surah.translation .
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Hindi ba nagpaluwag Kami para sa iyo ng dibdib mo?
Nag-alis Kami palayo sa iyo ng pasanin mo,
na nakabigat sa likod mo.
Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo.
Kaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa.
Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa.
Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain] ay magpakapagal ka [sa pagsamba],
at sa Panginoon mo ay magmithi ka.