سورة يوسف

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Salin ng Sura Si Propeta Jose sa الفلبينية mula sa الترجمة الفلبينية (تجالوج)

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

Tunay na Kami ay nagbaba nito bilang isang Qur’an na Arabe nang sa gayon kayo ay makauunawa.
[Banggitin] noong nagsabi sila: "Talagang si Yūsuf at ang kapatid niya ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang nakararaming pangkat. Tunay na ang ama natin ay nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Nagsabi sila: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo? Hindi ka nagtitiwala sa amin para kay Yūsuf samantalang kami sa kanya ay talagang mga tagapayo.
Ipadala mo siya kasama namin bukas, magpapasasa siya at maglalaro; at tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat."
Nagsabi sila: "Talagang kung kinain siya ng lobo samantalang kami ay isang [malakas na] pangkat, tunay na kami samakatuwid ay talagang mga talunan."
Kaya noong umalis sila dala siya at napagkaisahan nila na ilagay siya sa kailaliman ng balon, nagsiwalat Kami sa kanya: "Talagang magbabalita ka nga sa kanila hinggil sa kagagawan nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam."
May dumating na isang karaban; pagkatapos ay nagpadala sila ng tagaigib nila at ibinaba nito ang timba nito. Nagsabi ito: "O nakagagalak na balita! Ito ay isang batang lalaki." Inilihim nila siya bilang isang paninda. Si Allāh ay Maalam sa ginagawa nila.
Ipinagbili nila siya sa isang halagang mababa: mga dirham na mabibilang. Sila sa kanya ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga.
Noong umabot siya sa kahustuhang gulang niya ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda.
Nagsabi siya: "Siya ay nagtangkang umakit sa akin sa sarili ko." Sinaksihan ng isang tagasaksi kabilang sa kasambahay nito, [na nagsasabi]: "Kung nangyaring ang kamisa niya ay napunit sa harapan, nagpakatotoo ito at siya naman ay kabilang sa mga sinungaling;
Kaya noong nakita niyon na ang kamisa niya ay napunit mula sa likuran, nagsabi iyon: "Tunay na ito ay bahagi ng pakana ninyong [mga babae]; tunay na ang pakana ninyong [mga babae] ay sukdulan.
Kaya noong nakarinig ito hinggil sa panlalansi nila ay nagsugo ito sa kanila, naglaan ito para sa kanila ng isang piging, at nagbigay ito sa bawat isa sa kanila ng kutsilyo, at nagsabi ito [kay Yūsuf]: "Lumabas ka sa kinaroroonan nila." Kaya noong nakita nila siya ay minalaki nila siya [sa kakisigan] at nahiwa nila ang mga kamay nila, at sinabi nila: "Kasakdalan kay Allāh! Ito ay hindi isang mortal. Walang iba ito kundi isang anghel na marangal!"
Nagsabi ito: "Kaya iyan ang isinisisi ninyo sa akin hinggil sa kanya. Talaga ngang pinagtangkaan kong akitin siya sa sarili niya, ngunit nagpigil siya; at talagang kung hindi niya gagawin ang ipinag-uutos ko sa kanya, talagang ibibilanggo nga siya at talagang siya nga ay magiging kabilang sa mga nanliliit."
Nagsabi siya: "Panginoon ko, ang bilangguan ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa inaanyaya nila sa akin. Kung hindi Ka maglilihis palayo sa akin ng pakana nila, makakikiling ako sa kanila at ako ay magiging kabilang sa mga mangmang."
May pumasok kasama niya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: "Tunay na ako ay nanaginip na ako ay pumipiga ng alak." Nagsabi naman ang isa pa: "Tunay na ako ay nanaginip na ako ay nagpapasan sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin ng pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda."
Nagsabi siya: "Walang dumarating sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa ng pagpapakahulugan nito bago pa man dumating ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.
O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, ang mga panginoong magkakahiwa-hiwalay ba ay higit na mainam o si Allāh, ang Nag-iisa, ang Palalupig?
O dalawang kasamahan ko sa bilangguan, hinggil sa isa sa inyong dalawa, magpapainom siya sa panginoon niya ng alak; at hinggil naman sa isa pa, bibitayin siya at kakain ang mga ibon mula sa ulo niya. Napagpasyahan na ang usapin na hinggil dito ay nag-uusisa kayong dalawa."
Nagsabi ang naligtas mula sa dalawang [bilanggo] at nakaalaala matapos ng isang yugto: "Ako ay magbabalita sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan nito, kaya magsugo kayo sa akin [kay Yūsuf]."
Nagsabi ang hari: "Dalhin ninyo siya sa akin, magtatangi ako sa kanya para sa sarili ko." Noong nakausap siya nito ay nagsabi ito: "Tunay na ikaw sa araw na ito sa amin ay isang matatag [ang katungkulan], pinagkakatiwalaan."
Talagang ang pabuya ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga sumampalataya at nangingilag magkasala noon.
Dumating ang mga kapatid ni Yusuf, pagkatapos ay pumasok sila sa kinaroroonan niya, at nakilala niya sila samantalang sila sa kanya ay mga di-nakakikilala.
Noong nagkaloob siya sa kanila ng kagamitan nila ay nagsabi siya: "Dalhin ninyo sa akin ang isang kapatid ninyo mula sa ama ninyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay naglulubos sa pagtatakal at ako ay pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy?
Nagsabi sila: "Magtatangka kaming humimok sa ama niya [sa pagsasama] sa kanya, at tunay na kami ay talagang mga gagawa [niyon]."
Nagsabi siya sa mga alila niya: "Ilagay ninyo ang paninda nila sa mga sisidlan nila nang sa gayon sila ay makakikilala sa mga ito kapag nakauwi sila sa mag-anak nila nang sa gayon sila ay babalik."
Kaya noong nakabalik sila sa ama nila ay nagsabi sila: "O ama namin, ipinagkait sa amin ang pagtatakal; kaya ipadala mo po kasama namin ang kapatid namin, tatakalan kami. Tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat."
Nagsabi siya: "Ipagkakatiwala ko ba siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niya noon? Ngunit si Allāh ay pinakamabuti bilang tagapag-ingat at Siya ay ang pinakamaawain sa mga naaawa."
Noong nabuksan nila ang mga sisidlan nila ay natagpuan nila na ang paninda nila ay isinauli sa kanila. Nagsabi sila: "O ama namin, ano pa ang mahahangad namin? Ito ay ang paninda naming isinauli sa amin. Mapaglalaanan namin ang mag-anak namin. Mapag-iingatan namin ang kapatid namin. Madaragdagan kami ng takal [na pasan] ng kamelyo; iyan ay isang pagtakal na madali."
Nagsabi siya: "Hindi ko siya ipadadala kasama ninyo hanggang sa magbigay kayo sa akin ng isang taimtim na pangako mula kay Allāh na talagang dadalhin nga [muli] ninyo siya sa akin, maliban kung mapaliligiran kayo [ng kapahamakan]." Kaya noong nagbigay sila sa kanya ng taimtim na pangako nila ay nagsabi siya: "Si Allāh, sa anumang sinasabi natin, ay pinagkakatiwalaan."
Kaya noong napaglaanan niya sila ng nakalaan sa kanila ay inilagay niya ang inuman sa sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos ay nanawagan ang isang tagapanawagan: "O karaban, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw."
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalaman ninyo na hindi kami dumating upang manggulo sa lupain, at hindi nangyaring kami ay mga magnanakaw."
Nagsabi ang mga iyon: "Kaya ano ang ganti roon kung nangyaring kayo ay mga sinungaling?"
Kaya nagsimula siya sa mga sisidlan nila bago ng sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos ay nailabas niya ito mula sa sisidlan ng kapatid niya. Gayon nagpakana kami para kay Yusuf. Hindi nangyaring magdadala siya sa kapatid niya sa batas ng hari maliban kung loloobin ni Allāh. Inaangat Namin sa mga antas ang sinumang niloloob Namin. Sa ibabaw ng bawat may kaalaman ay isang maalam.
Nagsabi sila: "O makapangyarihan, tunay na siya ay may isang amang matandang lubha, kaya kunin mo po ang isa sa amin bilang kapalit niya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo bilang kabilang sa mga tagagawa ng maganda."
Nagsabi siya: "[Hiling ko] ang pagkupkop ni Allāh na manghuli kami maliban pa sa sinumang natagpuan naming ang pag-aari namin ay sa piling niya; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang mga tagalabag sa katarungan."
Kaya noong nawalan na sila ng pag-asa sa kanya, bumukod sila na nagsasanggunian. Nagsabi ang matanda nila: "Hindi ba ninyo nalaman na ang ama ninyo ay tumanggap sa inyo ng isang taimtim na pangako kay Allāh at noong una ay nagwalang-bahala kayo kay Yusuf, kaya hindi ko iiwan ang lupain hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko o humatol si Allāh sa akin at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagahatol.
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, nagpapatuloy kang umaalaala kay Yusuf hanggang sa ikaw ay maging halos mamatay sa sakit o ikaw ay maging kabilang sa mga nasawi."
Kaya noong nakapasok sila sa kinaroroonan niya ay nagsabi sila: "O makapangyarihan, sumaling sa amin at sa mag-anak namin ang kapinsalaan at dumating kami nang may dalang panindang mababang uri, ngunit lubusin mo po sa amin ang takal at magkawanggawa ka po sa amin; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa."
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang minagaling ka ni Allāh kaysa sa amin at tunay na kami dati ay talagang mga nagkakamali."
Umalis kayo kalakip ng kamisa kong ito at ipukol ninyo sa mukha ng ama ko, pupunta siyang nakakikita. Pumunta kayo sa akin kasama ng mag-anak ninyo nang sama-sama."
Noong nakalisan ang karaban ay nagsabi ang ama nila: "Tunay na ako ay talagang nakadarama ng halimuyak ni Yusuf, kung sakaling hindi kayo magturing ng pagkaulyanin sa akin."
Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, tunay ikaw ay talagang nasa kamalian mong matanda."
Nagsabi sila: "O ama namin, humingi ka po ng kapatawaran para sa amin sa mga pagkakasala namin; tunay na kami noon ay mga nagkakamali."
Inangat niya ang magulang niya sa trono at yumukod sila sa kanya na mga nakapatirapa. Nagsabi siya: "O ama ko, ito ay pagpapakahulugan sa panaginip ko noon. Ginawa nga ito ng Panginoon ko na totoo. Nagmagandang-loob nga Siya sa akin noong nagpalabas Siya sa akin mula sa pagkabilanggo at nagdala Siya sa inyo mula sa ilang matapos na nagpasigalot ang demonyo sa pagitan ko at ng mga kapatid ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mabait sa anumang niloloob Niya. Tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong.
Ang higit na marami sa mga tao, kahit pa man nagsigasig ka, ay hindi mga mananampalataya.
Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa kanila kay Allāh malibang habang sila ay mga tagapagtambal.
Kaya natitiwasay ba sila na darating sa kanila ang isang tagalukob mula sa pagpaparusa ni Allāh o darating sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakararamdam?
Hindi Kami nagsugo mula noong wala ka pa kundi ng mga lalaking nagsiwalat Kami sa kanila kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod. Kaya hindi ba sila naglakbay sa lupain para magmasid sila kung papaano ang naging kinahinatnan ng mga kabilang sa nauna sa kanila? Talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala; kaya hindi ba kayo nakauunawa?
[Nagpalugit] hanggang sa, nang nawalan ng pag-asa ang mga sugo [na ito] at nag-akala naman sila na ang mga ito ay pinagsinungalingan nga, dumating naman sa mga ito ang pag-aadya Namin at nailigtas ang sinumang niloloob Namin at hindi mapipigil ang parusa Namin sa mga taong salarin.
تقدم القراءة