Salin ng Sura Ya Sin sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Verse 1
ﭬ
ﭭ
Yā. Sīn.
Verse 2
ﭮﭯ
ﭰ
Sumpa man sa Qur’ān na marunong,
Verse 3
ﭱﭲﭳ
ﭴ
tunay na ikaw ay talagang kabilang sa mga isinugo
Verse 4
ﭵﭶﭷ
ﭸ
batay sa isang landasing tuwid,
Verse 5
ﭹﭺﭻ
ﭼ
bilang pagbababa ng Makapangyarihan, Maawain,
Verse 6
upang magbabala ka sa mga tao na hindi binalaan ang mga ninuno nila kaya sila ay mga nalilingat.
Verse 7
Talaga ngang nagkatotoo ang sabi sa higit na marami sa kanila kaya sila ay hindi sumasampalataya.
Verse 8
Tunay na Kami ay naglagay sa mga leeg nila ng mga kulyar at ang mga ito ay hanggang sa mga baba nila kaya naman sila ay mga pinatingala.
Verse 9
Naglagay Kami sa harapan nila ng isang sagabal at sa likuran nila ng isang sagabal, at bumalot Kami sa kanila kaya sila ay hindi nakakikita.
Verse 10
Magkapantay sa kanila; nagbabala ka man sa kanila o hindi ka nagbabala sa kanila, sila ay hindi sumasampalataya.
Verse 11
Makapagbabala ka lamang sa sinumang sumunod sa paalaala at natakot sa Napakamaawain nang lingid. Kaya magbalita ka ng nakagagalak sa kanya hinggil sa isang kapatawaran at isang pabuyang marangal.
Verse 12
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay at nagtatala ng anumang ipinauna nila at mga bakas nila. Bawat bagay ay inisa-isa Namin sa isang talaang malinaw.
Verse 13
Gumawa ka para sa kanila ng isang paghahalintulad: ang mga naninirahan sa pamayanan noong dumating doon ang mga isinugo,
Verse 14
noong nagsugo Kami sa kanila ng dalawa ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya kinatigan Namin ng ikatlo, at nagsabi sila: "Tunay na kami sa inyo ay mga isinugo."
Verse 15
Nagsabi ang mga iyon: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain ng anuman. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling."
Verse 16
ﭶﭷﭸﭹﭺﭻ
ﭼ
Nagsabi sila: "Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo ay talagang mga isinugo."
Verse 17
ﭽﭾﭿﮀﮁ
ﮂ
Walang tungkulin sa Amin kundi ang pagpapaabot na malinaw.
Verse 18
Nagsabi ang mga iyon: "Tunay na kami ay nagtuturing ng kamalasan sa inyo. Talagang kung hindi kayo titigil ay talagang babatuhin nga namin kayo at talagang sasalingin nga kayo mula sa amin ng isang pagdurusang masakit."
Verse 19
Nagsabi sila: "Ang kamalasan ninyo ay kasama sa inyo. [Dahil] ba pinaalalahanan kayo? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis."
Verse 20
May dumating mula sa pinakaliblib ng lungsod na isang lalaking tumatakbo, na nagsabi: "O mga kababayan ko, sumunod kayo sa mga isinugo.
Verse 21
Sumunod kayo sa mga hindi humihingi sa inyo ng isang pabuya at sila ay mga napapatnubayan.
Verse 22
Ano ang mayroon sa akin na hindi ako sumasamba sa lumalang sa akin at sa Kanya kayo panunumbalikin?
Verse 23
Gagawa ba ako bukod pa sa Kanya ng mga diyos? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang pinsala ay hindi makapagsisilbi sa akin ang pamamagitan nila sa anuman at hindi sila makasasagip sa akin.
Verse 24
ﯪﯫﯬﯭﯮ
ﯯ
Tunay na ako, samakatuwid, ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Verse 25
ﯰﯱﯲﯳ
ﯴ
Tunay na ako ay sumampalataya sa Panginoon ninyo kaya makinig kayo sa akin."
Verse 26
Sasabihin: "Pumasok ka sa paraiso." Magsasabi siya: "O kung sana ang mga kababayan ko ay nakaaalam
Verse 27
sa pagpapatawad sa akin ng Panginoon ko at paggawa Niya sa akin kabilang sa mga pinararangalan."
Verse 28
Hindi Kami nagpababa sa mga kababayan niya noong wala na siya ng mga kawal mula sa langit at hindi nangyaring Kami ay magpapababa.
Verse 29
Walang iba iyon kundi nag-iisang hiyaw, at biglang sila ay mga nalipol.
Verse 30
O isang panghihinayang sa mga lingkod. Walang dumating sa kanila na anumang sugo malibang sila dati ay nangungutya.
Verse 31
Hindi ba nila napag-alaman kung ilan ang pinasawi Namin bago nila kabilang sa mga salinlahi – na ang mga iyon sa kanila ay hindi manunumbalik?
Verse 32
ﮂﮃﮄﮅﮆﮇ
ﮈ
Walang iba ang lahat kundi magkakasama, na sa harap Namin mga pinadadalo.
Verse 33
Isang tanda para sa kanila ang lupang patay. Nagbigay-buhay Kami rito at nagpalabas Kami mula rito ng mga butil, at mula rito ay kumakain sila.
Verse 34
Gumawa Kami rito ng mga hardin ng datiles at mga ubas at nagpabulwak Kami rito ng mga bukal
Verse 35
upang kumain sila sa mga bunga ng mga ito, hindi gumawa sa mga ito ang mga kamay nila, kaya hindi ba sila magpapasalamat?
Verse 36
Kaluwalhatian sa lumikha sa mga uri sa lahat ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi ninyo nalalaman.
Verse 37
Isang tanda para sa kanila ang gabi. Nag-aalis Kami mula rito ng maghapon, kaya biglang sila ay mga napagdidiliman.
Verse 38
Ang araw ay tumatakbo para sa isang pinagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.
Verse 39
Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa umulit ito gaya ng buwig na magulang.
Verse 40
Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan, ni ang gabi ay umuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.
Verse 41
Isang tanda para sa kanila na Kami ay bumuhat sa mga supling nila sa daong na nilulanan.
Verse 42
ﭚﭛﭜﭝﭞﭟ
ﭠ
Lumikha Kami para sa kanila mula sa tulad niyon ng sinasakyan nila.
Verse 43
Kung loloobin Namin ay malulunod Namin sila at walang [tutugon sa] pagtili para sa kanila ni sila ay masasagip
Verse 44
ﭫﭬﭭﭮﭯﭰ
ﭱ
maliban bilang isang awa mula sa Amin at isang tinatamasa hanggang sa isang panahon.
Verse 45
Kapag sinabi sa kanila: "Mangilag kayo sa anumang nasa harapan ninyo at anumang nasa likuran ninyo, nang sa gayon kayo ay kaaawaan."
Verse 46
Walang dumarating sa kanila na isang tanda mula sa mga tanda ng Panginoon nila malibang sila sa mga ito ay mga tagaayaw
Verse 47
Kapag sinabi sa kanila: "Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh," nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami sa isang kung sakaling loloobin ni Allāh ay pinakain sana Niya? Walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malinaw."
Verse 48
Nagsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung nangyaring kayo ay mga tapat?"
Verse 49
Wala silang hinihintay kundi nag-iisang hiyaw na kukuha sa kanila habang sila ay nag-aalitan.
Verse 50
Kaya hindi sila makakakaya ng isang pagtatagubilin, ni sa mag-anak nila ay manunumbalik.
Verse 51
Iihip sa tambuli kaya biglang sila mula sa mga puntod patungo sa Panginoon nila ay magmamatulin.
Verse 52
Magsasabi sila: "O kapighatian sa atin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa tulugan natin?" [Sasagutin sila:] "Ito ay ang ipinangako ng Pinakamaawain at nagkatotoo ang mga isinugo."
Verse 53
Walang mangyayari kundi nag-iisang hiyaw, at biglang sila ay magkakasama, na sa harap Namin mga padadaluhin.
Verse 54
Kaya sa araw na ito walang lalabagin sa katarungan na isang kaluluwa at hindi kayo gagantihan maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa.
Verse 55
Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw na iyon, ay nasa pagkaabala na mga nagagalak.
Verse 56
Sila at ang mga asawa nila ay nasa lilim, na sa mga supa mga nakasandig.
Verse 57
ﭡﭢﭣﭤﭥﭦ
ﭧ
Magkakaroon sila roon ng bungang-kahoy at magkakaroon sila ng anumang ipananawagan nila.
Verse 58
ﭨﭩﭪﭫﭬ
ﭭ
"Kapayapaan," isang sabi mula sa isang Panginoong Maawain,
Verse 59
ﭮﭯﭰﭱ
ﭲ
"Mabukod kayo ngayong araw, O mga tagasalansang.
Verse 60
Hindi ba nag-atas Ako sa inyo, o mga anak ni Adan, na huwag kayong sumamba sa demonyo - tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw –
Verse 61
ﮃﮄﮅﮆﮇﮈ
ﮉ
at na sumamba kayo sa Akin? Ito ay isang landasing tuwid.
Verse 62
Talaga ngang nagpaligaw siya mula sa inyo ng kinapal na marami. Kaya hindi ba nangyaring kayo ay nakapag-uunawa?
Verse 63
ﮔﮕﮖﮗﮘ
ﮙ
Ito ay Impiyerno na dati kayong pinangangakuan.
Verse 64
ﮚﮛﮜﮝﮞ
ﮟ
Pumasok kayo rito ngayong araw dahil sa dati kayong tumatangging sumampalataya."
Verse 65
Sa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit.
Verse 66
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang pumawi Kami sa mga mata nila, at mag-uunahan sila sa landasin ngunit paano silang makakikita?
Verse 67
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang nagpabagong-anyo Kami sa kanila sa kinaroroonan nila kaya hindi sila makakakaya ng paglisan at hindi sila manunumbalik.
Verse 68
Ang sinumang pinatanda Namin ay pababalikin Namin siya sa pagkakalikha. Kaya hindi ba sila nakapag-uunawa?
Verse 69
Hindi Kami nagturo sa kanya ng tula at hindi iyon nararapat para sa kanya. Walang iba ito kundi isang paalaala at isang Qur'ān na malinaw
Verse 70
upang magbabala sa sinumang nangyaring buhay at magindapat ang hatol sa mga tagatangging sumampalataya.
Verse 71
Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila mula sa ginawa ng mga kamay Namin na mga hayupan, at sila sa mga ito ay mga may-ari?
Verse 72
ﭞﭟﭠﭡﭢﭣ
ﭤ
Nagpaamo Kami sa mga ito para sa kanila kaya kabilang sa mga ito ay mga sasakyan nila at kabilang sa mga ito ay kinakain nila.
Verse 73
Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang at mga inumin. Kaya hindi ba sila magpapasalamat?
Verse 74
Gumawa sila bukod pa kay Allāh ng mga diyos, nang sa gayon sila ay iaadya.
Verse 75
Hindi nakakakaya ang mga ito sa pag-adya sa kanila samantalang sila para sa mga ito ay mga kawal na padadaluhin.
Verse 76
Kaya huwag magpalungkot sa iyo ang sabi nila. Tunay na Kami ay nakaaalam sa inililihim nila at inihahayag nila.
Verse 77
Hindi ba nakaalam ang tao na Kami ay lumikha sa kanya mula sa isang patak, at biglang siya ay isang kaalitang malinaw.
Verse 78
Gumawa siya para sa Amin ng isang paghahalintulad at nakalimot siya sa pagkalikha sa kanya. Nagsabi siya: "Sino ang magbibigay-buhay sa mga buto samantalang ang mga ito ay bulok na?"
Verse 79
Sabihin mo: "Magbibigay-buhay rito ang nagpaluwal sa mga ito sa unang pagkakataon. Siya sa bawat nilikha ay Maalam."
Verse 80
[Siya] ang gumawa para sa inyo mula sa punong-kahoy na luntian ng isang apoy, at biglang kayo mula rito ay nagpapaningas.
Verse 81
Hindi ba ang lumikha sa mga langit at lupa ay nakakakayang lumikha ng tulad nila? Oo, at Siya ay ang Palalikha, ang Maalam.
Verse 82
Tanging ang utos Niya, kapag nagnais Siya ng isang bagay, ay na magsabi roon: "Mangyari," at mangyayari.
Verse 83
Kaya kaluwalhatian sa Kanya na nasa kamay Niya ang paghahari sa bawat bagay at sa Kanya kayo panunumbalikin.
تقدم القراءة