سورة آل عمران

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Salin ng Sura Ang Pamilya ni Imran sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج)

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Siya ay ang nagpababa sa iyo ng Aklat; bahagi nito ay mga talatang tahas – ang mga ito ay ang batayan ng Aklat – at mga ibang talinghaga. Tungkol sa yaong sa mga puso nila ay may paglihis, sumusunod sila sa anumang tumalinghaga mula rito dala ng paghahangad ng ligalig at dala ng paghahangad ng pagpapakahulugan dito. Walang nakaaalam sa pagpapakahulugan dito kundi si Allāh. Ang mga nagpakalalim sa kaalaman ay nagsasabi: "Sumampalataya kami rito; lahat ay mula sa ganang Panginoon namin." Walang nagsasaalaala kundi ang mga may isip.
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga kabilang sa nauna sa kanila, nagpasinungaling sila sa mga tanda kaya dinaklot sila ni Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Si Allāh ay matindi ang pagpaparusa.
Nagkaroon nga kayo ng isang tanda sa dalawang pangkat na nagkita: may isang pangkat na nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at may isa pang tagatangging sumampalataya. Nakakikita sila sa mga iyon na dalawang tulad nila ayon sa pagkakita ng mata. Si Allāh ay nag-aalalay sa pamamagitan ng pag-aadya Niya sa sinumang niloloob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga may paningin.
Ang mga nagsasabi: "Panginoon Namin, tunay na kami ay sumampalataya kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at mangalaga Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy."
[Sila] ang mga matiisin, ang mga tapat, ang mga masunurin, ang mga gumugugol, at ang mga humihingi ng tawad sa mga huling bahagi ng gabi.
Tunay na ang mga tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh, pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan, at pumapatay sa mga nag-uutos sa pagkamakatarungan kabilang sa mga tao ay magbalita ka sa kanila ng isang pagdurusang masakit.
Kaya papaano kapag nagtipon Kami sa kanila para sa Araw na walang pag-aalinlangan hinggil doon, at tinumbasan ang lahat ng kaluluwa sa anumang nakamit nito habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan?
Ngunit noong nagsilang siya ito ay nagsabi siya: "Panginoon ko, tunay na ako ay nagsilang sa kanya na isang babae," – samantalang si Allāh ay higit na nakaaalam sa isinilang niya at ang lalaki ay hindi gaya ng babae – "tunay na ako ay nagpangalan sa kanya na Maria, at tunay na ako ay naglalagay sa kanya at mga supling niya sa pagkukupkop Mo laban sa demonyong kasumpa-sumpa."
Kaya tinanggap ito ng Panginoon nito sa isang pagtanggap na maganda, hinubog Niya ito sa isang paghubog na maganda, at ipinataguyod Niya ito kay Zacaria. Sa tuwing pumapasok sa kinaroroonan nito si Zacaria sa sambahan, nakatatagpo siya sa piling nito ng isang panustos. Nagsabi Siya: "O Maria, paanong mayroon ka nito?" Nagsabi ito: "Ito ay mula sa ganang kay Allāh. Tunay na si Allāh ay nagtutustos sa sinumang niloloob Niya nang walang pagtutuos."
Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: "Si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapatotoo sa isang salita mula kay Allāh, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos."
Nagsabi ito: "Panginoon ko, paanong magkakaroon ako ng isang batang lalaki samantalang umabot na sa akin ang katandaan at ang maybahay ko naman ay baog?" Nagsabi Siya: "Gayon si Allāh, gumagawa Siya ng anumang niloloob Niya."
[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel kay Maria: "O Maria, tunay na si Allāh ay humirang sa iyo, nagdalisay sa iyo, at humirang sa iyo higit sa mga babae ng mga nilalang.
O Maria, magmasunurin ka sa Panginoon mo, magpatirapa ka, at yumukod ka kasama ng mga yumuyukod.
[Banggitin] noong nagsabi ang mga anghel: "O Maria, tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang salita mula sa Kanya, na ang pangalan nito ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria, bilang pinarangalan sa Mundo at sa Kabilang-buhay at kabilang sa mga inilapit [kay Allāh].
Magsasalita siya sa mga tao habang nasa duyan pa at nasa kasapatang-gulang na, at [magiging] kabilang sa mga maayos."
[Gagawa Siya rito] bilang sugo sa mga anak ni Israel, [na magsasabi]: 'Na ako ay nagdala nga sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo; na ako ay lilikha para sa inyo mula sa putik ng gaya ng anyo ng ibon, saka iihip rito, saka ito ay magiging isang ibon ayon sa pahintulot ni Allāh. Magpapagaling ako ng ipinanganak na bulag at ketungin. Magbibigay-buhay ako sa mga patay ayon sa pahintulot ni Allāh. Magbabalita ako sa inyo ng kinakain ninyo at iniimbak ninyo sa mga bahay ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may tanda ukol sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya.
[Dumating ako] bilang tagapatotoo sa nauna sa akin na Torah at upang magpahintulot ako para sa inyo ng ilan sa ipinagbawal sa inyo. Nagdala ako sa inyo ng isang tanda mula sa Panginoon ninyo kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh at tumalima kayo sa akin.
Ngunit noong nakadama si Jesus mula sa kanila ng kawalang-pananampalataya ay nagsabi siya: "Sino ang mga tagaadya ko tungo kay Allāh?" Nagsabi ang mga disipulo: "Kami ay ang mga tagaadya ni Allāh; sumampalataya kami kay Allāh, at sumaksi ka na kami ay mga tagapasakop [kay Allāh].
Panginoon namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo at sumunod kami sa sugo kaya isulat Mo kami kasama sa mga tagasaksi."
[Banggitin] noong nagsabi si Allāh: "O Jesus, tunay na Ako ay hahango sa iyo, mag-aangat sa iyo tungo sa Akin, magdadalisay sa iyo laban sa mga tumangging sumampalataya, at gagawa sa mga sumunod sa iyo na higit sa mga tumangging sumampalataya hanggang sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos ay sa Akin ang panunumbalikan ninyo, saka hahatol Ako sa pagitan ninyo sa anumang dati kayo hinggil doon ay nagkakaiba-iba.
Ngunit tungkol sa mga tumangging sumampalataya, pagdurusahin Ko sila ng isang pagdurusang matindi sa Mundo at Kabilang-buhay, at walang ukol sa kanila na anumang mga tagaadya."
Tungkol sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, lulubusin Niya sa kanila ang mga pabuya sa kanila. Si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan.
Kaya ang sinumang nangatwiran sa iyo hinggil sa kanya mula ng matapos na may dumating sa iyo na kaalaman ay magsabi ka: "Halikayo, tumawag tayo sa mga anak namin at mga anak ninyo, mga kababaihan namin at mga kababaihan ninyo, at mga sarili namin at mga sarili ninyo. Pagkatapos ay magsumamo tayo at maglagay tayo ng sumpa ni Allāh sa mga sinungaling."
Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Abraham ay talagang ang mga sumunod sa kanya, ang Propetang ito, at ang mga sumampalataya. Si Allāh ay ang Katangkilik ng mga mananampalataya.
Naibigan ng isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan na kung sana ay nagpapaligaw sila sa inyo, ngunit hindi sila nagpapaligaw kundi sa mga sarili nila ngunit hindi sila nakararamdam.
O mga May Kasulatan, bakit kayo tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh samantalang kayo ay nakasasaksi.
O mga May Kasulatan, bakit kayo naglalahok sa katotohanan ng kabulaanan at nagtatago kayo ng katotohanan samantalang kayo ay nakaaalam?
Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga May Kasulatan: "Sumampalataya kayo sa pinababa sa mga sumampalataya sa simula ng maghapon at tumanggi kayong sumampalataya sa katapusan niyon, nang sa gayon sila ay manunumbalik [sa dati].
Huwag kayong maniwala maliban sa sinumang sumunod sa relihiyon ninyo." Sabihin mo: "Tunay na ang patnubay ay ang patnubay ni Allāh. [May pangamba ba] na magbigay sa isa ng tulad ng ibinigay sa inyo o makikipagkatwiran sila sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo?" Sabihin mo: "Tunay na ang kabutihang-loob ay nasa kamay ni Allāh; nagbibigay Siya nito sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Malawak, Maalam."
Kabilang sa mga May Kasulatan ang kung magtitiwala ka sa kanya ng isang bunton [na salapi] ay magsasauli siya nito sa iyo. Kabilang sa kanila ang kung magtitiwala ka sa kanya ng isang dīnār ay hindi siya magsasauli nito sa iyo malibang hindi ka tumigil sa kanya na naniningil. Iyon ay dahil sila ay nagsabi: "Wala sa aming kasalanan kaugnay sa mga iliterato." Nagsasabi sila hinggil kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam.
Bagkus ang sinumang tumupad sa tipan niya at nangilag magkasala sapagkat tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagapangilag magkasala.
Tunay na kabilang sa kanila ay talagang isang pangkat na pumipilipit ng mga dila nila sa [pagbigkas ng] kasulatan upang mag-akala kayong iyon ay mula sa Kasulatan samantalang iyon ay hindi bahagi ng Kasulatan, na nagsasabing iyon ay mula sa ganang kay Allāh samantalang iyon ay hindi mula sa ganang kay Allāh, at na nagsasabi laban kay Allāh ng kasinungalingan samantalang sila ay nakaaalam.
ni mag-uutos ito sa inyo na gumawa kayo sa mga anghel at mga propeta bilang mga panginoon. Nag-uutos ba ito sa inyo ng kawalang-pananampalataya matapos noong kayo ay naging mga Muslim?
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga propeta, [na nagsasaad]: "Talagang ang anumang ibinigay Ko sa inyo na kasulatan at karunungan, pagkatapos ay may dumating sa inyo na isang Sugo na tagapatotoo sa taglay ninyo, ay talagang sasampalataya nga kayo rito at talagang mag-aadya nga kayo rito." Nagsabi Siya: "Kumilala ba kayo at tumanggap ba kayo kaugnay roon sa kasunduan sa Akin?" Nagsabi sila: "Kumilala kami." Nagsabi Siya: "Kaya sumaksi kayo, at Ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagasaksi."
Kaya sa iba sa relihiyon ni Allāh ba naghahangad sila samantalang sa Kanya nagpasakop ang sinumang nasa mga langit at lupa sa pagkukusang-loob at pagkasuklam, at sa Kanya sila panunumbalikin?
Papaanong magpapatnubay si Allāh sa mga taong tumangging sumampalataya matapos ng pagsampalataya nila at sumaksi na ang Sugo ay totoo at dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay? Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya matapos ng pananampalataya nila, pagkatapos ay nadagdagan sila ng kawalang-pananampalataya, ay hindi tatanggapin ang pagbabalik-loob nila. Ang mga iyon ay ang mga naliligaw.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya at namatay samantalang sila ay mga tagatangging sumampalataya ay hindi tatanggapin mula sa isa sa kanila ang kasukat ng Mundo na ginto at kahit pa man ipantubos niya ito. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit at walang ukol sa kanila na anumang mga tagaadya.
Tunay na ang unang Bahay [sambahan] na itinalaga para sa mga tao ay talagang ang nasa Bakkah bilang pinagpala at patnubay para sa mga nilalang.
Dito ay may mga tandang malinaw [gaya ng] Pinagtayuan ni Abraham. Ang sinumang pumasok dito ay magiging matiwasay. Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] papunta roon ng isang daan. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga Nilalalang.
O mga sumampalataya, kung tatalima kayo sa isang pangkat kabilang sa mga binigyan ng kasulatan ay magpapanauli sila sa inyo, matapos ng pagsampalataya ninyo, sa pagiging mga tagatangging sumampalataya.
O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh nang totoong pangingilag magkasala sa Kanya, at huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga Muslim.
Mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh sa kalahatan at huwag kayong magkahati-hati. Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo yayamang kayo noon ay magkakaaway at nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ninyo kaya kayo dahil sa biyaya Niya ay naging magkakapatid. Kayo noon ay nasa isang bingit ng isang hukay ng Apoy ngunit sumagip siya sa inyo mula roon. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan.
Sa Araw na may mamumuting mga mukha at mangingitim na mga mukha. Kaya tungkol sa mangingitim ang mga mukha nila, [tatanungin sila]: "Tumanggi ba kayong sumampalataya matapos ng pagsampalataya ninyo? Kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil kayo noon ay tumatangging sumampalataya."
Kayo ay pinakamabuting kalipunang pinalabas para sa mga tao. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, at sumasampalataya kayo kay Allāh. Kung sakaling sumampalataya ang mga May Kasulatan, talagang iyon sana ay pinakamabuti para sa kanila. Kabilang sa kanila ang mga mananampalataya at ang higit na marami sa kanila ay ang mga suwail.
Hindi sila makapipinsala sa inyo maliban ng isang pananakit. Kung kakalaban sila sa inyo ay maghaharap sila sa inyo ng mga likod [nila], pagkatapos ay hindi sila iaadya.
Itinatak sa kanila ang kaabahan saanman sila nasumpungan malibang nasa isang kasunduan mula kay Allāh at isang kasunduan mula sa mga tao. Bumalik sila na may galit mula kay Allāh at itinatak sa kanila ang karukhaan. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila at sila noon ay lumalabag.
Ang paghahalintulad sa ginugugol nila sa buhay na pangmundong ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig, na tumama sa sakahan ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila kaya nagpasawi ito roon. Hindi lumabag sa katarungan sa kanila si Allāh, subalit ang mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan.
Heto, kayo itong umiibig sa kanila samantalang hindi sila umiibig sa inyo habang sumasampalataya kayo sa kasulatan sa kabuuan nito. Kapag nakatagpo nila kayo ay nagsasabi sila: "Sumampalataya kami." Kapag nagkasarilinan sila ay kumakagat sila sa mga dulo ng mga daliri dala ng ngitngit sa inyo. Sabihin mo: "Mamatay kayo sa ngitngit ninyo." Tunay na si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
Kung may sumasaling sa inyo na isang maganda ay magpapasama ng loob sa kanila ito at kung may tumatama sa inyo na isang masagwa ay matutuwa sila dahil dito. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala ay hindi pipinsala sa inyo ang pakana nila ng anuman. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Tagasaklaw.
[Banggitin] noong umalis ka sa umaga mula sa mag-anak mo, na nagtatalaga sa mga mananampalataya ng mga himpilan para sa labanan. Si Allāh ay Madinigin, Maalam.
[Banggitin] noong may napipintong dalawang pangkat kabilang sa inyo na mapanghinaan ng loob samantalang si Allāh ay Katangkilik ng dalawang ito. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
Talaga ngang nag-adya sa inyo si Allāh sa Badr habang kayo ay mga kaaba-aba, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay magpapasalamat.
upang pumutol Siya ng isang panig mula sa mga tumangging sumampalataya o sumupil sa kanila kaya mauuwi sila bilang mga bigo.
Walang ukol sa iyo mula sa pagpapasya na anuman: na tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila o magparusa Siya sa kanila sapagkat tunay na sila ay mga tagalabag sa katarungan.
Verse 131
Mangilag kayo sa Apoy na inihanda para sa mga tagatangging sumasampalataya.
Magmabilis kayo tungo sa isang kapatawaran mula sa Panginoon ninyo at sa isang paraiso na ang luwang nito ay ang mga langit at ang lupa, na inihanda para sa mga tagapangilag magkasala,
na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi ng tawad para sa mga pagkakasala nila - at sino ang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh - at hindi nagpupumilit sa nagawa nila habang sila ay nakaaalam.
Ang mga iyon, ang ganti sa kanila ay isang kapatawaran mula sa Panginoon nila at mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Kay inam ang pabuya sa mga tagagawa.
Ito ay isang paglilinaw para sa mga tao, isang patnubay, at isang pangaral sa mga tagapangilag magkasala.
Kung may sumaling sa inyo na isang sugat ay may sumaling nga sa mga [ibang] tao na tulad nito. Ang mga araw na iyon, nagpapalipat-lipat Kami sa mga iyon sa pagitan ng mga tao at upang maghayag si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa Siya mula sa inyo ng mga martir - si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan -
at upang sumala si Allāh sa mga sumampalataya at pumuksa sa mga tagatangging sumampalataya.
Walang iba ang sabi nila maliban na nagsabi sila: "Panginoon namin, magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin at pagmamalabis namin sa pumapatungkol sa amin, magpatatag Ka sa mga paa namin, at mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya."
Kaya nagbigay sa kanila si Allāh ng gantimpala sa Mundo at ng kagandahan ng gantimpala sa Kabilang-buhay. Si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.
O mga sumampalataya, kung tatalima kayo sa mga tumangging sumampalataya ay magpapabalik sila sa inyo sa mga pinagdaanan ninyo para bumalik kayo bilang mga lugi.
Talaga ngang nagtotoo sa inyo si Allāh ng pangako Niya noong kumikitil kayo sa kanila ayon sa pahintulot Niya, hanggang sa nang pinanghinaan kayo ng loob, naghidwaan kayo hinggil sa utos, at sumuway kayo noong matapos na ipakita Niya sa inyo ang iniibig ninyo. Mayroon sa inyo na nagnanais ng Mundo at mayroon sa inyo na nagnanais ng Kabilang-buhay. Pagkatapos ay nagpalihis Siya sa inyo palayo sa kanila upang sumubok Siya sa inyo. Talaga ngang nagpaumanhin Siya sa inyo. Si Allāh ay may kabutihang-loob sa mga mananampalataya.
Pagkatapos ay nagpababa Siya sa inyo, matapos ng hapis, ng katiwasayan na isang antok na bumabalot sa isang pangkat kabilang sa inyo samantalang may isang pangkat naman na nagpabalisa nga sa kanila ang mga sarili nila, na nagpapalagay kay Allāh ng hindi totoo, na pagpapalagay ng Panahon ng Kamangmangan. Nagsasabi sila: "May ukol ba sa atin mula sa usapin na anuman?" Sabihin mo: "Tunay na ang usapin sa kabuuan nito ay ukol kay Allāh." Nagkukubli sila sa mga sarili nila ng hindi nila inilalantad sa iyo. Nagsasabi sila: "Kung sakaling may ukol sa amin mula sa usapin na anuman ay hindi sana kami napatayan dito." Sabihin mo: "Kung sakaling kayo noon ay nasa mga bahay ninyo ay talaga sanang natampok ang mga itinakda sa kanila ang pagkapatay tungo sa mga pagpapaslangan sa kanila." [Ito ay] upang sumubok si Allāh sa nasa mga dibdib ninyo at upang sumala Siya sa nasa mga puso ninyo. Si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
O mga sumampalataya, huwag kayong maging gaya ng mga tumangging sumampalataya at nagsabi sa mga kapatid nila nang naglakbay ang mga ito sa lupain o ang mga ito ay naging mga mandirigma: "Kung sakaling sila ay kapiling naming ay hindi sana sila namatay o napatay," upang gawin ni Allāh iyon bilang panghihinayang sa mga puso nila. Si Allāh ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nabuwag sila mula sa paligid mo. Kaya magpaumanhin ka sa kanila, humingi ka ng tawad para sa kanila at makipagsanggunian ka sa kanila sa usapin. Kaya kapag nagtika ka ay manalig ka kay Allāh; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nananalig.
Kaya ba ang sinumang sumunod sa pagkalugod ni Allāh ay gaya ng sinumang bumalik nang may pagkainis mula kay Allāh? Ang kanlungan niya ay ang Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
Talaga ngang nagmagandang-loob si Allāh sa mga mananampalataya yayamang nagpadala Siya sa kanila ng isang Sugo kabilang sa mga sarili nila, na bumibigkas sa kanila ng mga tanda Niya, nagdadalisay sa kanila, at nagtuturo sa kanila ng Aklat at Karunungan, bagamat sila dati noong bago niyon ay talagang nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Ang tumama sa inyo sa araw na nagkita-kita ang dalawang bukluran ay ayon sa pahintulot ni Allāh at upang maghayag Siya sa mga mananampalataya
at upang maghayag Siya sa mga nagpaimbabaw. Sinabi sa kanila: "Halikayo, makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh o magtanggol kayo." Nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman naming may labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo." Sila para sa kawalang-pananampalataya sa araw na iyon ay higit na malapit kaysa sa kanila para sa pananampalataya. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga bibig nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang itinatago nila.
[Sila] ang mga nagsabi sa mga kapatid nila samantalang namalagi sila: "Kung sakaling tumalima sila sa amin ay hindi sana sila napatay." Sabihin mo: "Kaya magtaboy kayo palayo sa mga sarili ninyo ng kamatayan, kung kayo ay mga tapat."
[Sila] ang mga nagsabi sa kanila ang mga tao: "Tunay na ang mga tao ay nagtipon sa inyo kaya matakot kayo sa kanila." Ngunit nakadagdag ito sa kanila ng pananampalataya at nagsabi sila: "Sapat sa amin si Allāh at kay inam ang Pinananaligan."
Kaya bumalik sila nang may isang biyaya mula kay Allāh at isang kabutihang-loob, na walang sumaling sa kanila na isang kasagwaan at sumunod sila sa pagkalugod ni Allāh. Si Allāh ay may isang kabutihang-loob na sukdulan.
Iyon lamang ay ang demonyo; nagpapangamba siya sa mga katangkilik niya kaya huwag kayong mangamba sa kanila at mangamba kayo sa Akin kung kayo ay mga mananampalataya.
Huwag ngang mag-akala ang mga tumangging sumampalataya na ang ipinapalugit Namin sa kanila ay mabuti para sa mga sarili nila; nagpapalugit lamang Kami sa kanila upang madagdagan sila ng kasalanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.
Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na mag-iwan sa mga mananampalataya sa anumang kayo ay naroon hanggang sa maibukod Niya ang karima-rimarim sa kaaya-aya. Hindi nangyaring si Allāh ay ukol na magpabatid sa inyo sa Lingid, subalit si Allāh ay humahalal mula sa mga sugo Niya ng sinumang loloobin Niya kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa mga sugo Niya. Kung sasampalataya kayo at mangingilag kayong magkasala, ukol sa inyo ay isang pabuyang sukdulan.
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay may pinasinungalingan nga na mga sugo noong bago mo, na nagdala ng mga malinaw na patunay, mga kautusan, at kasulatang nagbibigay-liwanag.
[Banggitin] noong gumawa si Allāh ng kasunduan sa mga binigyan ng kasulatan, [na nagsasaad]: "Talagang lilinawin nga ninyo ito sa mga tao at hindi kayo magkukubli nito." Ngunit itinapon nila ito sa hulihan ng mga likuran nila at bumili sila sa pamamagitan nito ng kaunting halaga kaya kay saklap ang binibili nila!
na mga umaalaala kay Allāh nang nakatayo o nakaupo o nakahiga sa mga tagiliran nila at nag-iisip-isip sa pagkalikha sa mga langit at lupa, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, hindi Ka lumikha nito nang walang-saysay. Kaluwalhatian sa Iyo, kaya mangalaga Ka sa amin sa pagdurusa sa Apoy.
Panginoon namin, tunay na kami ay duminig sa isang tagapanawagang nananawagan para sa pananampalataya, na [nagsasabi]: "Sumampalataya kayo sa Panginoon ninyo," kaya sumampalataya kami. Panginoon namin, kaya magpatawad Ka sa amin sa mga pagkakasala namin, magtakip-sala Ka sa amin sa mga masagwang gawa namin, at magpapanaw Ka sa amin kasama sa mga nagpapakabuti.
Kaya tumugon sa kanila ang Panginoon nila: "Tunay na Ako ay hindi magsasayang ng gawa ng isang gumagawa kabilang sa inyo, na isang lalaki o isang babae. Ang isa’t isa sa inyo ay bahagi ng isa’t isa. Kaya ang mga lumikas, pinalisan mula sa mga tahanan nila, sinaktan sa landas Ko, nakipaglaban, at pinatay ay talagang magtatakip-sala nga Ako sa kanila sa mga masagwang gawa nila at talagang magpapapasok nga Ako sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog," bilang gantimpala mula sa ganang kay Allāh. Si Allāh, taglay Niya ang kagandahan ng gantimpala.
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito bilang tuluyan mula sa ganang kay Allāh. Ang anumang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti para sa mga nagpapakabuti.
O mga sumampalataya, magtiis kayo, manaig kayo sa pagtitiis, mamalagi kayo, at mangilag kayong magkasala kay Allāh nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
تقدم القراءة