ﮠ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
ﭵ
ﰀ
Ṭā. Hā.
Hindi Kami nagbaba sa iyo ng Qur’ān upang lumumbay ka,
malibang isang paalaala para sa sinumang natatakot,
isang pagpapababa [ng kasi] mula sa lumikha ng lupa at mga langit na pinakamatataas.
Ang Napakamaawain ay sa trono lumuklok.
Sa Kanya ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, ang anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang anumang nasa ilalim ng alabok.
Kung maglalantad ka ng sasabihin, tunay na Siya ay nakaaalam sa lihim at sa higit na kubli.
Si Allāh ay walang Diyos kundi Siya. Ukol sa Kanya ang mga pangalang pinakamagaganda.
Nakarating ba sa iyo ang sanaysay kay Moises?
Noong nakakita siya ng isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: "Manatili kayo rito; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng isang ningas o makatagpo sa apoy ng isang patnubay.
Noong nakarating siya roon ay tinawag siya: "O Moises,
tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya maghubad ka ng mga panyapak mo; tunay na ikaw ay nasa binanal na lambak ng Ṭuwā.
Ako ay pumili sa iyo kaya makinig ka sa ikakasi:
Tunay na Ako ay si Allāh. Walang Diyos kundi Ako, kaya sumamba ka sa Akin at magpanatili ka sa pagdarasal para sa pag-alaala sa Akin."
Tunay na ang Huling Sandali ay darating. Halos ako ay magkubli nito upang gantimpalaan ang bawat kaluluwa sa anumang ipinagpunyagi nito.
Kaya huwag ngang bumalakid sa iyo roon ang sinumang hindi sumasampalataya roon at sumusunod sa pithaya niya sapagkat masasawi ka.
Ano yaong nasa kanang kamay mo, O Moises?
Nagsabi ito: "Ito ay tungkod ko. Tumutukod ako rito at nagpapalagas ako gamit nito para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pinaggagamitang iba pa."
Nagsabi Siya: "Ihagis mo iyan, O Moises."
Kaya inihagis nito iyon at biglang iyon ay naging isang ahas na sumisibad.
Nagsabi Siya: "Kunin mo iyan at huwag kang mangamba. Magpapanumbalik Kami riyan sa unang lagay niyan.
Idikit mo ang kamay mo sa tagiliran mo, lalabas itong maputi na walang batik bilang isa pang tanda,
upang magpakita Kami sa iyo ng ilan sa mga tanda Naming pinakamalalaki.
Pumunta ka kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis."
Nagsabi ito: "Panginoon ko, magpaluwag Ka para sa akin ng dibdib ko,
magpadali Ka para sa akin ng nauukol sa akin,
at magkalag Ka ng buhol mula sa dila ko,
ﯦﯧ
ﰛ
mauunawaan nila ang sasabihin ko.
Gumawa Ka para sa akin ng isang katuwang mula sa mag-anak ko,
ﯯﯰ
ﰝ
si Aaron na kapatid ko.
Magpatindi Ka sa pamamagitan niya ng lakas ko.
Itambal Mo siya sa nauukol sa akin
upang magluwalhati kami sa Iyo nang madalas
ﯾﯿ
ﰡ
at mag-alaala kami sa Iyo nang madalas.
Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita."
Nagsabi Siya: "Binigyan ka nga ng hiling mo, O Moises.
Talaga ngang nagmagandang-loob Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,
noong nagkasi Kami sa ina mo ng ikinasi,
na: Maghagis ka sa kanya sa baul at maghagis ka nito sa ilog at magtapon nito ang ilog sa pampang, kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at isang kaaway para sa kanya. Nag-ukol Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin at upang mahubog ka sa ilalim ng mata Ko."
[Nagmagandang-loob sa iyo] noong pumunta ang babaing kapatid mo at nagsabi: Magpapatnubay po ba ako sa inyo sa mangangalaga sa kanya? Kaya nagpabalik Kami sa iyo sa ina mo upang masiyahan siya at hindi siya malungkot. Pumatay ka ng isang tao ngunit nagligtas Kami sa iyo mula sa dalamhati at sumubok Kami sa iyo ng isang pagsubok. Nanatili ka ng mga taon sa mga tao ng Madyan. Pagkatapos ay pumunta ka [rito] sa takdang [panahon], O Moises.
ﮖﮗ
ﰨ
Yumari Ako sa iyo para sa sarili Ko.
Pumunta ka at ang kapatid mo dala ang mga tanda Ko at huwag kayong dalawang lumubay sa pag-alaala sa Akin.
Pumunta kayong dalawa kay Paraon; tunay na siya ay nagmalabis.
Magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing banayad nang sa gayon siya ay mapaalalahanan o matatakot.
Nagsabi silang dalawa: "Panginoon namin, tunay na kami ay nangangamba na magdali-dali siya [sa pagpaparusa] sa amin o magmalabis siya."
Nagsabi Siya: "Huwag kayong dalawang mangamba; tunay na Ako ay kasama ninyong dalawa. Nakaririnig Ako at nakakikita Ako.
Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya at magsabi kayong dalawa sa kanya: Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin. Dumating nga kami sa iyo na may dalang isang tanda mula sa Panginoon mo. Ang kapayapaan ay ukol sa sinumang sumunod sa patnubay.
Tunay na kami ay kinasihan nga na ang pagdurusa ay para sa sinumang nagpasinungaling at tumalikod."
Nagsabi ito: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa, O Moises?"
Nagsabi siya: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng kaanyuan nito, pagkatapos ay nagpatnubay."
Nagsabi ito: "Paano naman ang lagay ng mga salinlahing una?"
Nagsabi siya: "Ang kaalaman doon ay nasa ganang Panginoon ko sa isang talaan. Hindi naliligaw ang Panginoon ko at hindi Siya nakalilimot.
[Siya] ang gumawa para sa inyo ng lupa bilang nakalatag, nagsingit para sa inyo rito ng mga landas, at nagbaba mula sa langit ng tubig, kaya nagpaluwal sa pamamagitan nito ng mga kaurian ng halamang sari-sari.
Kumain kayo at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may mga katinuan.
Mula rito lumikha Kami sa inyo, dito magpapanumbalik Kami sa inyo, at mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa isang pagkakataong iba pa.
Talaga ngang nagpakita Kami sa kanya ng mga tanda Namin sa kabuuan ng mga ito ngunit nagpasinungaling siya at tumanggi.
Nagsabi ito: "Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa lupain namin sa pamamagitan ng panggagaway mo, O Moises?
Talagang magdadala nga kami sa iyo ng isang panggagaway tulad niyon. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanang hindi sisira niyon, kami ni kayo, sa isang pook na kalagitnaan."
Nagsabi siya: "Ang tipanan ninyo ay ang araw ng gayak at na tipunin ang mga tao sa gitnang-umaga."
Kaya tumalikod si Paraon at bumuo siya ng pakana niya, pagkatapos ay dumating siya.
Nagsabi sa kanila si Moises: "Kapighatian sa inyo! Huwag kayong gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sapagkat pupuksa Siya sa inyo sa pamamagitan ng isang pagdurusa. Nabigo nga ang sinumang gumawa-gawa."
Kaya naghidwaan sila sa nauukol sa kanila sa pagitan nila at naglihim sila ng pagtatapatan.
Nagsabi sila: "Tunay na ang dalawang ito ay talagang dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa lupain ninyo sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa at mag-alis sa pamamaraan ninyong pinakauliran."
Kaya pagkaisahan ninyo ang pakana ninyo, pagkatapos ay pumunta kayo na nasa hanay. Nagtagumpay nga sa araw na ito ang nangibabaw.
Nagsabi sila: "O Moises, maaaring pumukol ka o maaaring maging kami ang una sa pupukol."
Nagsabi siya: "Bagkus pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya dala ng panggagaway nila na ang mga ito ay sumisibad.
Kaya nakadama sa sarili ng isang pangamba si Moises.
Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba; tunay na ikaw ay ang pinakamataas."
Magpukol ka ng nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila. Yumari lamang sila ng isang pakana ng isang manggagaway at hindi nagtatagumpay ang manggagaway saanman siya pumunta.
Kaya napahandusay ang mga manggagaway na mga nakapatirapa. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Aaron at Moises."
Nagsabi ito: "Naniwala kayo sa kanya bago ako magpahintulot sa inyo. Tunay na siya ay talagang ang pasimuno ninyo na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako sa mga kamay ninyo at mga paa ninyo nang magkabilaan, talagang magbibitin nga ako sa inyo sa mga puno ng mga punong datiles, at talagang makaaalam nga kayo kung alin sa atin ang higit na matindi sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na nananatili."
Nagsabi sila: "Hindi kami magtatangi sa iyo higit sa dumating sa amin na mga malinaw na patunay at sa lumalang sa amin. Kaya magtadhana ka ng anumang ikaw ay magtatadhana. Nagtatadhana ka lamang sa buhay na pangmundong ito.
Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin upang magpatawad Siya sa amin sa mga kamalian namin at sa ipinilit mo sa amin na panggagaway. Si Allāh ay higit na mabuti at higit na nananatili."
Tunay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya bilang isang salarin, tunay na ukol sa kanya ay Impiyerno; hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay.
Ang sinumang pumunta sa Kanya bilang isang mananampalataya ay gumawa nga ng mga maayos. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga antas na pinakamatataas:
ang mga hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga nananatili sa mga ito. Iyon ay ang ganti sa sinumang nagpakadalisay.
Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises na maglakbay sa gabi kasama ng mga lingkod ko: "Pumalo ka para sa kanila ng isang daang tuyo sa dagat at huwag kang mangamba sa pagkaabot at huwag kang matakot."
Kaya nagpasunod sa kanila si Paraon ng mga kawal niya at bumalot sa kanila mula sa dagat ang bumalot sa kanila.
Nagpaligaw si Paraon sa mga tao niya at hindi nagpatnubay.
O mga anak ni Israel, nagligtas nga Kami sa inyo mula sa kaaway ninyo, nakipagtipan Kami sa inyo sa kanang gilid ng bundok, at nagpababa Kami sa inyo ng isang makakain na katulad ng pulot-pukyutan at pugo.
Kumain kayo mula sa mga kaaya-ayang itinustos Namin sa inyo at huwag kayong magmalabis dito sapagkat dadapo sa inyo ang galit Ko at ang sinumang dumapo sa kanya ang galit Ko ay napariwara nga.
Tunay na Ako ay talagang Tagapagpatawad para sa sinumang nagbalik-loob, sumampalataya, at gumawa ng maayos, pagkatapos ay napatnubayan.
Ano ang nagpamadali sa iyo palayo sa mga tao mo, O Moises?
Nagsabi ito: "Sila itong nasa bakas ko at nagmadali ako patungo sa iyo, Panginoon ko, upang malugod Ka."
Nagsabi Siya: "Ngunit tunay na Kami ay sumulit nga sa mga tao mo noong wala ka at pinaligaw sila ng Sāmirīy."
Kaya bumalik si Moises sa mga tao niya na galit na naghihinagpis. Nagsabi ito: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda? Kaya tumagal ba sa inyo ang panahon o nagnais kayo na may dumapo sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo, kaya naman sumira kayo sa naipangako sa akin?"
Nagsabi sila: "Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo dahil sa pagkukusa namin subalit kami ay pinagdala ng mga pasanin mula sa mga gayak ng mga tao kaya itinapon namin ang mga ito [sa apoy] at gayon pumukol ang Sāmirīy."
Nagpalabas siya para sa kanila ng isang guyang rebulto na mayroon itong pag-unga at nagsabi sila: "Ito ay diyos ninyo at diyos ni Moises, ngunit nakalimot siya."
Kaya hindi ba sila nakakikita na hindi ito nagbabalik sa kanila ng isang pagsabi at hindi nakapagdudulot para sa kanila ng isang pinsala ni isang pakinabang?
Talaga ngang nagsabi sa kanila si Aaron noong una pa: "O mga tao ko, sinulit lamang kayo sa pamamagitan nito, at tunay na ang Panginoon ninyo ay ang Napakamaawain kaya sumunod kayo sa akin at tumalima kayo sa utos ko."
Nagsabi sila: "Hindi kami hihinto rito bilang mga namimintuho hanggang sa bumalik sa amin si Moises."
Nagsabi siya: "O Aaron, ano ang pumigil sa iyo, noong nakakita ka sa kanila na naligaw,
na hindi ka sumunod sa akin? Kaya sumuway ka ba sa utos ko?"
Nagsabi ito: "O anak ng ina ko, huwag kang sumunggab sa balbas ko ni sa ulo ko. Tunay na ako ay natakot na magsabi ka: Naghati-hati ka sa pagitan ng mga anak ni Israel at hindi ka nag-abang sa sasabihin ko."
Nagsabi siya: "Kaya ano ang pakay mo, O Sāmirīy?"
Nagsabi ito: "Nakakita ako sa hindi nila nakita kaya dumakot ako ng isang dakot mula sa bakas ng sugo at ihinagis ko iyon, at gayon humalina sa akin ang sarili ko."
Nagsabi siya: "Kaya umalis ka sapagkat tunay na ukol sa iyo sa buhay na magsabi ka: Walang pananaling." Tunay na ukol sa iyo ay isang tipanan na hindi ka makasisira. Tumingin ka sa diyos mo na nanatili ka roon bilang isang namimintuho, talagang magsusunog nga Kami nito, pagkatapos ay talagang dudurog nga Kami rito sa dagat sa isang pagdurog.
Tanging ang Diyos ninyo ay si Allāh na walang Diyos kundi Siya. Sumaklaw Siya sa bawat bagay sa kaalaman.
Gayon Kami nagsasalaysay sa iyo ng ilan sa mga ulat ng nagdaan na. Nagbigay nga Kami mula sa Amin ng isang paalaala.
Ang sinumang umayaw rito, tunay na siya ay magpapasan sa Araw ng Pagbangon ng mga pabigat,
bilang mga mananatili roon. Masagwa ito sa Araw ng Pagbangon bilang isang pasanin.
Sa Araw na iihip sa tambuli at magtitipon Kami sa mga salarin sa Araw na iyon bilang [may matang] bughaw.
Magbubulungan sila sa pagitan nila: "Hindi kayo nanatili malibang sampung [gabi]."
Kami ay higit na nakaaalam sa sinasabi nila nang nagsabi ang mga tulad nila sa pamamaraan: "Hindi kayo nanatili maliban sa isang araw."
Nagtatanong sila sa iyo tungkol sa mga bundok kaya sabihin mo: "Dudurog sa mga ito ang Panginoon ko sa isang pagdurog,
at hahayaan Niya ang mga ito na maging kapatagang pantay.
Hindi ka makakikita roon ng isang lubak ni isang umbok."
Sa Araw na iyon susunod sila sa tagaanyaya nang walang paglihis sa kanya at mananahimik ang mga tinig para sa Napakamaawain kaya wala kang maririnig kundi bulong.
Sa Araw na iyon ay hindi magpapakinabang ang pamamagitan maliban sa sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at nalugod Siya roon sa pananalita.
Nakaaalam Siya sa hinaharap nila at nakaraan nila. Hindi sila makasasaklaw sa Kanya sa kaalaman.
Nagpakumbaba ang mga mukha sa Buhay na Mapagpanatili. Mabibigo nga ang sinumang nagdala ng isang kawalang-katarungan.
Ang sinumang gagawa ng ilan sa mga maayos samantalang siya ay mananampalataya, hindi siya mangangamba sa isang kawalang-katarungan ni isang pang-aapi.
Gayon nagbaba Kami ng isang Qur’an na Arabe at nagsari-sari Kami rito ng banta nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala o magsasanhi ito sa kanila ng isang pag-aalaala.
Kaya pagkataas-taas si Allāh, ang Haring Totoo. Huwag kang magmadali sa pagbigkas ng Qur’ān bago pa man matapos sa iyo ang pagkasi nito at sabihin mo: "Panginoon ko magdagdag Ka sa akin ng kaalaman."
Talaga ngang nakipagtipan Kami kay Adan noon pa man ngunit nakalimutan niya at hindi Kami nakatagpo sa kanya ng pagtitika.
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan," kaya nagpatirapa naman sila maliban kay Satanas; tumanggi siya.
Nagsabi Kami: "O Adan, tunay na ito ay isang kaaway para sa iyo at sa asawa mo; kaya huwag siyang magpapalabas nga sa inyong dalawa mula sa Hardin sapagkat malulumbay ka."
Tunay na ukol sa iyo na hindi ka magutom doon at hindi ka maghubad,
at na ikaw ay hindi mauuhaw rito at hindi mainitan.
Ngunit bumulong sa kanya ang demonyo. Nagsabi ito: "O Adan, ituturo ko ba sa iyo ang Punong-kahoy ng Kawalang-hanggan at kahariang hindi magmamaliw?"
Kaya kumain silang dalawa mula roon, kaya lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng Hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya.
Pagkatapos ay humalal sa kanya ang Panginoon niya at tumanggap sa pagbabalik-loob niya at nagpatnubay.
Nagsabi Siya: "Manaog kayong dalawa mula rito nang sama-sama. Ang iba sa inyo sa iba pa ay kaaway. Kaya kung may pumunta nga sa inyo mula sa Akin na isang patnubay, ang sinumang sumunod sa patnubay Ko ay hindi maliligaw at hindi malulumbay."
Ang sinumang umayaw sa pag-alaala sa Akin, tunay na ukol sa kanya ay isang pamumuhay na hikahos. Magtitipon Kami sa kanya sa Araw ng Pagbangon na isang bulag.
Magsasabi ito: "Panginoon ko, bakit Ka nagtipon sa akin na isang bulag gayong ako nga dati ay isang nakakikita?"
Magsasabi Siya: "Gayon dumating sa iyo ang mga tanda Namin at lumimot ka sa mga iyon. Gayon din ngayong araw lilimutin ka."
Gayon Kami gaganti sa sinumang nagpakalabis at hindi sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon niya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na matindi at higit na nananatili.
Kaya hindi ba nilinaw sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin bago sila kabilang sa mga salinlahi habang naglalakad sila sa mga tirahan ng mga iyon? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga may mga katinuan.
Kung hindi dahil sa isang salitang nauna mula sa Panginoon mo, talaga sanang ito ay naging kinakailangan, at isang taning na itinalaga.
Kaya magtiis ka sa anumang sinasabi nila at magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog nito; at mula sa mga bahagi ng gabi ay magluwalhati ka at sa mga dulo ng maghapon, nang sa gayon ikaw ay malulugod.
Huwag ka ngang magpaabot ng mga mata tungo sa ipinatamasa Namin sa mga kaurian kabilang sa kanila bilang karangyaan ng buhay sa Mundo upang sumulit Kami sa kanila roon. Ang panustos ng Panginoon mo ay higit na mabuti at higit na nananatili.
Mag-utos ka sa mag-anak mo ng pagdarasal at magpakamatiisin ka rito. Hindi Kami humihingi sa iyo ng panustos; Kami ay tumutustos sa iyo. Ang [napapupurihang] kahihinatnan ay ukol sa [mga may] pangingilag sa pagkakasala.
Nagsabi sila: "Bakit kaya hindi siya nagdala sa atin ng isang tanda mula sa Panginoon niya? Hindi ba dumating sa kanila ang malinaw na patunay ng mga unang kalatas?"
Kung sakaling Kami ay nagpahamak sa kanila sa pamamagitan ng isang pagdurusa noong bago pa niya ay talaga sanang nagsabi sila: "Panginoon namin, bakit kaya hindi Ka nagsugo sa amin ng isang sugo para sumunod kami sa mga tanda Mo bago pa man nahamak kami at napahiya kami."
Sabihin mo: "Bawat isa ay nag-aantabay; kaya mag-antabay kayo at malalaman ninyo kung sino ang mga kasamahan sa landasing tumpak at kung sino ang napatnubayan."