ﯞ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, huwag kayong manguna sa harap ni Allāh at ng Sugo Niya sa salita o gawa, at mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo: walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga iyon na anuman, at gaganti Siya sa inyo dahil sa mga iyon.
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, magmagandang-asal kayo sa Sugo Niya at huwag ninyong gawin ang mga tinig ninyo na tumaas nang higit sa tinig ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa sandali ng pakikipag-usap sa kanya, at huwag kayong magpahayag sa kanya sa pangalan niya gaya ng pagtawag ng ilan sa inyo sa iba pa, bagkus tumawag kayo sa kanya sa pagkapropeta at pagkasugo [niya] sa pamamagitan ng pakikipag-usap na banayad sa takot na mawawalang-saysay ang gantimpala sa mga gawa ninyo dahilan doon samantalang kayo ay hindi nakadarama sa pagkawalang-saysay ng gantimpala ng mga iyon.
Tunay na ang mga nagpapahina ng mga tinig nila sa piling ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - ang mga iyon ay ang mga nasubok ni Allāh ang mga puso nila para sa pangingilag sa pagkakasala at itinalaga Niya sila para rito. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila, at ukol sa kanila ay isang gantimpalang sukdulan sa Araw ng Pagbangon, na pagpapapasok sa kanila ni Allāh sa Paraiso.
Tunay na ang mga tumatawag sa iyo, O Sugo, kabilang sa mga Arabeng disyerto mula sa likuran ng mga silid ng mga maybahay mo, ang karamihan sa kanila ay hindi nakauunawa.
At kung sakaling itong mga tumatawag sa iyo, O Sugo, mula sa likuran ng mga silid ng mga maybahay mo ay nagtiis at hindi tumawag sa iyo hanggang sa lumabas ka sa kanila para kumausap sila sa iyo habang pinahihina ang mga tinig nila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila kaysa sa pagtawag sa iyo mula sa likuran ng mga iyon dahil sa taglay nitong paggalang at pagrespeto. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila at iba pa sa kanila, Mapagpatawad sa kanila dahil sa kamangmangan nila, Maawain sa kanila.
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, kung nagdala sa inyo ang isang suwail ng isang ulat tungkol sa mga tao ay tumiyak kayo sa katumpakan ng ulat niya at huwag kayong magdali-dali sa paniniwala sa kanya sa pangambang baka makapaminsala kayo - kapag naniwala kayo sa ulat niya nang walang pagtitiyak - sa mga tao dahil sa isang krimen gayong kayo ay mga mangmang sa katotohanan ng kalagayan nila, at kayo matapos ng pamiminsala ninyo sa kanila ay maging mga nagsisisi kapag luminaw sa inyo ang kasinungalingan ng ulat niya.
Alamin ninyo, O mga mananampalataya, na nasa inyo ang Sugo ni Allāh habang bumababa sa kanya ang kasi kaya mag-ingat kayo na magsinungaling sapagkat bumababa sa kanya ang kasi na nagpapabatid sa kanya ng kasinungalingan ninyo. Siya ay higit sa nakaaalam sa nagdudulot ng kapakanan ninyo. Kung sakaling tatalima siya sa inyo sa marami sa iminumungkahi ninyo sa kanya ay talaga sanang nasadlak kayo sa pahirap na hindi niya kinalulugdan para sa inyo. Subalit si Allāh, bahagi ng kabutihang-loob Niya ay nagpaibig sa inyo sa pananampalataya, nagpaganda nito sa mga puso ninyo kaya sumampalataya kayo, nagpasuklam sa inyo ng kawalang-pananampalataya at paglabas sa pagtalima sa Kanya, at nagpasuklam sa inyo ng pagsuway sa Kanya. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga tumatahak sa daan ng pagkagabay at pagkatama.
At ang nangyari sa inyo na pagpapaganda ng kabutihan sa mga puso ninyo at pagpapasuklam sa kasamaan ay isang kabutihang-loob lamang mula kay Allāh na ipinagmabuting-loob Niya sa inyo, at isang biyaya na ibiniyaya Niya sa inyo. Si Allāh ay Maalam sa sinumang nagpapasalamat sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya kaya itinutuon Niya iyon, Marunong yayamang inilalagay Niya ang bawat bagay sa kinalalagyan nitong naaangkop para rito.
At kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-awayan ay pagkasunduin ninyo, O mga mananampalataya, ang dalawa sa pamamagitan ng pag-anyaya sa dalawang panig sa paghahatol ng batas ni Allāh kaugnay sa sigalot ng dalawa. Ngunit kung tumanggi ang isa sa dalawa sa pakikipagpayapaan at lumabag, kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa manumbalik ito sa kahatulan ni Allāh. Kaya kung nanumbalik ito sa kahatulan ni Allāh, pagkasunduin ninyo ang dalawa ayon sa katarungan at pagkakapantay. Maging makatarungan kayo sa hatol ninyo sa dalawa; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa kahatulan nila.
Ang mga mananampalataya ay magkakapatid lamang sa Islām. Ang kapatiran sa Islām ay humihiling na pagkakasunduin ninyo, O mga mananampalataya, ang mga kapatid ninyong naghihidwaan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa pag-asang kaaawaan kayo.
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, huwag mangutya ang ilang lalaki kabilang sa inyo sa ibang mga lalaki; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Ang isinasaalang-alang ay ayon sa ganang kay Allāh. Huwag mangutya ang ilang babae sa ibang mga babae; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Huwag kayong mamintas sa mga kapatid ninyo sapagkat sila ay nasa kalagayan ng mga sarili ninyo. Huwag manukso ang iba sa inyo sa iba pa sa pamamagitan ng taguring kasusuklaman nito, gaya ng kalagayan ng ilan sa Anṣār bago ng pagdating ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Ang sinumang gumawa niyon kabilang sa inyo, siya ay isang suwail. Kay saklap bilang katangian ang katangian ng kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagsuway na ito, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kasawian dahilan sa ginawa nilang mga pagsuway.
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa isinabatas Niya, lumayo kayo sa maraming paghihinala na hindi nakabatay sa nagpapatibay sa mga iyon na mga kadahilanan at mga ebidensiya. Tunay na ang ilan sa pagpapalagay ay kasalanan gaya ng kasagwaan ng pagpapalagay sa sinumang ang panlabas na kalagayan niya ay ang kabutihan. Huwag kayong magsiyasat sa mga kahihiyan ng mga mananampalataya sa likuran nila. Huwag bumanggit ang isa sa inyo sa kapatid niya ng kasusuklaman nito sapagkat ang pagbanggit niya sa kasusuklaman nito ay tulad ng pagkain sa laman nito kapag patay na. Kaya masuklam kayo sa panlilibak dito sapagkat ito ay tulad niya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa Kanila.
O mga tao, tunay na Kami ay lumikha sa inyo mula sa nag-iisang lalaki, ang ama ninyong si Adan, at nag-iisang babae, ang ina ninyong si Eva. Ang kaangkanan ninyo ay nag-iisa kaya huwag magmayabang ang iba sa inyo sa iba pa sa kaangkanan. Gumawa Kami sa inyo matapos niyon bilang maraming bansa at mga liping lumaganap upang makilala ninyo ang isa't isa, hindi upang ipagmayabang iyon dahil ang pagtatangi ay batay sa pangingilag sa pagkakasala lamang. Dahil dito ay nagsabi Siya: Tunay na ang pinakamarangal sa inyo sa ganang kay Allāh ay ang pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala. Tunay na si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ninyo, Nakababatid sa taglay ninyong kalubusan o kakulangan niyon: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon.
Nagsabi ang ilan sa mga nakatira sa ilang noong pumunta sila sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan: "Sumampalataya kami kay Allāh at sa Sugo Niya." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi kayo sumampalataya, bagkus sabihin ninyo: 'Sumuko kami at nagpaakay kami.’ Hindi pa pumasok ang pananampalataya sa mga puso ninyo, ngunit inaasahan para rito na pumasok sa mga puso. Kung tatalima kayo, O mga Arabeng disyerto, kay Allāh at sa Sugo Niya sa pananampalataya, gawang maayos, at pag-iwas sa mga ipinagbabawal, hindi magbabawas si Allāh ng anuman mula sa gantimpala ng mga gawa ninyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."
Tanging ang mga mananampalataya ay ang mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, pagkatapos ay hindi nahaluan ang pananampalataya nila ng pagdududa, nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila sa landas ni Allāh, at hindi nagmaramot ng anuman sa mga ito. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga tapat sa pananampalataya nila.
Sabihin mo, o Sugo, sa mga Arabeng disyerto na ito: "Nagtuturo ba kayo kay Allāh at nagpapatalos kayo sa Kanya ng relihiyon ninyo samantalang si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at nakaaalam sa anumang nasa lupa? Si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman kaya hindi Siya nangangailangan ng pagpapaalam ninyo sa Kanya ng relihiyon ninyo."
Nanunumbat sa iyo, O Sugo, ang mga Arabeng disyerto na ito ng pagpapasakop nila sa Islām. Sabihin mo sa kanila: "Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpasok ninyo sa relihiyon ni Allāh sapagkat ang pakinabang niyon - kung mangyayari - ay babalik sa inyo, bagkus si Allāh ay ang nagmamagandang-loob sa inyo sa pamamagitan ng pagtuon sa inyo sa pananampalataya sa Kanya kung kayo ay naging mga tapat sa pag-aangkin ninyo na kayo ay pumasok doon.
Tunay na si Allāh ay nakaaalam sa Lingid sa mga langit at nakaaalam sa Lingid sa lupa: walang naikukubli sa Kanya na anuman mula roon. Si Allāh ay Nakakikita sa anumang ginagawa ninyo: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti Siya sa inyo ayon sa kagandahan ng mga ito at kasagwaan ng mga ito.