalaki dala ng pagnanasa sa halip na sa mga babae. Nagsabi si Lot habang nagtatanggol sa mga kababayan niya at humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin nila: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo. Pakasalan ninyo sila sapagkat sila ay higit na dalisay para sa inyo kaysa sa paggawa ng kahalayan. Mangamba kayo kay Allāh at huwag kayong magdulot sa akin ng kapintasan sa mga panauhin ko. Wala bang kabilang sa inyo, O mga kababayan ko, na isang lalaking may tamang pag-iisip na sasaway sa inyo sa pangit na gawaing ito?"
Nagsabi sa kanya ang mga kababayan niya: "Talaga ngang nalaman mo, O Lot, na wala kaming pangangailangan sa mga babaing anak mo ni sa kababaihan ng mga kalipi mo, ni pagnanasa. Tunay na ikaw ay talagang nakaaalam sa ninanais namin sapagkat wala kaming ninanais kundi mga lalaki."
Nagsabi si Lot: "O kung sana mayroon akong lakas na maipantutulak ko sa inyo o isang angkang magsasanggalang sa akin para humarang ako sa pagitan ninyo at ng mga panauhin ko."
Nagsabi ang mga anghel kay Lot - sumakanya ang pangangalaga: "O Lot, tunay na kami ay mga sugo; ipinadala Kami ni Allāh. Hindi sila aabot sa iyo na may kasamaan. Kaya lumisan ka kasama ng mag-anak mo mula sa pamayanang ito sa gabi sa isang madilim na oras. Huwag titingin ang isa sa inyo sa likuran niya, maliban ang maybahay mo na lilingon habang sumasalungat dahil matatamo nito ang matatamo ng mga kababayan mo na pagdurusa. Tunay na ang tipanan ng pagpapahamak sa kanila ay ang umaga. Ito ay tipanang malapit na."
Kaya nang dumating ang pasya Namin ng pagpahamak sa mga kababayan ni Lot, ginawa Namin ang mataas sa pamayanan nila bilang mababa niyon sa pamamagitan ng pag-angat niyon at pagtaob niyon kasama sila. Nagpaulan Kami roon ng mga batong yari sa luwad na tumigas, na nakahanay na ang iba ay nasa ibabaw ng iba pa nang magkakasunod.
Ang mga batong ito ay nilagyan sa ganang Panginoon mo ng palatandaang natatangi. Ang mga batong ito mula sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa liping Quraysh at iba pa sa kanila ay hindi malayo, bagkus ang mga ito ay malapit. Kapag nagtakda si Allāh ng pagpapababa ng mga ito sa kanila ay bababa ang mga ito.
Nagsugo si Allāh sa Madyan ng kapatid nila na si Shu`ayb. Nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh - tanging sa Kanya; wala na kayong sinasambang karapat-dapat sa pagsamba na iba pa sa Kanya. Huwag ninyong bawasan ang takal at ang timbang kapag tumakal kayo sa mga tao o tumimbang kayo sa kanila. Tunay na ako ay nakakikita sa inyo na nasa isang kaluwagan sa panustos at biyaya kaya huwag ninyong ibahin sa inyo ang biyaya ni Allāh sa pamamagitan ng mga pagsuway. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sumasaklaw na aabot sa bawat isa sa inyo, na hindi kayo makatatagpo mula roon ng matatakasan ni madudulugan.
O mga kalipi ko, kumpletuhin ninyo ang takalan at ang timbangan ayon sa katarungan kung tatakal kayo o magtitimbang kayo sa iba sa inyo, huwag ninyong bawasan ang mga tao sa mga karapatan nila ng anuman sa pamamagitan ng pang-uumit, pandaraya, at panlilinlang. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng pagpatay at iba pa rito na mga pagsuway.
Ang tira ni Allāh na itinira Niya para sa inyo mula sa ipinahihintulot matapos gampanan ang mga karapatan ng mga tao ayon sa katarungan ay higit sa pakinabang at pagpapala kaysa sa karagdagang natatamo sa pamamagitan ng pang-uumit at panggugulo sa lupa kung kayo ay totohanang mga mananampalataya. Kaya malugod kayo sa tirang iyon. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-antabay na bumibilang sa mga gawa ninyo at nagtutuos sa inyo sa mga ito. Ang mapag-antabay lamang doon ay ang nakaaalam sa lihim at hayagan.
Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, ang dasal mo ba na idinadasal kay Allāh ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin na mga anito, at nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa paggawa sa mga yaman namin ng ayon sa niloloob namin at magpalago sa mga ito ng ayon sa niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino sapagkat ikaw ay ang nakauunawa, ang maalam gaya ng pagkakilala namin sa iyo bago ng paanyayang ito. Ano ang dumapo sa iyo?"
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin tungkol sa kalagayan ninyo kung nangyaring ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko at isang pagkakatalos mula sa Kanya at nagtustos Siya sa akin mula sa Kanya ng isang panustos na ipinahihintulot, na kabilang dito ang pagkapropeta? Hindi ko ninanais na sawayin kayo sa isang bagay at salungatin kayo sa paggawa nito. Wala akong ninanais kundi ang pagsasaayos sa inyo sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa inyo sa paniniwala sa kaisahan ng Panginoon ninyo at pagtalima sa Kanya sa abot ng kakayahan ko. Walang iba ang pagtutuon sa akin sa pagtamo niyon kundi sa pamamagitan ni Allāh - napakamaluwalhati Niya. Sa Kanya - tanging sa Kanya - ako ay nanalig sa lahat ng mga kapakanan ko at sa Kanya ako nagbabalik.
O mga kalipi ko, huwag ngang magbubuyo sa inyo ang pangangaway sa akin dahil sa pagpapasinungaling sa inihatid ko na baka magtamo kayo ng pagdurusang tulad ng natamo ng mga kalipi ni Noe o mga kalipi ni Hūd o mga kalipi ni Ṣāliḥ. Ang mga kababayan ni Lot mula sa inyo ay hindi malayo sa panahon ni sa lugar. Nalaman na ninyo ang dumapo sa kanila kaya magsaalang-alang kayo.
Humiling kayo ng kapatawaran mula sa Panginoon ninyo, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo. Tunay na ang Panginoon ko ay Maawain sa mga nagbabalik-loob, matindi ang pagmamahal sa sinumang nagbalik-loob sa kanila."
Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, hindi kami nakaiintindi sa marami sa inihatid mo. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa iyo sa gitna namin bilang may kahinaan dahil sa dumapo sa mata mo na kahinaan o pagkabulag. Kung hindi dahil sa angkan mo ay nasa kapaniwalaan namin, talaga sanang pinatay kana namin sa pamamagitan ng paghagis ng bato. Hindi ka sa amin kagalang-galang upang masindak kami sa pagpatay sa iyo. Isinasantabi lamang namin ang pagpatay sa iyo bilang paggalang sa angkan mo."
Nagsabi si Shu`ayb sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, ang angkan ko ba ay higit na marangal sa inyo kaysa kay Allāh na Panginoon ninyo? Iniwan ninyo si Allāh sa likuran nang nakabalibag nang hindi kayo sumampalataya sa propeta Niyang ipinadala Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon ko sa anumang ginagawa ninyo ay nakasasaklaw: walang naikukubli sa Kanya na anuman sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito sa Mundo sa pamamagitan ng pagpahamak sa inyo at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa.
O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa nakakaya ninyo ayon sa paraan ninyong kinalugdan ninyo; tunay na ako ay gumagawa ayon sa paraan kong kinalugdan ko ayon sa nakakaya ko. Malalaman ninyo kung sino sa atin ang pupuntahan ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanya bilang parusa para sa kanya at kung sino sa atin ang siyang nagsisinungaling sa inaangkin niya. Kaya maghintay kayo sa itatadhana ni Allāh; tunay na ako kasama ninyo ay naghihintay."
Noong dumating ang pasya Namin ng pagpahamak sa mga kalipi ni Shu`ayb ay sinagip Namin si Shu`ayb at ang mga sumampalataya kasama niya sa pamamagitan ng awa mula sa Amin. Dinapuan ang mga lumabag sa katarungan ng isang matinding nakapupuksang tunog kaya namatay sila. Sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok.
Para bang hindi sila namalagi roon noon pa man. Pansinin, itinaboy ang Madyan mula sa awa ni Allāh sa pamamagitan ng pagsapit ng paghihiganti Niya sa kanila, kung paanong itinaboy mula roon ang [liping] Thamūd sa pamamagitan ng pagpapababa ng pagkayamot Niya sa kanila.
Talaga ngang nagsugo si Allāh kay Moises nang may mga tandang nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at may mga katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ng inihatid ni Moises.
Nagsugo si Allāh kay Moises kina Paraon at sa mga maharlika sa mga tao nito at sumunod ang mga maharlikang ito sa pag-uutos ni Paraon sa kanila ng kawalang-pananampalataya kay Allāh. Ang utos ni Paraon ay hindi utos na may pag-ayon sa katotohanan upang sundin.
Mangunguna si Paraon sa mga tao niya sa Araw ng Pagbangon upang magpapasok siya sa kanila sa Apoy. Kay sagwa ang hatirang paghahatiran niya sa kanila!
Pinasundan sila ni Allāh rito ng isang sumpa, isang pagtataboy, at isang pagpapalayo mula sa awa Niya kalakip ng dumapo sa kanila na pagkapahamak sa pamamagitan ng pagkalunod. Pasusundan Niya sila ng isang pagtataboy at isang pagpapalayo mula sa awa sa Araw ng Pagbangon. Kay sagwa ang nangyari sa kanilang pagsusunuran ng dalawang sumpa at pagdurusa sa Mundo at Kabilang-buhay!
Ang nabanggit na iyon sa kabanatang ito ng Qur'ān ay bahagi ng mga ulat ng mga pamayanan na ipinababatid Namin sa iyo, O Muḥammad. Kabilang sa mga pamayanang ito ay nakatayo pa ang mga palatandaan at kabilang sa mga ito ay nabura na ang mga palatandaan kaya walang naiwang bakas.
Hindi Kami lumabag sa katarungan sa kanila dahil sa pinadapo Namin sa kanila na kapahamakan subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh. Ang mga diyos na sinasamba nila noon sa halip kay Allāh ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila sa bumaba sa kanila na pagdurusa noong dumating ang pasya ng Panginoon mo, O sugo, na pagpapahamak sa kanila. Walang naidagdag sa kanila ang mga diyos nilang ito kundi pagkalugi at pagpapahamak.
Gayon ang pagdaklot at ang pagpuksa na ipinandaklot ni Allāh sa mga pamayanang nagpapasinungaling sa bawat panahon at pook. Tunay na ang pagdaklot Niya sa mga pamayanang lumalabag sa katarungan ay isang pagdaklot na masakit at malakas.
Tunay na sa pagdaklot na matindi ni Allāh sa mga pamayanang iyon na lumalabag sa katarungan ay talagang may maisasaalang-alang at pangaral para sa sinumang nangamba sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Iyon ay ang araw na titipunin ni Allāh ang mga tao para sa pagtutuos sa kanila. Iyon ay araw na masasaksihan, na sasaksihan ng mga tao sa Maḥshar (pagtitipunan ng mga tao sa Araw ng Pagkabuhay).
Hindi Kami magpapahuli ng araw na masasaksihan maliban sa isang taning na nalalaman ang bilang.
Sa araw na darating ang araw na iyon ay walang magsasalitang alinmang kaluluwa hinggil sa isang katwiran o isang pamamagitan malibang matapos ng kapahintulutan Niya. Ang mga tao roon ay dalawang uri: malumbay na papasok sa Apoy at maligaya na papasok sa Paraiso.
Hinggil sa mga malumbay dahil sa kawalang-pananampalataya nila at kabulukan ng mga gawain nila, papasok sila sa Apoy. Aangat sa loob niyon ang mga tinig nila at ang mga paghinga nila dahil sa tindi ng ipinagdurusa nila dahil sa liyab nito.
Mga mananatili sila sa loob niyon magpakailanman; hindi sila lalabas mula roon hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa maliban sa niloob ng Panginoon mo ang pagpapalabas sa kanya na kabilang sa mga lumalabag na mga monoteista. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay palagawa ng anumang ninanais Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya - napakamaluwalhati Niya.
Hinggil sa mga maligayang naunang nagkaroon na kaligayahan mula kay Allāh dahil sa pananampalataya nila at kaayusan ng mga gawa nila, sila ay sa Paraiso mga mamamalagi magpakailanman hanggat tumatagal ang mga langit at ang lupa, maliban sa sinumang kabilang sa mga lumalabag na mananampalataya na niloob ni Allāh ang pagpapasok sa kanya sa Apoy bago sa Paraiso. Tunay na ang ginhawa ni Allāh para sa mga maninirahan sa Paraiso ay hindi mapuputol sa kanila.
Kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pag-aalinlangan at isang pagdududa sa kabulukan ng sinasamba ng mga tagapagtambal na ito sapagkat wala silang patunay na pangkaisipan at pambatas sa katumpakan nito. Ang nagbubuyo sa kanila sa pagsamba sa iba pa kay Allāh ay ang paggaya lamang sa mga ninuno nila. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila noong una pa. Tunay na Kami ay talagang maglulubos sa kanila ng bahagi nila mula sa pagdurusa nang walang pagkukulang.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah, ngunit nagkaiba-iba ang mga tao hinggil dito sapagkat sumampalataya rito ang iba sa kanila at tumangging sumampalataya ang iba pa. Kung hindi dahil sa isang pagpapasya mula kay Allāh na nauna: na Siya ay hindi magmamadali sa pagpaparusa bagkus magpapaliban hanggang sa Araw ng Pagbangon dahil sa isang kasanhian, talaga sanang bumaba sa kanila ang nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa Mundo. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān, na nagsasadlak sa pag-aalinlangan.
Tunay na lahat ng mga kabilang sa mga nagkakaiba-iba ay talagang maglulubos nga sa kanila ang Panginoon mo, O Sugo, sa ganti sa mga gawa nila. Kaya ang anumang naging kabutihan, ang ganti rito ay kabutihan; at ang anumang naging kasamaan, ang ganti rito ay kasamaan. Tunay na si Allāh sa mga kaliit-liitan ng ginagawa nila ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain nila.
Mamalagi ka sa pananatili sa daang matuwid, O Sugo, gaya ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh kaya sumunod ka sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas ka sa mga sinasaway Niya. Magpakatuwid ang sinumang nagbalik-loob kasama mo kabilang sa mga mananampalataya. Huwag kayong lumampas sa hangganan sa paggawa ng mga pagsuway; tunay na Siya sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Huwag kayong kumiling sa mga tagatangging sumampalataya na tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng panghihibo at pagmamahal sapagkat dadapo sa inyo ang Apoy dahilan sa pagkiling na iyon. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na mga katangkilik na sasagip sa inyo mula sa Apoy, pagkatapos ay hindi kayo makatatagpo ng sinumang mag-aadya sa inyo.
Panatiliin mo, O Sugo, ang pagdarasal ayon sa pinakamagandang paraan sa dalawang dulo ng maghapon - ang simula ng maghapon at ang wakas nito - at panatilihin mo ito sa mga oras ng gabi. Tunay na ang mga gawang maayos ay pumapawi sa mga maliit na mga pagkakasala. Ang nabanggit na iyon ay isang pangaral para sa mga napangangaralan at isang maisasaalang-alang para sa mga nagsasaalang-alang.
Magtiis ka sa paggawa sa ipinag-utos sa iyo na pagpapakatuwid at iba pa rito at sa pag-iwan sa sinaway sa iyo na pagmamalabis at pagsandal sa mga tagalabag sa katarungan. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapawalang-saysay sa gantimpala ng mga tagagawa ng maganda, bagkus tumatanggap mula sa kanila ng pinakamaganda sa ginawa nila at gumaganti sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa pinakamaganda sa dati nilang ginagawa.
Kaya kung sana nagkaroon mula sa mga kalipunang nagpasinungaling noong wala pa kayo ng tira mula sa mga may kainaman at kaayusan na sumasaway sa mga kalipunang iyon sa kawalang-pananampalataya at sa katiwalian sa lupa sa pamamagitan ng mga pagsuway. Hindi mula sa kanila ang tirang iyon, maliban sa kakaunti ,kabilang sa kanila na sumasaway sa katiwalian kaya iniligtas Namin sila nang ipinahamak Namin ang mga tao nilang tagalabag sa katarungan. Sumunod ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga tao nila sa ginhawang nasa kanila. Sila ay naging mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagsunod nila roon.
Hindi mangyayaring ang Panginoon mo, O Sugo, ay ukol magpahamak sa isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan kapag ang mga mamayan nito ay mga nagsasaayos sa lupa. Ipinapahamak lamang Niya ito kung nangyaring ang mga mamayan nito ay naging mga tagapanggulo dahil sa kawalang-pananampalataya, kawalang-katarungan, at mga pagsuway.
Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, na gawin ang mga tao bilang isang kalipunang iisa sa katotohanan ay talaga sanang ginawa Niya subalit Siya ay hindi lumoob niyon kaya hindi sila natitigil na mga nagkakaiba-iba kaugnay rito dahilan sa pagsunod ng pithaya at hangarin.
Maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh sa pamamagitan ng pagtutuon at patnubay sapagkat tunay na sila ay hindi nagkakaiba-iba sa paniniwala sa kaisahan Niya - napakamaluwalhati Niya, at dahil sa pagsubok na iyon sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ay nilikha Niya sila - napakamaluwalhati Niya. Kaya kabilang sa kanila ay malumbay at maligaya. Malulubos ang salita ng Panginoon mo, O Sugo, na itinadhana Niya sa walang-hanggan sa pamamagitan ng pagpuno sa Impiyerno ng mga tagasunod ng demonyo kabilang sa mga jinnīy at mga tao.
Bawat ulat na isinalaysay Namin sa iyo, O Sugo, kabilang sa mga ulat hinggil sa mga sugo bago mo ay isinalaysay Namin upang patatagin Namin ang puso mo sa totoo at palakasin Namin ito. Dumating sa iyo sa kabanatang ito ang totoo na walang pagdududa hinggil dito, at dumating sa iyo rito ang isang pangaral para sa mga tagatangging sumampalataya, at ang isang paalaala para sa mga mananampalatayang nakikinabang sa paalaala.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga hindi sumasampalataya kay Allāh at hindi naniniwala sa kaisahan Niya: "Gumawa kayo ayon sa paraan ninyo sa pag-ayaw sa totoo at pagbalakid dito; tunay na kami ay mga gumagawa ayon sa paraan namin na pagpapakatatag sa totoo, pag-aanyaya para rito, at pagtitiis dito."
Mag-abang-abang kayo sa bababa sa amin; tunay na kami ay mga nag-aabang-abang sa bababa sa inyo.
Taglay ni Allāh ang kaalaman sa anumang nalingid sa mga langit at anumang nalingid sa lupa: walang naikukubli sa Kanya na anuman dito. Sa Kanya - tanging sa Kanya - ibabalik ang pasya, ang kalahatan nito, sa Araw ng Pagbangon, kaya sumamba ka sa Kanya, O Sugo; tanging sa Kanya, at manalig ka sa Kanya sa lahat ng mga kapakanan mo. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay Maalam dito. Gaganti Siya sa bawat isa ayon sa ginawa nito.